“I love you... ”
Gulat akong napatingin sakanya nang sabihin niya 'yon! Malakas ang kabog sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
“Anong... ANONG I LOVE YOU PINAGSASABI MO RIYAN?!” Gulat na sigaw ko sakanya. Taka naman siyang sumulyap sakin pag tapos ay natawa
“Sabi ko I. LOVE. THE. VIEW” Inisa-isa niya ang mga salitang yun sa harap ko
Napapahiya naman ako umiwas ng tingin sakanya habang siya ay natatawa. Bakit kasi ganon pagkakasabi niya? Iba tuloy narinig ko...
“Maganda sana kaso mukhang hindi naglilinis ng tenga..” Mahinang usal niya habang nakatingin sakin
Inirapan ko nalang siya dahil nahihiya ako masyado. Uminom nalang ako nung coke at hindi siya pinansin. Naiinis ako sakanya pati sa sarili ko!
Maya-maya ay tumayo siya. Napatingala ako sakanya at takang tumingin.
“I'll get us something to eat, wait me there” Sabi niya at umalis.
Mag gagabi na pala nang bumalik ako sa wisyo. Inubos ko nalang ang laman ng coke tsaka ito tinapon sa malapit na basurahan. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ako ngayon. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong isama rito.
Nang makabalik si Dione ay may dala itong mga kahoy na pang gatong.
“Anong gagawin mo r'yan ?”
“Apoy..”
Napatulala lang ako habang inaayos niya ang mga kahoy sa buhanginan. Wala na, mukhang malulun0d pa talaga ako sakanya.
Maya-maya ay may dumating na crew na may dalang pagkain. May nakita akong hilaw na hotdog kaya naisipan ko na baka iihawin yun ni Dione.
Umalis ulit siya kaya ako nalang ang nag ihaw non dahil nagugutom narin ako. Isa rin kasi sa mga favourite ko ang inihaw na hotdog kaya natatakam narin ako.
Pagbalik niya, may dala na siyang gitara at marshmallows. Inilagay ko lang ang mga naihaw kong hotdog at inalok siya nito. Kumain naman siya dahil ako rin naman ang nagturo sakanya na Kumain nito.
“Uuwi na kita maya-maya” sambit niya kaya naman nakangiti akong lumingon sakanya.
“Are you going to sing a song?”
“What song do you prefer?”
Wala akong naisagot sakanya. Lahat naman kasi ay maganda sa pandinig ko. Nagsimula na siyang mag strum nang hindi ako sumagot sakanya.
“Saying those three words just ain’t enough
So I try to give you all my love” Pag uumpisa niya sa pagkanta habang nakatingin sakin
“We can do the things that you always wanted
Make it possible there’s nothing that can stop it
We can bake and judge on who’s the best
We can build your favorite Lego set
Are you down to go and have a little car ride
Everything is great as long as you’re by my side”
Prente lang siyang nakatitig sakin habang kinakanta ang mga linyang yun, nakatitig lang din ako sakanya habang kumakain, ninanamnam ang ganda ng boses niya
“Tell me what you need
‘Cause I’ll be here
As long as it’s you baby”
Nahiya akong umiwas ng tingin ng nakangiti siyang tumngin sakin. Hinintay ko nalang na matapos niya ang kanta dahil parang bulkan na sasab0g na ang puso ko sa sobrang dami ng nararamdaman ko ngayon.
Parang dagat si Dione, na kapag nalunod ka sa pinakamalalim na parte ay hindi ka na makakaahon. At ganon nga ang nangyari. Hindi ko na alam kung makakaahon pa ako sakanya.
Pagtapos niyang umawit ay kumain na muna kami. I was lost in my thoughts while looking at him intently. Hindi ko maiwasang mamangha sakanya. He's too much for me.
Minsan naiisip ko kung mali bang magkagusto sakanya. It took a lot of courage for me to accept the fact that I'm already falling in love. At hindi ko na gugustuhin umahon pa sa pagkakalunod sakanya.
He surprised me a lot. Kahit na minsan ay nasaktan ako sakanya, nagagawa niya paring bumawi.
“Gusto mo na ba umuwi?”
“Maya-maya na, uwing-uwi kana ba?” natatawang sagot ko sakanya
“No, I'm just asking if you want to...”
“After natin dito, hindi pa nga ubos yung mallows oh” sabay turo ko sa mallows na naka tusok sa stick.
We talked about the resort bago kami matapos kumain. Lolo niya pala ang may-ari ng resort na 'to, kaya pala ganon nalang siya i-welcome kanina.
Napagpasyahan naming umuwi na dahil lumalalim na ang gabi. Nagpaalam muna kami sa mga crew bago sumakay sa sasakyan. Hindi ko maiwasang humikab dahil narin sa lamig.
“Take a nap, gigisingin nalang kita”
At sumunod ako. Maya-maya ay nakarating na kami. Hindi naman siya nahirapang gisingin ako dahil kusa narin akong nagising. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong bumaba.
“Thank you ah, unexpected pero masaya naman” sabi ko habang nakangiti sakanya
“Pumasok kana”
“Right, mag-ingat ka ah? Goodnight!”
“Iyah...” Paalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin
“Bakit?”
“Goodnight, I'll go now”
Napatulala naman ako habang tinitignan ang Paalis niyang bulto. Malakas na kumakabog ang dibdib ko!
“What the fvck did just happened...” Mahinang usal ko sa sarili ko habang inaalala ang nangyari.
He just kissed my forehead!!!
YOU ARE READING
Maybe in another life (Complete)
Romance"Life is but a walking shadow, a poor player, that struts and frets his hour upon the stage, and then is hear no more; it is a tale told by an id/ot, full of sound and fury, signifying nothing" "If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do...
