**INCOMING CALL FROM JP CRETO**
Ano ba naman 'to. Ang aga-aga oh. Anong oras na ba?
Clock: 10:00am.
Yema naman oh.
....
Sagutin ko na nga 'to.
"Ano ba problema mo, pre? Alas dyis palang oh. Pachix ka eh noh?!"
"Sorry naman wax. Kailangan ko kasi ng tulong mo. Diba, kaibigan mo si Louisa?"
"Hindi ba halata bro? Ano gusto mo gawin ko?"
"Hala. Eh, papatulong sana ako na lokohin mo siya na kunyare may pupuntahan kayo tapos makikipagkita langpala kayo sakin. Gets mo?"
"Tanga ba ako pre. Oo gets ko. Ts. Anong oras ba siya kailangan? At saan?"
"Gateway. Italiannis. 3pm."
"Ge ge."
"Salamat wa---"
Binabaan ko na. Langya eh. Sus, gising na tuloy ako. Hay nako...
.....
Ako nga pala si Wax. Wax Terondo. Wax na kasi ayaw ipaalam sa inyo ng author totoo kong pangalan eh.
Bestfriends kami ni Louisa. Pero sana more than that kami ulit. Anyway... Ever since gradeschool. Magkasama kami sa same school. Magkumare nanay namin. Nagkahiwalay lang kami sa highschool tapos magkasama kami sa dance school ngayon.
Idedescribe ko pa ba sarili ko? Haist.
Matangkad ako. Medyo maputi. Dancer ako, halata naman diba? Masungit. Lalo na kay Louisa. 19 na ako. Gwapo daw sabi nila. Isang tao lang naman tumututol kapag sinasabihan akong gwapo eh, si Taba. Sus. Nakataas hair ko lagi..
Teka, kailangan ba talaga 'to.
Basta hindi ako si singkit. Yuck.
Kaya niyo na akong imaginin diba? Oh dali. POV ko na. Hay buhay.
.....
Ano ba yan. Teka, paano ko pala sasabihin kay Taba na may pupuntahan kami? Sus, magagalit nanaman yun.
Bakit pa kasi nakilala yang JP na yan eh. Da't pala di ko na pinapunta yung baboy na yun sa interaction. Wooh, kagigil.
Baka nagtataka kayo kung bakit ako galit-galit? ... Nagseselos ako. Okay? Okay na? :(
Kain nga muna ako. McDo. Yay! May bukas na ba na mcdo? Malamang, 24 hours nga eh.
Bobo mo, wax. Tanga mo pa wax. Tanga mo na pinakawalan mo--- yemas naman oh!!
Hoy author, enough torture ha?!
...
Ano kaya oorderin ko dito sa mcdo?
"Ate, pancakes with sausage nga po."
"Drinks niyo po?"
"Pineapple juice."
"138 pesos po." Abot ko pera ... "I received 200 pesos po."
Oo na, halata naman eh.
Tamo, pati cashier nababantungan ko ng sama ng loob. Haist.
"Here's your order po sir."
....
Habang kumakain ako, iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Louisa na aalis kami. Tulog pa yun eh. Baka magalit.
11:00am na pala. Hay nako.
...
Nakauwi na ako sa bahay, di ko parin alam gagawin ko. Ah. Tatawagan ko na lang, pagkatapos ko magtwitter.
BINABASA MO ANG
NAME TAG
Non-fictieDito niyo malalaman na di lahat ng sweet na lalaki ay, sweet sayo lang. Minsan nga pagsasabayin pa kayo eh. ;)