Liana Amante
Pareho kaming abala ni itay sa pagliligpit ng gamit. Matapos ang halos isang linggo naming pananatili rito sa Manila, babalik na kami ng probinsya. Gustuhin man ni itay na mag-extend pa ng araw, hindi puwede, may buhay kami sa probinsya na kailangan naming balikan.
Lahat ng meron kami rito sa Manila ay hindi ko makakalimutan, lalong-lalo na yung mga pinagsamahan namin dito ni Elzion.
"Parang malungkot ka, 'tay," natatawang sabi ko. Sumimangot naman si itay at yumakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik at ginulo pa ang buhok niya.
Katulad ko, nakabihis na rin si itay. Inaayos na lamang ang ilang gamit na hindi pa nailigpit. Mas marami ang dala namin ngayon compared sa dala namin no'ng papunta kami rito.
Napakarami naman kasing binili ni Elzion. Hay naku!
"Sino bang hindi malulungkot? Naging masaya tayo rito, nagbago ang pananaw natin tungkol sa mga taga Manila. Nakilala rin natin ang tatay ni Elzion, boto pa nga siya sa 'yo, 'di ba?" May halong pang-aasar bang banat ni itay. Napailing na lamang ako. Kapag usapang Elzion talaga, maraming masasabi ang tatay ko.
Pero totoo ang sinabi niya, nagbago ang pananaw naming dalawa. Kung noon, halos nilalahat ko ang taga Manila, ngayon ayaw ko na silang husgahan dahil lang sa rito sila nakatira.
Hindi lahat tulad nila Andrew na handang gawin ang lahat para makuha ang aming lupain. May mga katulad pa rin ni Elzion na kahit mayaman, hindi n'ya papakialaman ang buhay ng ibang mas mababa sa kanila.
"Ready na ba kayo?" Biglang sulpot ni Elzion na ngayon ay nakatayo sa may pintuan suot ang isang simpleng puting t-shirt.
Bakit ang gwapo?
Lumapit ako kay Elzion at hinila siya papasok ng kuwarto.
"Parang ayaw pa nga ni itay na umuwi... nakakahiya naman sa karenderya naming lagi na sarado."
Natawa silang pareho ni itay.
Lumapit si Elzion kay tatay at binigyan ito ng assurance na palagi pa rin siyang bibisita sa amin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa layo ng lugar namin dito sa kanila.
Parang ginagawa niyang magkapitbahay lang kaming dalawa. Napapaisip na lang ako kung ano pa ang kaya n'yang gawin. Matagal din akong nahirapang maniwala na gusto niya talaga ako.
Matapos naming mag-ayos ng mga gamit ay isa-isang nilarga ni Elzion ang mga gamit namin ni itay sa sasakyan niya. Tahimik lamang kaming tatlo hanggang sa makasakay sa loob. Sa may tabi ako ni Elzion naupo at tahimik na pinagmasdan ko ang lalaki habang siya'y nagmamaneho.
"Alam kong gwapo ako kaya ganiyan ka makatingin..." hambog na banat nito. Nginiwian ko naman siya at kaagad na nag-iwas ng tingin.
"Yabang,"
Natatawang umiling siya. Saglit kong sinilip si itay na ngayon ay nakatulog na naman.
"Antukin pala si 'tay Dencio, ano?" Natatawang tanong sa akin ni Elzion. Kaagad akong tumango.
"Oo, hindi ba halata? Haha palagi na lang siyang tulog hahaha," tugon ko.
Mayamaya lamang ay sumeryoso ang mukha ng lalaki.
"Sana walang magbago sa atin pag-uwi mo ng probinsya ninyo."
Bakas ang takot sa mukha nito. Kaagad akong ngumiti sa kaniya at tumango.
"Oo naman! Walang magbabago sa atin. Pinayagan na kita manligaw at napatunayan mo na angsarili mo sa akin nang maraming beses kaya wala kang dapat na ipag-alala..."
BINABASA MO ANG
Ang Mapangahas Mong Pagsuyo
RomanceMagmula nang mamatay ang ina ni Liana Amante ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na poprotektahan niya ang kanilang lupain laban sa mga mayayamang abusado na nagtatanakang ito ay kuhanin at bilhin mula sa pangangalaga ng kaniyang ama. Kaya nang ma...