30 : Good Riddance

22 2 0
                                    


"Can you use brighter colors on this part?" Tanong sa akin ni Mrs. Javier. Ang adviser ng Drama & Music Club.


We are on our sixth day in helping out their club para sa performance nila sa susunod na Friday. Which is a week from now. Nasa labas kami ng hallway ng Music Club para tignan ni Mrs. Javier ang mga gawa namin.


"Ah, excellent." Sabi ni Mrs. Javier nang lapitan niya si Airen. "I love what you're doing. Brighter colors, everyone!"


Napahinga ako nang malalim. Ang ganda nga ng pinipinturahang backdrop ni Airen kasi nasa kanya ang mga scenes na magaganda.


Nasa akin naka-assign ang mga gyera at puro gabi na scenes sa play.


"Hala, Airen! You're here?" Lahat kami napatingala sa boses ni Stella na suot-suot ang costume niya bilang Cosette. "You're being so sweet for helping us. Thank you, guys!"


Kasama niya si Winona na nakabihis na rin para sa full dress rehearsals nila sa mismong loob na ng theater room ng school.


Lumapit pa si Stella para ikutan kaming mga nagpipinta ng backdrop nila. Pansin kong nakita ako ni Winona pero iniwas niya kaagad ang tingin niya sa akin. "Oh my, you guys are so talented! Salamat talaga sa help!"


"Basta ikaw, Pres!"'


"Ang ganda mo, Miss Stella!"


I just chose to ignore them and went back to painting.

"Oh, thank you--oh!" Biglang may paa na madiin na umapak sa kaliwang kamay ko. It was Stella and her high-heeled shoes. It was too painful and too sudden.


"Aray!" Ang lakas ng sigaw ko sa sobrang sakit. Parang naitulak ko pa si Stella kaya napatumba siya malapit sa mga pintura na ginagamit ni Airen.


Now everything's a mess and all eyes were on the two of us. Tumayo kaagad ako para alalayan si Stella but she refused.


So Airen and the others helped her instead.


"I-I didn't mean to step on you, Dani. I'm sorry! Pero hindi mo naman ako kailangang itulak, diba?" I watched as she fake a cry. "My dress is ruined!"


Lahat ng mata napunta sa akin bigla. "I didn't mean to push you, I'm sorry. Nabigla lang rin ako sa sakit--"


"Stella! Oh, heavens! What did you do with the dress?" Sigaw ni Mrs. Javier nang mapansin ang kaguluhan. Mabilis niyang nilapitan si Stella sabay tingin sa amin. "Who did this?" Galit na galit niyang tanong.


Nagtaas agad ako ng kamay. "Ma'am, it was an accident, I am sorry--"


"Hindi ninyo alam ang pagod ko para alagaan ang mga costumes na ito!"


"I am sorry, hind ko po sinasadya--"


"Samaniego! Wait until your club adviser hears about this! Winona, halika na! Not only we are running out of time, we've got another problem! Oh, dear me!" Rinig pa rin ang boses ni Mrs. Javier nang makalayo sila.


Then the whispers came next. At ang mga mapanghusgang mga mata na naman nila ay nakapukol sa akin.


"What are you looking at? It was an accident." Sabi ko sa kanila.


Some of them kept her head down and continued working, the others were really eyeing me with judgement and scrutiny.


Bumabalik ang panlalamig ng katawan ko.



No, not again.



Be the First (Love in Rivalry #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon