Pinanganak ako sa 7th street ata kay apong zon na midwife yun din kasi ang sabi ng magulang ko eh at doon naman ako dinadala noon pag may lamig ako.If alam niyo ang tinutukoy ko yun yon pero sa hindi nakakaalam para iyong rashes na bilog bilog na bubukol sa katawan mo, tuwing nilalamig ka or malamig ang klima.
Hindi naman maipag kakaila na noon ay bandang 2008 malamig lamig pa klima dahil okay pa ang ozone layer natin.
Naaalala ko rin na may sakit akong hepa a, basta yung mild lang ata yun may tinitake akong gamot noon at binibili akong inuyat or melted sugar ang tawag sa english o di kaya'y parang kasing laki ng mangkok na kendy na gawa sa purong asukal ata yun, hindi ko na maalala kung anong pangalan basta nabibili sa palengke.
Malaking factor din ng pagkaka hepa ko ang pagkahilig ko noon sa mga fishball na halos araw arawin ko na, pero napagaling naman ako dahil kay doctor david na simula ata sa ninuno namin siya ang pinupuntahan clinic sa bayan namin.
May hindi rin ako malilimutang memorya nung mga panahong sobrang clingy ko sa magulang ko na kahit saan sila mag punta sumasama ako at pag hindi nila ako sinasama iiyakan ko.
Pati nga pag namamasada ang tatay ko noon sumasama ako tapos may isang araw na naka saksi kami ng tatay ko ng isang aksidente, hindi klaro sakin kung paano nangyari ang aksidente pero dahil siya ang malapit noon at may humingi ng tulong noon kaya nag magandang loob si tatay na dalhin sa malapit na ospital yung duguang babae na walang malay at kasama ang sugatang kasama nito.
Masaya ang loob ng tahanan namin kahit maliit lang, lima kaming magkakapatid, dalawang babae at tatlong lalake, ako ang bunso.
May memorya din ako nung bata ako na tuwing madaling araw kasi sinusundo ni tatay si mama sa isang restaurant, gising man ako o tulog ay sinasama ako ni tatay kasi alam nila iiyak ako pag hindi nila ako sinama.
Pag sahod noon ni mama lagi akong natutuwa pag sinusundo siya dahil daretcho kami noon sa pinaka malapit na 24/7 grocery store sa mabalacat para mag grocery o di kaya'y pag hindi naman sahod palagi akong may doughnut, jelly ace or balot.
May one time na nagising ako noon at wala na si tatay, dahil tulog mantika ata mga kapatid ko noon hindi nila napansing umiiyak akong lumabas ng bahay namin at naglakad para hanapin si tatay, nasa tulay na ako noon ilang dipa lang sa street kung saan kami nakatira. Nang may nakakita saking tricycle driver.
Sumakay ako at mabuti nalang kaibigan yun ni tatay, hinatid ako nito mismo kung saan sinusundo ni tatay si mama.
Music filled our house pag day off ni mama dahil wala pa atang hightech na gadgets noon or meron na at wala kaming pambili, gamit lang namin ang cd player, maraming cd noon si mama like A1, backstreet boys, greenday, basta yung mga music band na old song.
May favorite akong movie noon na Ella Enchanted ni Anne hathaway na cd hanggang ngayon nasa akin pa, hindi ko nga lang alam kung saan ko nailagay.
Christmas ang pinaka inaabangan kong taon noong bata ako, bukod sa bago ang damit mo ay kahit walang pasko sa compound na tinitirhan namin dahil inc kami.
Pumupunta kami sa lola namin sa sanfernando, doon kasi may namimigay ng pera at masaya dahil makakasama ko ang mga pinsan ko na mas bata sakin at ang iba ay halos kaidad ko lang.
Natatandaan ko noon madaling araw kami madalas umalis ng bahay para pumunta sa sanfernando, hindi kami kasiya noon sa tricycle kasi lima kaming magkakapatid at medyo malalaki kami at matangkad.
Isa sa tatlo kong kuya ang may bike na sinauna yung medyo mababa pa tapos pa box yung itchura ng manubela.
Papadyak ito habang naka alalay si tatay sa likod nito at pag napagod, hahawak ito sa gilid ng motor habang si tatay ay nag dadrive ng medyo dahan dahan na may pagka mabilis.
Buti safe ang dinadaan namin noon at hindi pa kasi masyadong pansinin ang daan na yun kaya safe pang gawin yun dahil walang gaanong dumadaan. Hindi katulad ngayon na pati truck ata nadaan na doon.
Natatandaan ko kung gaano kasaya na mag kakasama kami at buo.
Those sweet moment ng magulang ko ako laging napapangiti, yung randomly hahampasin niya ang puwit ni mama at magagalit si mama o di kaya'y hihilain para makalong niya si mama.
Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako ng mga panahon na nag aaway ang magulang ko, natatandaan kong isa sa dahilan ay pera, at pag iinom ni tatay.
May panahon na patago kong binibigyan si mama ng pagkain, hindi ko alam ang dahilan noon pero ngayong matanda ako na curious ako.
Hindi naman nanakit si tatay physically pero baka sa sobrang matampuhin ni mama at ma pride ayaw niyang makitang kumakain siya ni tatay.
Pero ang mas tumatak sakin nung tinutulungan kong mag ayos mga gamit si mama kasi gusto na niyang umalis dahil palagi lang rin silang nag aaway noon.
Umuwi noon si mama sa bahay ng parents niya at doon tumira, sinubukan parin naman nilang maayos ang relasyon nila pero hindi na talaga.
Hanggang sa tuluyan na silang nag hiwalay, at 10? 12? hindi ko maalala pero partly its one the reason im stock today.
Those are my childhood memories that came vividly that sadden and make my smile bittersweet...
YOU ARE READING
D I A R Y
Non-FictionCreating a diary is something I don't want to do, because i feel im writing this like im bidding a goodbye. It hurts how i live with what if and regrets then repeat the cycle, its frustrating and exhausting. It all started when i get to introduce...