First day

29 1 0
                                    

A/N:

Hindi ko sana gusto ang maglagay ng author's note pero hindi ko mapigilan, noong naisipan kong gumawa ng kwentong katulad nito ay aaminin kong hindi ako handa, basata hinayaan ko na lang na kumilos ang kamay ko sa dikta ng puso at utak ko, at ito nga, ito ang produkto. umiiyak ako habang isinusulat ito pati narin ang mga nakaraang chapters, nakapagbigay pa ng matinding lungkot sa'kin ang kantang "paglisan" ito nga siguro ang dahilan kung bakit punung-puno ng emosyong ang bawat salitang naisusulat ko. apektado na rin ako sa sakit ni Summer. pati ang kalungkutan nya ay nadadala ko na. hindi ko na din tuloy ma-i-update ang isa ko lang kwento.

---------

araw araw kong kasama si Chad, hindi nya ako iniiwan, hindi ko man sya kinakausap ay alam kong naiintidihan nya, wala akong kayang sabihin. pakiramdam ko naapektuhan na ng may sakit kong utak ang lahat ng sistema ko.

Paggising ko ay may isang bouquet ng mga rosas ang nasa side table ko, napangiti ako dahil sa note na nakagay.

For the prettiest woman in my life,

Wait for me, I will love you forever.

Chad.

tumulo ang luha ko, hindi ko inakalang bibigyan nya ako nito, sa bawat araw na nahihirapan akong mabuhay ay nasa tabi ko lang si Chad at hindi nya ako iniwan, at dahil doon ay hindi ko matanggap na anumang oras ay maari ko syang iwan, Si Chad, ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang unang lalaki na nagmahal sa'kin. hindi ko kayang iwan sya, hindi ko kaya ang maaari nyang maramdaman sa panahon na kailangan ko na syang iwan.

kahit hirap akong tumayo ay pinilit ko, simula ng magkasakita ko ay humina na ang tuhod ko, hindi ko na kayang lumakad ng malayo o tumayo ng matagal. humarap ako sa salamin, pinilit kong ngumiti sa repleksyon na nakikita ko, wala nang kulay ang mukha ko, ang labi ko halos maging puti na, ang dating malugsog kong katawan ay bumagsak na. wala ang malakas na si Summer, ang tanging natira na lang ay ang mahina na ako. hinaplos ko ang mukha ko. ilang bwan ko rin hindi nakita aki sarili ko, napaisip ako, paano ako mamahalin ni Chad kung ganito ang itsura ko? paano nya nasasabing mahal nya ako.

nasa ganung sitwasyon ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Chad, nataranta sya nang makitang nakatayo ako, kaya agad nya akong inalalayan para bumalik sa kama ko.

"Summer, bakit ka tumayo? di ba sabi ko magpahinga ka na lang dyan?" puno ng pag-aalala ang mukha nya habang hinahaplos ang mukha ko. " paano pala kung hindi ako dumating? paano kung bigla ka na lang tumumba dyan? please summer, sundin mo naman ako. ayokong nakikita kang nahihirapan dahil hindi ko kaya...," umiiyak si Chad. ngayon ko lang sya nakitaan ng kahinaan, lumuhod sya sa harap ko. " Summer, wag mo ng uulit yun ha."

ilang sandali ko sya tinitigan bago buong lakas kong binuka ang bibig ko para magsalita. "C-chad?"

ngumiti si Chad sa'akin at hinintay ako na muling magsalita. "B-bakit mahal mo padin ako kahit ganito ang itsura ko?"

tinignan ako ni Chad. matagal bago sya nagsalita ulit. may-maya ... "mahal na mahal kita Summer, ano naman kung maputla ka? ano naman kung maputi na ang labi mo at nanunuyo pa? ano naman kung halos buto na lang matira sayo? ano naman kung hindi ka na tumatayo sa kamang ito? ano naman kung....... ano naman kung may malala kang sakit? summer, kahit anong mangyari, ikaw parin ang pinaka maganda sa paningin ko, ikaw padin ang summer na nakilala ko sa bookstore, ikaw padin ang summer na minahal ko ng ganito. summer hindi ako handa sa kung ano man ang pwedeng mangyari bawat oras, hindi ako handa na mag-isa' hindi ako handa na iwan mo ko, at hindi ko kayang ihanda ang sarili ko pag alis mo. pero gusto kong malaman mo na kahit ipagtabuyan mo ko palayo sayo, hindi kita iiwan, aalagaan kita sa lahat ng oras na pwede kitang makasama. iingatan kita hanggang kaya ko, alam kong hindi kita makakasama sa pagtanda, pero pwede ko naman maging kasama yung mga alaala mo. Summer, lagi mo sanang tatandaan na kahit mawala ka, hindi ka mawawaka sa puso ko. ikaw lang ang magmamay-ari nito habang nabubuhay ako. mahal na mahal kita summer. kaya sana, wag mo akong ipagtabuyan kung naiisip mo yun, kasi hindi ko yun kayang gawin. hindi kita kayang iwan."

kasabay ng pagtigil nyang magsalita ay ang pag agos ng mga luhang namumuo sa mga mata nya, hindi ko akalain na masasabi nyang lahat yun sa harap ko. hindi ko napigilan ang sarili ko, niyakap ko sya sabay ng pag-agos rin ng mga luha ko.

"mahal na mahal din kita, Chad." yan lamang ang nasabi ko hindi ako makapaniwala na mamahalin akl ni Chad ng higit pa sa pagmamahal ko sakanya.

Nakatulog ako habang yakap ako ng taong pinakamamahal ko.

Four- Seasons (First-Book) : 30 days of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon