Flowers

16 0 0
                                    

Napahikab ako dahil sa pagkapuyat ko kagabi. Saglit akong nag-inat para naman magising ang mga dugo ko sa katawan. Minasahe ko rin ang aking balikat at saka ko binalingan ng tingin ang ginagawa ko sa aking laptop. Hindi tumatalab ang dalawang tasa ng black coffee sa akin, inaantok talaga ako. Anong oras na din kasi akong nakauwi kagabi galing dahil sa dami kong tinapos dito sa opisina.

Unending ang mga folder na dinadala sa akin araw araw. Pagkatapos ko sa isa ay may dadagdag na tatlo.

"Bibili pa ako ng bahay at lupa kaya bawal akong tamarin." Bulong ko sa aking sarili.

Sa ngayon kasi ay life at medical insurance pa lang ang meron ako. Pinagiipunan ko pa ang pambili ko ng bahay at sasakyan.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. May message mula sa isang unknown number. Binuksan ko iyon at napakunot ang noo ko.

Hey, this is Raffy. :)

Raffy as in Raphael na friend ni Adrian? A day passed mula noong makilala ko siya, inihatid lang niya ako sa bahay ng gabing iyon. He did not ask for my number that's why I never bother myself thinking of him.

I compose a reply message to him.

"Hi, Raffy." Bulong ko habang tumitipa sa phone ko.

Send!

Biglang nag-ring ang phone ko at siya ang tumatawag. I sat straight and cleared my throat before answering his call.

"Hi, Heart!" Bati niya sa akin.

"Hi?" Tipid na sagot ko.

Pinalipas pa niya talaga ang isang araw bago niya ko i-text at tawagan? Malamang at kay Adrian pa niya nakuha ang number ko.

"Are you busy right now?"

Napakunot ang noo ko. Bakit siya nagtatanong? Ano ako—flavor of the week?

"Why?" Sagot ko habang nagmamadali akong magsulat ng note sa papel na nasa harapan ko.

Need revision!

Binilugan ko iyon at kumuha ng panibagong folder.

"Can you go down? I'm outside the building."

Napahinto ako. My mouth parted slightly as his words sank in.

"What?" Naibaba ko ang hawak kong ballpen at saka tumingin sa orasan na nasa ibabaw ng table ko—11:50 a.m. sakto at lunch break na rin naman.

"Nasa parking ako ng office niyo," Sabi pa niya.

What the hell is he doing here?

"Okay… I’ll be there in a bit." Binaba ko ang tawag, still stunned.

Bakit bigla naman siyang sumusulpot. I check on myself in the mirror to fix my long hair and tie it. Nang hindi ako makuntento ay tinanggal kong muli ito sa pagkakatali at hinayaan ko na lang na nakaladlad ang buhok ko.

I get out of the office and ride the elevator. Paglabas ko ng building ay lumingon ako sa paligid para hanapin kung nasaan siya nakapwesto. Hinahanap ng mata ko ang sasakyan na dala noong gabi na pumunta kami sa Tagaytay pero hindi ko iyon makita.

I received a call from him again.

"Mas bagay pala sa'yo kapag hindi nakatali ang buhok mo. Muntik na kitang hindi makilala. And those glasses... yan talaga ang kahinaan ko." Sabi niya.

Napamewang ako habang hawak ko sa isang kamay ang cellphone at nakatapat iyon sa aking tenga.

"Okay weirdo, where are you?" Nagpatuloy ako sa paglinga para hanapin siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Then Came YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon