Let me tell you a story.
Year 2013, around month of June or July nakilala ko si Minwoo, member ng kpop band na Boyfriend. I became addicted to him. Every saturday and sunday nag-aabang ako sa V channel ng Kpop Explusion, nagfe-feature sila ng kpop Mv's..nagbabaka sakali ako na Mv nila ang ipalabas. Every tuesday morning sa Myx may Kpop segment din sila.. and sa Arirang channel, every morning nanunuod ako ng Pops in Seoul baka sila ang ipakita...Every saturday and sunday night nanunuod din ako ng Simply Kpop sa Arirang channel baka sila ang magperform. Na'expose ako sa Kpop World. Hindi ko alam pero pag nakikita ko sya magperform.. rapping and dancing..nakakabaliw. Nanunuod na din ako ng videos nila sa Youtube.. even sa social media nag-aabang na din ako ng updates about sa kanila. Hanggang sa nagdownload na din ako ng videos and music... Yung panunuod ng videos and pakikinig ng music ang naging libangan ko. Hindi ko maipaliwanag pero kinikilig talaga ako kay Minwoo. Halos yung memory card ko napuno na ng pictures nya. Yung homescreen, lockscreen even yung Go Sms wallpaper ko..picture nya din! Fangirling.Yah. Pinagtatawanan na nga ako ng friends ko kasi mukha na daw akong Minwoo. Tss, learn the art of dedmatology. Dumating sa point na nag'eedit na din ako ng video gamit yung mga pictures nya. Ganun ako ka-obsessed ...sya ang naging mundo ko..Si Minwoo.
Until year 2014, month of May, there is an abrupt change in my life. I fell in love with a girl. Nagkaroon ng gap yung fangirling ko kay Minwoo. Hindi naman totally nawala pero nabawasan.. maybe because...kailangan kong magfocus sa problema ko. Liking a girl...its not normal..sabi ko sa sarili ko. Aaminin ko masaya ako pag nakikita ko sya.. kinikilig..It feels so right. Walang mali sa nararamdaman ko.. but everytime na mag-iisa na ako...nalulunod ako sa pag-iisip. Kukwestyunin ko na naman ang sarili ko 'anu ba?! Mali yan! Mali ang nararamdaman mo! Baguhin mo yan!' Parang may dalawang taong nagtatalo sa utak ko.. Yung masaya ka pero somewhere in your brain may konsensyang magsasabing 'Mali yan'...Nakakasira ng utak! Hindi ko kinakaya ung pag iisip kaya.. I end up crying. Sumagi na din sa isip ko noon na magpakamatay pero never kong sinubukan..hindi ko kaya. I isolated myself. Nagkulong ako sa kwarto..ayoko ng kausap..kung meron man...piling tao lang kasi natatakot ako na once na mag open up ako sa kanila....may magbago. Kaya gumawa ako ng diary. Lahat ng hinanakit ko sa mundo...lahat ng gusto kong sabihin.. lahat ng gusto kong isigaw.. yung mga nararamdaman ko sa kanya ko sinasabi. Alam ko wala akong response na makukuha pero nakatulong.. it helps me lessen the burden I'm keeping inside. Naging busy din ako sa first love ko which is drawing... kailangan ko yun para ma'skip man lang yung mind ko sa pag iisip about sa kanya..about sa nangyayari. Pero hindi pinahintulutan ng pagkakataon, palage ko sya nakikita.. at mas nababaliw ako sa kanya. May mga lalaking nag ooffer (love)... aaminin ko may nagustuhan ako sa kanila pero unfair eh... malaking kwestyun pa din yung pagkatao ko para saken. Kaya nawala na lang sila. Dahil sa kagustuhan kong mawala yung feelings ko... naging rude ako sa kanya... umiiwas ako ng tingin..pagkakausapin nya ako ipinapakita ko na hindi ako interesado kausap sya..'poker face' ika nga. Di ba dapat pag gusto mo yung isang tao maging mabait ka sa kanya?..Iba ako.. siguro para magalit sya saken.. para may dahilan naman ako para kainisan sya..pero wala eh.. I failed. Everything about her..gusto ko. Sa tagal ng pagmamasid ko sa kanya lahat ng mannerism na turn off para sa iba.. cute para saken. Kahit yung pangungulangot nya.. I still find it attractive. Kahit siguro sya na ang pinaka'sintunadong nilalang sa mundo, ako pa din ang no.1 fan nya! Argh. Di ko mapigilan humanga. Hayys.
Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa mga kaibigan ko..and thanks God. Tinanggap nila ako. Mas naging close kami..mas naging totoo ako sa kanila. Sila ang sumalo ng lahat ng drama ko sa buhay. Nakakatawa na mas mabilis ung pag tanggap nila saken kesa sa pagtanggap ko sa sarili ko. In short, nung time na sinabi ko sa kanila na nagkakagusto ako sa babae...I'm still struggling with it.. Hindi ko pa tanggap ang nangyari saken. But kailangan mag move on, right? Malaki ang naging role nila sa buhay ko... They helped me to cope with the difficulties. Its a long process by the way. There's ups and downs..minsan okay..minsan hindi. After a year, I finally accepted it. Too long? Yeah, I guess..magkakaiba siguro tayo ng approach sa problema..ang importante..We survived.
Maaaring mali sa marami yung nararamdaman ko I'm just acting who really I am. Come to think of it, masaya ako sa nangyari... tinulangan nya ko makilala kung sino at ano ako.
At present, I'm out with few friends and sa sister ko... my parents..siguro confirmation ko na lang ang kulang?? Ramdam naman siguro nila... hahaha. So yeah! yun lang guys. hahahahaha
Stay strong. You're not alone.
love lots!!!
^____^