Acceptance.

25 1 0
                                    

Dont try to understand everything. because sometimes, it's not meant to be understood, but to be accepted.

-Unknown.

---------

bumagkas langit at lupa sa'kin, ramdam ko ang bigat na nakapatong sa'akin, naiipit ako. gusto kong kumawala pero hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko, hindi tumutulo ang mga luha sa mata ko, namamanhid ang buo kong katawan, wala akong maisip na pwedeng sabihin, tinignan ko ang mga magulang ko na magkayakap, hinanap ng paningin ko si Chad, pero nawala na sya sa kinatatayuan nya, tangin ang doktor na lang at ang mga magulang ko ang nasa tabi ko.

Binalikan ko ang mga nakaraan, mula ng bata ako, mula ng magdalaga ako, hanggang ngayon na nasa tamang edad na ko, hinanap ko ang isang malaking kasalanan na nagawa ko, kaya ako binigyan ng ganitong pagsubok ng Diyos, wala akong maalalang pumatay ako ng tao, wala akong maalalang nagnakaw ako. waka akong tinapakan na ibang tao, pero bakit sa'kin? bakit sa'kin kumapit ang karamdaman na to? bakit ako?

tulala ako nang sa wakas y nagsalita si mama. "Dok, may magagawa pa naman di ba?" punung-puno ng pag-asa ang nakita ko sa mukha ni mama, umaasa syang gagaling ako, tumingin ako sa doktor na nasa harap ko.

"pwede kayong magpa-chemotheraphy, pero hindi ko sinisigurado na gagaling sya, stage 4 na ang cancer nya, kumalat na rin ang mga cancer cells na buong utak nya... at.. sa mga ganong sitwasyon, madalas, himala na lang kung gagaling pa ang isang pasyente na may stage 4 brain cancer."

nagpatuloy sa pagsasalita ang doktor pero wala na akonv maintindihan sa mga sinabi nya, tumatak sa isip ko ang sinabi nitong himala na lang ang makapagpapagaling sa'kin. Bakit hindi ko nalaman dati na mag ganito akong sakit? bakig ngayon pa kung kailan malala na? bakig ngayon pa kung kailan masaya ako?

ilang linggo pa ang lumipas, nalugmok ako sa apat na sulok ng kwarto ko, nabaon ako at halos hindi na makatayo na kamang niyakap na ako. dumalaw ang mga kaibigan ko, ang mga kamag-anak ko, lahag ng kakilala ko alam ang sitwasyon ko. lahag sila awa ang nararamdaman sa twing nakikita ako, Si Chad, araw.araw parin syang nasa tabi ko, naawa ako sakanya, dahil nagkaroon sya ng isang girlfriend na katulad ko. ramdam ko ang pagmamahal nya araw araw, ramdam ko na nasasaktan sya para sa'kin, ang bawat luhang tumutulo sa mga mata ako tuwing inaatake ako ng sakit ng ulo ay pinapahid nya, nawawalan na ako ng lakas at pag-asa pero hindi sya, araw araw nyang sinasabi sa'kin na may pag-asa pa, alam kong wala na, pero gusto kong maniwala na mayron pa, gusto kong gumaling para sakanya at para sa pamilya ko, gusto kong tulungan ang sarili ko, gustung-gusto ko, pero paano ko gagawin? kung sa bawat araw na lumilipas ay syang mag-liit ng pag'asang gagaling ako.

Gabi na, ramdam ko ang palad ni Chad na nahawak ng mahigpit sa mga kamay ko, tumulo ang luha ko, nasasaktan ako, nahihiya ako sasrili ko dahil kahit tulog sya binibigyan nya ko ng lakas at pag-asa.

tulad ng mga nakaraang gabi ay unti-unti nanamang sumasakit ang ulo ko, pakiramdam ko ay hinahampas ako ng kamatayan ng itak at pilit na kinukuha ang utak ko, sumigaw ako sa sobrang sakit, sabay ng pag-agos ng luha ko. nagising si Chad, hinaplos ang pisngi ko. kalmado sya, nakita kong kumuha sya ng gamot upang ipainom sa'kin. maya maya ay unti unting nawala ang sakit hanggang sa muli na akong natulog.

Kinabukas, nagpunta kami sa Ospitak upang tignan kung bumubuti ang kalagayan ko.

"Alex," tawag ni Chad sa doktor, nalaman ko na kaibigan nya ito. "kamusta na si Summer?"

nakikinig ako sa usapan nila pero hindi ko hinihintay na sabihin ni Alex na bumubuti ang lagay ko dahil alam ko naman na hindi, alam kong araw araw ay palala ng palala ng kondisyon ko, kaya hindi na ako nagulat sa sumunod nyang sinabi.

"thirty-days." nakuha ko ang ibig nyang sabihin. alam ko na kahit hindi nya ipaliwanag. "sa loob ng thirty-days ay maari ng bumigay ang utak nya."

napuno ng ungol at iyak ang loob ng clinic ni alex, umiiyak si mama't papa. tumingin ako kay Chad, nakatingin din sya sakin, wala na akong magagawa, ngumiti ako habang may luhang umaagos sa pisngi ko, Ngayon ay alam ko na, tanggap ko na ang kapalaran ko, ang dapat ko na lang gawin ay lubusin ang mga bawat sandali na natitirang panahon sa buhay ko.

Four- Seasons (First-Book) : 30 days of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon