Monday talaga ang pinaka ayokong araw sa buong linggo. Sinipat ko ang oras sa wrist watch ko. Pasado ala sais na ng gabi.
Monday na nga tapos OT is life pa
Prente kong sumandal sa swivel chair.
Ah! Sarap talaga sa feeling kapag wala ka ng alalahanin.
Natapos ko na kasi lahat ng urgent reports at naayos ko na din lahat ng pinapaayos ni Sir Mike. Ang gagawin ko lang ngayon eh i-enjoy na muna ang aircon ng office at antayin ang bruha kong bestfriend.
Come fly with me let's fly, let's fly away
Sino naman kaya tong nanggambala ng pagpapahinga ko. Dinampot ko ang aking phone mula sa lamesa at nagulat ako kung mapag-sino ang nagtext.
Adrian
Sama ka now tagaytay?
Muli kong binasa ang text niya sa akin. Halos ilang buwan din kaming hindi nakapag-usap ng lalaking to at sa sobrang tagal ay nakalimutan ko na kung bakit ba kami nag-away.
Sasama ba ko? Nakakatempt naman kasi ang alok niya lalo na't I needed fresh air to breathe. Masyado akong stressed out this past few weeks. Minsan lang din kasi kami lumabas ni Niña.
Handa na kong tumipa ng irereply ko kay Adrian ng biglang may babaeng pumasok sa office ko at nakuha nito ang atensyon ko.
"Sissy." hagulgol na sambit ni Maria Niña Jose Hernandez.
"What happened to you? Mukha ka na lalong bruha." Tiningnan ko siya na may kasamang disgusting-look.
"Sissy! Si Alex.." muli ay humagulgol siya. Mas malakas kesa sa nauna.
"Hm? What's up with that guy?" nakataas ang isa kong kilay habang prente pa din ang pagkakaupo ko sa aking upuan.
"Nag-resign na siya talaga!" sumalampak siya sa sofa ng office ko.
"So? Edi mag-resign ka na rin. Simpleng bagay na kailangan ng simpleng solusyon." cool kong sagot habang nakapikit dahil sumasakit talaga ang ulo ko.
Napapaisip tuloy ako kung sasama ba ko sa lakad ni Adrian.
"Oy oy oy! Grabe ka. Nasasakatan na nga ko dito. Anong klaseng kaibigan ka." litanya niya na tinawanan ko lang.
"Bruha ka talaga. Tatawanan mo lang ako?" kinuha niya throwpillow at thrinow niya iyon sa akin.
Umayos ako ng pagkakaupo at sinalo ang unan na paparating. Tumayo ako at tinabihan ko siya sa sofa. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at nireplyan ang text ni Adrian.
Sige na. Sasama na ko.
"Sino naman yang kausap mo?" nakanguso niyang tanong habang pinupunasan ang mga peke niyang luha.
"Kaibigan ko. Bago kong sissy." nakangiti kong sagot sa kanya habang busy pa din ako sa pagcocompose ng reply kay Adrian. Hanggang sa 'ok' na lang ang naireply ko.
"Good luck naman kung mapagtiyagaan niya ang isang tulad mo. Isosoli at isosoli ka din niyan sakin." natatawa niyang sabi sabay sandal sa balikat ko.
Isang mensahe muli galing kay Adrian ang muli kong natanggap ko. Papunta na raw sila upang sunduin ako. In-off ko na ang phone ko at ibinalik sa aking bulsa.
Sinong sila?
"Lets go!" tinapik ko ang hita niya at tumayo, dahilan para bumagsak ang ulo niya sa arm rest ng sofa.
"Oy oy oy! Saan ang punta mo ha?" tanong niya sakin with matching turo sa akin.
"Hm. Tegeytey. Samahan mo ko para naman makapag unwind tayo outside the Metro!"
YOU ARE READING
Then Came You
RomantizmHeart Asuncion, a woman who is seeking real love finally finds the man she wishes for. Lo and behold, the fate joked and it isn't even that funny when she meets Raphael-the man of her dreams-and Joaquin-the man she never wished for.