Second to fifth day

19 1 0
                                    

Nagising ako na wala si Chad sa tabi ko, umupo ako at kinuha ang libro na hindi ko pa natatapos, binuklat ko yon at hinanap ang huling pahina na nabasa ko, nang makita ko ay may naka-ipit doon na maliit na papel, binasa ko ang nakasulat.

"Everything is going to be fine." binura pa nito ang Fine at ginawang 'Great'.

----------> nasa right side po ang picture.

napangiti ako, hindi talaga sya tumitigil na bigyan ako ng lakas ng loob. pero alam kong pinapasaya nya lang ako dahil anumang oras ay maari akong mawala.

araw araw niya akong binibigyan ng sorpresa, at walang araw na nagmintis syang pangitiin ako, masasabi kong bawat araw ng buhay na itinatagal ko ay nagiging makabuluhan dahil kay Chad.

"miss beautiful, kain ka na." nakangiti nyang sabi sa'kin, nandito kami ngayon sa rest house nila sa tagaytay, dinala na ko rito para daw makalabas naman ako sa kwarto ko. "pinagluto kita ng soup oh, nilalamig ka ba? gusto mo ng pumasok sa loob?"

"H-hindi, dito muna tayo."

"sigurado ka?"

tumango ako, "sigurado."

"okay sige, pero sabihin mo kapag nilalamig ka na ha. baka sumakit yung ulo mo eh."

"Chad...."

"Yes miss beautiful?" nakangiti nyang sabi sa'kin.

"Kapag nawala na ko, gusto kong maging masaya ka pa rin."

naging seryoso ito, nawaka ang mga ngiti sa mga labi nya nang sinabi ko yun. "Hindi ko alam. baka hindi na."

yumuko ako, hindi ko alam kung paano sya pasisiyahin tulad ng mga ginagawa nya sa kin, gusto ko kasing gumanti sa mga magagandang bagay na ginagawa nya sa'kin. "gusto kong hanapin mo yung tamang babae para sayo."

tumingin sya sakin, at maya maya ay umiyak. pakiramdam ko sinaksak ko ang sarili ko sa sinabi ko, pero ayokong habang buhay na matali si Chad sa mga alaala ko, gusto kong maging masaya sya sa piling ng iba, alam kong hindi ako ang babaeng para sakanya, may darating pa sa buhay nya para muli syang paibigin.

"kung katulad mo sya, kung sya si Summer, kung sya ikaw, baka mahalin ko sya, pero ewan ko, hindi ko iniisp yung mga ganun bagay sa ngayon, hanggang nasa tabi kita, ikaw lang ang mamahalin ko, mamahalin kita. kahit habang-buhay." ngumiti sya pero bakas parin ang kalungkutan, nasasaktan ako lalo, pano kung nawala na ko? paano babalik ang sigla ng dating Chad?

Lumipas ang ilang araw bago kami bumalik ni Chad sa Baguio, pagdating namin sa bahay ay kapansin pansin na ang kalungkutan, wala ang dating masiglang tahanan na binuo ni mama at papa, dati, kahit tatlo lang kami, napakasaya namin, pero ngayon, mabigat na sa dibdib habang pumapasok ako, kasabay ng maglungkot ng dating masayang tahanan ay ang pagkalungkot din ni mama't papa. hindi man nila pinapahala twing nasa harap nila ako ay ramdam ko na gusto na nilang umiyak.

twing iiyak ako dahil sa sakit ng ulo ay naririnig ko si mama na umiiyak rin, gusto ko syang aluhin para mawala ang sakit na nararamdaman nya, pero paano ko magagawa yun kung ang sarili ko rin ay mas nasasaktan dahil sa karamdaman ko?

Ngayon may sakit na ko at pwede nang mawala anumang oras, pano ko na gagawin yung pangako ko kay mama't papa na aalagaan ko sila sa pagtanda nila? paano ko ipapaalala sakanila na ako ang anak nila kapag nakalimutan nila ako dahil sa kantandaan nila? ang sakit na makita sila mama't papa na umiiyak pero mas masakit dahil wala akong magawa.

Hindi ko alam kung gaano na lang katagal ang kaya ko para mabuhay, kaya pinipilit kong maging masaya, tanggap ko ng anumang oras ay aalis na ko, pero hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na marami akong pangarap na hindi natupad, mga pangarap na mananatili na lamang na pangarap, pangarap na hindi ko nakayanang abutin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

araw araw kaming nagsisimba nila mama't papa kasama si Chad, hindi ko alam kung bakit umaasa parin sila na magkakaroon ng himala at gagaling ako. pero ako, sa bawat pasok ko ng simbahan, isa lang ang dinadasal ko, na sana, sa paglisan ko, ay maging maayos parin yung mga taong mahalaga sa'kin, sana madali nilang matanggap na kailangan ko na talagang umalis.

"Summer....." banayad na bulong sa'kin ni Chad.

tinignan ko lang sya.

"I love you...." sabay halik sa labi ko. "mahal na mahal kita."

ngumiti ako, masaya ako twing sasabihin nyang mahal nya ako, pinapahiwatig kasi nito sa'kin na hindi nya ako iiwan, napakasarap pakinggan lalo na at sakanya nanggaling. "mahal na mahal din kita.... Chad." nakangiti kong sagot, hinimas nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Shhhh... ayokong umiiyak ka twing sasabihin ko yun, gusto kong ngumiti ka lang, gusto kong ipakita mong lumalaban ka." nakangiti parin nitong sabi sa'kin.

"ayaw kitang iwan Chad." hindi ko alan kung bakit kusang lumalabas ang mga luha ko, hilam na ang mga mata ko sa luha na kanina pa rin pinupunasan ni Chad.

"hindi ko rin gustong iwan mo ako. wag ka ng umiyak, wala na tayong tissue eh." sabay ngiti nito sa'kin

Kinagabihan, pinamamasdan ko si Chad habang binabasa nya ang libro na binili ko na sya ang nagbayad noong nagkakilala kami sa bookstore. hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nya, alam kong alam nyang hindi ako nakikinig dahil sa mukaha nya lang ako na nakatingin, pilit kong pinapasok sa isipan ko ang gwapo nyang mukha, pilit kong tinatandaan ang pangalan nya, hindi ko alam kung bakit, kakaiba ang pakiramdam ko.

"Chad......" mahina kong sambit.

"gusto mo ng matulog?" tanong nya.

tumango ako, tska nya ako kinumutan hanggang balikat, bago ako pumikit ay naramdaman ko ang labi nya na humalik sa noo ko, sabay bulong ng. "magkikita pa tayo bukas ha, I love you."

"Chad....." tanging nasagot ko bago ako hinila ng antok.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

-......

Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari, masyado na akong apektado kaya nagpasya akong mas paikliin ang kwentong ito, sana may magbasa parin. kahig papano.

... :""<

Four- Seasons (First-Book) : 30 days of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon