She's Stronger Than You Know

31 1 2
                                    

"KRIIIIIIINNNNGGG!"

I'm looking outside the window nang marinig ko ang ingay ng mga nag-uumpugang upuan.

Uwian na nga pala.

"Uy Tina sasabay ka ba samin si Sandra umuwi?" Tanong sakin ni Angel.

"Uhmm, hindi muna ako makakasabay sa inyo ngayon Angel, kailangan ko pa kasing isauli itong mga libro sa library eh."

"We can join you return those books if you want Tina, para di ka mag-isa umuwi."

"Salamat Angel pero ako na lang siguro baka rin kasi magtagal ako. I promise I'll be okay kaya mauna na kayo."

Angel and Sandra have been my bestfriends since elementary. When you speak about being brave and sporty si Angel agad ang tutugma sa desciption na yon. When it comes to being boyish and fearless si Sandra naman ang sakto para dun.

Sandra and Angel are both strong physically and emotionally. Sila yung tipo ng mga estudyanteng hindi mo pwedeng i-bully kasi malakas sila't matapang. Hindi naman sa kinatatakutan sila kasi humble at kind naman sila, pero mataas ang tingin sa kanila dahil sa brave personalities nila.

And here I am, Kristina Jane Salazar, the shy, timid, fearful, vulnerable, and weak Tina. Mahinhin ang tingin sa akin ng karamihan. Hindi ako palasalita at madalas mukha akong mahina. Among the three of us ako yung tipo ng estudyante na laging binubully. Pero Sandra and Angel are always there to make sure na walang makakapanakit sakin.

12:40nn, sarado na yung library kasi "noon break" na ng mga staffs. 1pm pa ulit ang resume nila.

Sandali na lang naman eh, maghihintay na lang muna ako dito sa labas. Talent ko naman ang maghintay.

Umupo ako't sumandal sa wall ng library.

Mula sa field na malapit sa library ay nakita kong nagbibisikleta ang isang lalaki. Si Julius.

After a moment ay nakarating na siya dito sa tapat ng library. After parking his bike he walked towards me.

He smiled at me and then he sat beside me.

Julius is the type of student that is popular among girls and even gays. In short, campus' heartthrob. And now I wonder what is he doing here sitting beside me?

Nanahimik lang ako at tumingin sa malawak na soccer field sa labas.

Wala pa ring kibo si Julis at tila nakatulala lang siya sa malayo.

Ano kayang nangyari sa kanya? He seems so serious, para bang may malalim siyang iniisip.

Maya-maya ay may narinig akong ingay na nagmumula sa pinto ng library. Napaangat ang ulo ko at nakita kong binubuksan na ng isang may edad na babae ang pinto ng silid.

Kinuha ko ang mga libro ko mula sa sahig at tumayo. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa counter.

"Manghihiram?" Tanong ng librarian.

"Ah hindi ho. Isasauli ko lang po itong mga librong hiniram ko."

"Ilagay mo dito sa bookrack at pagkatapos ay pumirma ka rito."

"Okay po."

Naisauli ko na ang mga libro at paalis na sana ako ng library nang makita ko si Julius sa isang lamesa at nakatingin siya sa akin. Nang mahuli ko ang tingin niya ay agad niyang tinakpan ang mukha niya ng libro.

Bakit kaya siya nakatingin sa akin? Tumingin ako sa glass door ng library. Wala naman akong dumi sa mukha? Siguro na-realized niya lang na ako yung babae sa labas kanina.

The World Inside Her Mind(A Collection of One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon