Tumira ako kay lola elma ng isang taon at doon nag aral sa sanfernando ng grade 7 malapit lang ang school sa tindahan kaya masaya ring nag aral ako roon at tumira dahil lahat ng pinsan ko sa side ng mama ko ay ka close ko.Ganda ang tawag nila sakin doon noong bata ako, hindi ko sure dahil ba maganda ako or pangit ako? Hahaha
Ilang taon lang ako noon pero nakaya kong matapos ang taon na malayo sa magulang pero sa loob ng isang taon nayun masaya ako dahil madalas dumadalaw sila sakin para kamustahin ako at bigyan ng pera.
Kahit magkano ibigay nila noon, sobrang saya ko na dahil alam ko kung anong hirap pinag daanan nila bago makuha yun.
Si tatay na construction worker at si mama ko na nag trabaho din sa isang kumpanya na cook.
Ang saya lang kasi doon may fave pinsan ako na lagi kaming nag aayusan ng buhok, gustong gusto ko kasing naka braid ang buhok ko noon ganon din siya.
Tapos pag wala sila lola, mag lalaro kami ng mga teacups namaliliit na parang kasing laki lang ng betchinko, kakanta kami at sasayaw.
May time pa nag lalaro kami ng pageant pageant kunwari tapos gamit naming gown ay ang mga kumot at bedsheet ng tito at tita namin.
Yung korona gawa lang sa papel o di kaya'y bibili kami ng plastic na korona sa tindahan ng lola net namin at ang host noon yung kuya ko na akala namin straight gay pala.
May times pa pag bored kami pupunta kami sa likod sa bahay ng lola lem namin para manguha ng atis dahil bata kami at fearful pag akyat sa bubong na nasa 4 to 5 ft ang bubong tatalunin namin pababa.
Tapos may tinatambayan pa kami na kung saan nakakakuha ng kamias, bayabas at mangga doon kami naglalagi at nag fo-food trip, mabuti nalang talaga mabait ang kapit bahay naming si aling marita.
Hindi ko pa ata nai- kwento kung saan galing ang mga peklat ko sa binti at siko.
Kakalaro sa labas yung papatulugin ka ng mama mo pero tatakas ka para maglaro. Meron pa pinapatulog ka, kaya nag tulogtulugan ka pero ang ending nakatulog ka talaga.
Eh yung tumakas ka na nga tapos umuwi kapa umiiyak ka dahil inaway ka ng kalaro mo o di kaya'y nadapa ka. Ang ending non nagalit pa sayo at napalo ka.
Ang saya at ang sarap alalahanin ng mga bagay na nasa nakaraan kaya siguro hindi tayo makausad minsan. Hinihiling na bumalik ang nakaraan kesa ipagpatuloy ang kinabukasan.
YOU ARE READING
D I A R Y
Non-FictionCreating a diary is something I don't want to do, because i feel im writing this like im bidding a goodbye. It hurts how i live with what if and regrets then repeat the cycle, its frustrating and exhausting. It all started when i get to introduce...