Liana Amante
Tuwang-tuwa si itay nang ibalita ko sa kaniya na pinayagan ko na si Elzion na manligaw sa akin. Wala naman akong narinig na kahit anong pagkontra sa kaniya dahil gustong-gusto niya ang lalaki para sa akin.
Matapos namin mag-swimming ay inihatid ni Elzion si itay sa unit niya dahil napagod daw ito at mas gusto na lamang matulog at magpahinga kaysa gumala pa.
"Kuhanin mo lahat ng libro na gusto mo," sabi ni Elzion na ngayon ay abala rin sa paghahanap ng libro para sa akin. Nalaman niya kasi na mahilig akong magbasa ng mga kuwento at ito ang madalas kong pagkaabalahan sa tuwing wala masyadong nakain sa karenderya.
Simula nang payagan ko siyang manligaw, mas naging ma-effort siya sa akin. Pinapakita niya palagi sa akin na wala akong dapat pagsisihan sa naging desisyon ko.
Palagi niyang sinisiguro na nasa maayos akong kalagayan, masaya, at komportable.
Ngayon ay nasa isang malaking bookshop kami. Dinala niya ako rito matapos niyang malaman ang mga hilig ko.
"Nakapili na ako!" Masayang ipinakita ko sa kaniya ang tatlong hawak ko. Puwede ka rin magbasa at magpalipas ng oras dito pero kailangan mo munang bumili sa kanila.
"Huh? Bakit tatlo lang?" Nakangiwi niyang tanong sa akin.
Natatawang kinurot ko siya sa tagiliran.
"Hindi porket marami kang pera ay basta ka na lamang gagastos. Hindi mo rin naman ako kailangang ilibre palagi dahil may pera naman ako. Ako na lamang ang magbabayad nitong mga libr—" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko. Inagaw niya sa akin ang librong hawak ko.
"Ako ang magbabayad."
Hindi na ako kumontra pa dahil alam kong hindi naman ako mananalo sa kaniya, lalo pa't siya naman daw ang nag-aya sa 'kin dito at nagpresenta.
Tatlong oras ang iginugol namin sa pagbabasa sa loob ng shop. Magkatabi kami habang nakahilig ang ulo ko sa balikat niya.
Katulad ko, tahimik lamang din siya nagbabasa ng libro.
Hindi ko napigilang hangaan si Elzion dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Bihira lamang ang lalaking taga Manila na kagaya niya. Yung gwapo at hindi manloloko.
"Inaantok ka?" Bulong niya. Naramdaman ko ang pasimpleng paghalik n'ya sa ulo ko. Ipinagpatay malisya ko na lamang ang bagay na iyon.
"Hindi," sagot ko sabay iling.
Umayos ako ng upo at isinara ang librong binabasa ko.
"ikaw ba?"
Kaagad siyang umiling at ipinatong sa libro ko ang librong hawak niya.
"Liana..."
Sinalubong ko ang tingin niya.
Wala sa sariling napangiti ako. Ang ganda rin pala ng mata niya.
"Hmm?"
"hindi ka puwedeng mapagod kaagad ngayon," aniya.
"bakit naman?"
"maraming bagay pa akong gustong iparanas sa iyo. Gusto kong iparanas sa iyo lahat ng kaya ko habang narito tayo sa Manila."
Hindi ko maintindihan kung ano ang mga ibig niyang sabihin. Basta ang alam ko lang ay nakasunod lamang ako sa kaniya at ngayon ay magkahawak ang kamay naming pumasok sa isang Art Gallery.
Hindi ko naiwasang mapaluha dahil do'n. Kaagad namang pinunasan ni Elzion ang mukha ko gamit ang hinlalaki niya.
Nag-ikot kami at marami akong nalaman sa mga interest ni Elzion.
BINABASA MO ANG
Ang Mapangahas Mong Pagsuyo
RomanceMagmula nang mamatay ang ina ni Liana Amante ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na poprotektahan niya ang kanilang lupain laban sa mga mayayamang abusado na nagtatanakang ito ay kuhanin at bilhin mula sa pangangalaga ng kaniyang ama. Kaya nang ma...