First Meeting.

50 1 0
                                    

A/N:

Oo nga pala. inspired din ang kwento ito sa kwento ng Endless love Autumn in my hearts, ginawa ko lang summer instead of Autumn. at yung cover ng book ay characters sa dramang 'yon.

________

Kanina pa nangangalay si Summer sa kakalakad at paikot-ikot sa loob ng isang bookstore para humanap ng libro. pero hanggang ngayon ay wala syang mapili. hanggang sa dumako ang mga mata nya sa isang book shelf na puro love story ang nakalagay.

lumapit sya at doon naghanap, maya-maya ay nakahanap din sya, bibilin nya ang tatlong libro na hawak nya, pero nang kukunin na nya ang wallet nya para bayaran ang librong binili nya ay hindi nya makapa ang wallet nya.

"nasan na yung wallet ko?" bulong nya sa sarili.

"Miss, seven hundrend sixty-five po ang babayaran nyo." biglang sabi ng cashier na nasa harap nya.

"Ahm, sandali lang miss ha, hahanapin ko lang yung wallet ko."

"ako na magbabayad, ito miss," narinig nyang biglang sabi ng isang matangkad at gwapong lalaki at nag-abot ng isang libo.

"excuse me?" nagtatakang sabi ko.

"ako na nag magbabayad, mukha kasing nawawaka yung wallet mo." nakangiting sabi nito sakanya.

"no, hindi na. andito lang sa bag ko yung wallet ko." sabi ko habang hinahalungkat ang laman ng bag ko.

"Alright then, dun mo na lang hanapin sa labas but for the meantime, ako na ang magbabayad, may nakapila rin akasi eh." sabi nito sakanya sabay turo sa apat na nakapila kasunod nya.

bigla syang nahiya kaya pumayag na rin syang ito muna ang magbayad, babayaran na lang nya ito paglabas nila. "Okay, pero babayaran kita."

ngiti lang ang isinagot nito sakanya, at hindi rin nagtagal ay nakalabas din sila sa bookstore na 'yon, pero panay parin ang halungkat ni Summer sa bag nya. "ahm... ano..."

"I'm Chad." pakilala nito.

"ah chad, nagmamadali ka ba? sandali lang ha, hindi ko kasi makita yung wallet ko eh,"

"No, it's okay. libre ko na yun." nakangiti nitong sabi.

"Ha? Hindi, babayaran kita nu, pasensya ka na ha. naabala pa tuloy kita."

"No problem, hindi naman kita sinisingil eh."

"ano ka ba? sa hirap ng buhay ngayon hindi na uso ang libre." nakangiti ko ring sabi.

"So, gusto mo talagang magbayad?" tanong nya,

"Oo nga, ang kulit mo." nakangiti ko pa rin sagot.

"what's you name?"

"Summer."

nilahad nito ang kamay nito sakanya, "Nice to meet yoy Summer,"

"Nice to meeting you too, Chad."

"Now, you're paid."

Tatakang tinignan ko sya. "What?"

"I said, you're paid."

this time, kumunot na ang noo ko. " sinabi ko lang ang pangalan ko, bayad na agad?"

" yeah, kung gusto mo, sumama ka sa'kin. hindi pa ko nag-la-lunch eh. tanghali na."

napanganga ako, kakakilala pa lang namin pero ganito na sya umasta, hindi naman kami close. "Excuse me Chad ha, pero we just met."

"May masama ba?" kumunot din ang noo nito.

"W-wala?"

"then tara na, gustom na ko eh,"

namalayan ko na lang na sumusunod na pala ako sakanya, at nakarating na kami sa isang restaurant malapit sa bookstore kung saan kami nagkita.

Habang nasa loob kami ng restaurant ay hindi ko maiwasan ang hindi humanga, napakaganda ng lugar na yon, halatang mamahalin ang mga kagamitan at suguradong mahal rin ang pagkain dito, syempfe, kung mahal ang pagkain ay mayayaman lang ang kumakain dito.

"Ah, Chad, Dito talaga tayo kakain?" wala sa loob na tanong ko.

"Yes, bakit?"

"Eh kasi wala naman akong pambayad dito."

tumawa ito ng malakas. "Don't worry, sagot ko 'to."

"Sigurado ka?"

"Just relax, okay?"

Habang kumakain sila ay marami na rin silan napagusapan, hanggang hindi nya namalayan na naabutan na sila ng alas-singko sa pagkukwentuhan.

"Summer, how old are you?" tanong nito, medyo nagulat pa ako dahil kanina pa kami naguusap pero ngayon lang nito naisipan na itanong yun.

"Twenty-two." sagot ko. "ikaw?"

"twenty-five."

napangiti ako, ngayon ko lang napansin ang kagwapuhan nya, Chad was tall, proud, and stunningly beautiful man, malinis ito, at simple sa khaki short na kulay cream at V-Neck na shirt na may nakasabit pang shades, at islandet lang ang suot nitong tsinelas, kahit sinong babae ay magugustuhan sya, Kahit nga ako. ha!? kahit ako?

"Ahm, Chad, dumidilim na kasi eh, mukhang kailangan ko ng umuwi."

"ganun ba, sige, ihahatid na kita."

"Ha? nako Chad, wag na, kanina oa kaya kita inaabala, kaya ko naman eh." tanggi ko.

"No, ihahatid kita. it's not safe for you na umuwi magisa. gabi na at delikado."

Hindi na ko nakipagtalo, pagkatapos nyang bayad ng kinain namin ay sumakay na kami sa magara nyang sakyan.

"Saan ka?" tanong nya sa'kin habang kinakabit ang seatbelt nya.

pagkasabi ko kung saan ako nakatira ay pinaandar na nya ang sasakyan, malayu-layo na rin ang natatakbo namin ng mapansin kong mabagal ang andar nya sa sasakyan, noong una ay hindi ko na pinansin at inisip ko na lang na baka nag.iingat lang sua, pero ilang sandali pa ay napansin ko na hindi naman traffic at napaka luwag naman ng daan pero mukhang mas mabagal pa sa karo ng patay ang andar namin. at dahil sumasakit na rin ang pwet ko kakaupo, pinuna ko na sya.

"Ahm, Chad, Bakit ang bagal mo?" tanong ko sakanya.

nagtaka ako ng unti-unti syang ngumingiti pero nanatiling nakatingin syang nakatingin sa daan. "Baka kasi kapag niligawan kita sabihin mong masyado akong mabilism kaya binabagalan ko."

Ano raw? "Chad naman, ano bang sinasabi mo dyan, bilisan mo na nga, hinihitay na ako ng mga magulang ko."

"Sorry Summer. don't worry malapit na tayo." sagot nito.

nang sa wakas ay makarating na kami sa bahay, bumaba agad ako sa sasakyan nya. "Salamat sa paghatid Chad, gusto mong pumasok sa loob?" alok ko.

"No, hindi na, may pupuntahan pa ko. salamat na lang."

"ah, cge. salamat ulit."

"you're welcome, nice meeting you again summer."

"nice meeting you too, Chad."

pagkasabi nya non ay tumalikod na si Chad at sumakay sa sasakyan, maya maya ay umalis na ito, at nang hindi na nya matanaw ang sasakyan ay pumasom na rin sya sa loob, naabutan nyang maghahapunan ang mama't papa nya.

"Oh Summer, tara na't saluhan mo kami ng mama mo." alok ng papa nya.

nagmano sya sa dalawa tsaka umupo sa harap ng lamesa. "Pa, ma, sorry kung medyo huli ako ng uwi."

"ayos lang yon anak." nakangiting sabi ng papa nya. "kumain ka na," muli nitong alok.

"opo"

napakaswerte nya sa magulang, alam nya yun, maswerte sya dahil napunta sya sa mga mabubuting magulang, kahit kailan ay hindi sya nito pinabayaan, pinalaki sya nito ng maayos, kahit hindi sila mayaman, ang totoo ay hindi nya yun kailangan, hindi nya kailangan ang kahit na anong yaman, ang kailangan nya lang ay ang kanyang mama't papa. sapat na ito sakanya. hindi hindi nya ipagpapalit ang magulang nya kahit kanino, at kung bibigyan muli sya ng Panginoon ng pagkakataon na pumili ng magulang ay ang mama't papa parin nya ang pipiliin nya.

Four- Seasons (First-Book) : 30 days of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon