Haunted

5 0 0
                                    

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon.

Kaba.

Mas kinakabahan pa ko dito kesa sa pagharap ko sa mga bossing ng kumpanya. And I want to punch myself dahil hindi ko pa nababasa ang mga papel sa likod ng kopya ng NDA namin. Nakalagay pa naman doon kung ano ang mga ayaw at gusto ni Sari.

I'm fucked up.

Today is saturday, which means pupunta kami sa bahay ng mama ni Joaquin. How can I forgot this day? Ah oo nga pala, natambakan lang naman ako ng mga papeles na kailangan kong isa-isahin basahin at i-review.

Nakaupo kami palibot sa isang malaking bilog na mesa para magsalo sa isang almusal. Iba't ibang sariwang prutas ang nakahain sa hapag kasama ang mga pagkain na pang almusal.

Ang sosyal ng breakfast nila dito, parang buffet, iba-iba ang nakahain.

Hanggang sa sandaling ito ay pino-proseso pa rin ng utak ko pinasok ko. I keep instilling this in my mind. Ako, magpapanggap na si Sari sa loob ng dalawang buwan.

Tandang tanda ko pa ang eksaktong naramdaman ko ng mag-usap kami tungkol dito, awa, gulat at inis. I was even more surprised that I can feel all those emotions at the same time.

Lahat ng importanteng bagay tungkol kay Sari ay kinwento niya sakin kanina sa kotse dahil nga sinabi ko sa kanya na nakalimutan kong basahin ang second page ng NDA namin. Sabi pa niya na siya na lang daw ang bahala sa ngayon.

Hawak ng dalawang kamay, dahan dahang sinasalinan ng mama ni Joaquin ang baso ko ng gatas galing sa karton.

"Ma, ako na. Umupo ka na lang jan. Hayaan mo na akong mag asikaso sainyo." agad namang kinuha ni Joaquin ang karton ng gatas mula sa kamay ng mama niya at inalalayan maupo sa tabi ko.

"Gusto ko lang namang pagsilbihan ang magiging manugang ko. Mabuti sayo ang gatas para malusog ang magiging apo ko." Nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko.

Binigyan ko naman siya ng isang pilit na ngiti.

Bigla akong nakonsensya. Pinagsisinungalingan namin ng malala ang mama niya.

Nagkatinginan kami ni Joaquin. I give him a save-my-ass-from-your-mom look.

"Oo naman Ma, sigurado akong malusog ang magiging apo niyo dahil inaalagaan ko ng mabuti ang future daughter-in-law niyo." Ngumiti siya sa akin.

Kahit naiilang ako ay ngumiti na lang ako sa kanila.

"Masaya ako na binisita mo ako, Sari. Tatlong buwan din kitang hindi nakita."

Biglang nanuyot ang lalamunan ko. Halos maubos ko ang laman ng baso. Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena.

"Anong pinaglilihian mo ngayon?" masayang tanong nito na halos hindi magalaw ang pagkaing nakalagay sa plato nito dahil mas pinili nitong kausapin ako.

Napatikhim ako. Hindi ko alam ang kung ano ang isasagot ko. Nakaka-blanko ang sitwasyon na to.

"As of now Ma, panay matatamis ang hinihingi niya sakin mula ng makabalik siya. Di ba, honey?" sagot naman ni Joaquin.

"Mabuti na at ibigay mo sa kanya ang gusto niya para hindi ka niya awayin. Pero kailangan kontrolado mo ang pagkain ng matatamis, Sari, anak." hinaplos niya ang buhok ko.

"Naalala ko tuloy nung pinagbubuntis ko iyang si Joaqy, panay matatamis din ang gusto kong kainin. Hirap nga lang, walang mautusan." natawa ito.

"Ma, alam na alam na ni Sari yang kwento na yan. Wag mo ng ulit-ulitin pa." saway ni Joaquin na parang umiiwas sa mga maari pang sabihin ng mama niya.

Then Came YouWhere stories live. Discover now