chapter 5

42 40 2
                                        


“I would choose the love sir!” sagit ng isa kong kaklase

“You mean, the unethical love?”

“Yes sir, kasi minsan ka lang naman magmamahal e tsaka pwede ka naman magmahal habang nagtatrabaho hindi ba? Love is beyond everything, kaya mas pipiliin ko ang love kasi pagmamahal ang una sa lahat ng bagay”

“Even that means na pwede kang matanggal ka trabaho?”

“Yes sir, kasi pwede ka naman ulit maghanap ng trabaho ulit”

“I see, anyone against him?”

“I would like to stay in the job” sabat ko naman

“Yes it's true that love is beyond everything pero hindi tayo mapapakain ng pagmamahal natin. Tsaka isa pa, pinili mong abutin yung profession na yun tapos ipagpapalit mo lang sa unethical love? It is called "unethical" for a reason. Tsaka isa pa, wala tayong assurance na after that ay magiging stable pa tayo financially. As we all know, kahit saang work ay hinahanapan ng background. So do you think makakahanap ka ng trabaho kapag nalaman nila na may ganon kang background? It's against the ACA code of ethics” pagtatapos ko. Lahat naman sila ay pumalakpak after ko. And as the agreement, exempted na ako sa long test

Sa buhay, we must think practically for us to survive. Tss, hindi niya ba naisip yun?

It's almost 5 nang makalabas ako sa room , cleaners kasi kami kaya naglinis pa kami after class. Sakto naman at naulan at... at... WALA AKONG PAYONG!!

Ehh? Paano ako uuwi??? Badtrip ah? Huminto na muna ako sa hallway habang naghihintay na humina ang ulan, susugod nalang yata ako. I was patiently waiting when someone held my bag.

“You shouldn't let your bag open, miss” He said then he walked away.

Wait.... That's smell... Is he Dione???

Pagtingin ko sa loob ng bag ko, MAY PAYONG NA!!

At some reason, matagal kong tinitigan ang payong niya bago ko ito ginamit.

“Pati payong, kaamoy niya rin?” Oo, ang bango ng payong niya. Parang bago nga lang 'to. Tss, nevermind, atleast may payong ako!

Naglalakad na ako palabas ng school nang makita ko sya sa court, naghihintay na humina ang ulan.

“Uhh, hi? Thank you sa payong ah? Ibabalik ko nalang bukas” I said as I approached him

“Nah, it's yours. Anyways, wala ka bang kasama?”

“Wala, bakit?”

“Commute?”

“Yeah?” Ang dami namang tanong nito! Buti sana kung isasabay niya ako no. Wait.. What?!!! Anong isasabay?! Nasisiraan na yata ako ng ulo!

“Ano—” Nasaan na yun? Nag likot lang utak ko, nawala na agad?! So I guess uuwi ako mag-isa huh?

Lumabas na ako sa school at sumakay na sa jeep. Gladly, hindi pumapasok ang ulan sa jeep na nasakyan ko.

“Beh ano yung consultant?” dinig ko namang tanong ng isang babae sa kasama niya

“Ano, langgam na specialist” sagot naman sakanya ng kasamahan niya

Taka naman akong lumingon dito. Consultant? Langgam na specialist?? Mga tao talaga ngayon weirdo na lahat!

Pag uwi ko, naligo agad ako. While I was inside the bathroom, hindi ko maiwasan alalahanin yung about sa consultant.

Consultant. Langgam na specialist. Consultant... Consultant.. Consul...

“Ahhhh” mahinang usal ko

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH nagets ko na! Consult-ant kaya langgam? HAHAHAHAHAHAHA lint—”

“Hoy Zoe bakit?!! Bakit natawa ka diyan mag isa?!”

Bwis!t, 100000/10 sakin yun ah?

Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Naaninag ko naman si Tasha sa terrace kaya nilabas ko siya

“Bakit nandito ka? Hindi ka ba nilalamig?”

“Wala naman, nagpapa antok lang”

Hindi nalang ako nagsalita at sabay naming pinakinggan ang pagbagsak ng ulan. Umuulan parin hanggang ngayon

“Do we have a problem?” tanong ko sakanya, pansin ko kasi ang pananahimik niya

“Wala naman, nagpapaantok nga lang”

“tss, pinsan mo ako Tasha, you can say anything that bothers you. Makikinig naman ako sayo”

Funny. Funny how we always says the things we need to hear from others. Imbis na ikaw yung makakatanggap ng ganoong salita, ikaw pa yung nagsasabi sa iba haha

“Pasok na ako ah? Bibihis pa ako” paalam ko at pumasok na sa kwarto

I'm wearing ay purple shirt and t-shirt, yung silk na pantulog. Hindi pa naman ako inaanto kaya nag scroll muna ako sa fb.

Message request
Buksan motto :
When you said hello,
I looked in your eyes.
Suddenly, I felt good inside.
Is this really happ'nin?
Or am I just dreaming?
I guess, it's true.
I can't believe

“What the he.ll is this?”

I've fallen for you
Finally, my heart gave in.
And I'm fallen in love
I fin'lly know how it feels
So this is love...

“Lyrics ng kanta? Weird...” I try not to think about it as I go to sleep

Maybe in another life   (Complete) Where stories live. Discover now