Chapter38

3.1K 59 31
                                    

Pinili ko si Jacob, pinili ko sya kesa sa utak ko. Ginamit ko nanamang puso ko.

Tama nga ba ko? O hindi?

Ilang linggo palang nung maging kami ulit ni Jacob, nakaramdam na ko ng pagbabago. Nabawasan na yung pagkasweet nya, madalas may kausap sya sa phone nya at alam kong babae yun.

Kinakabahan nako pero mas pinipili kong pagkatiwalaan sya. Bakit? Dahil mahal ko sya at alam kong hindi nya ko sasaktan.

“Bes, alam mo bang si Jacob ang partner ni Julie sa pageant?” sabi ni Joy.

“Huh?”

“Diba yung pageant dito sa school, e ganun? Kailangan ng kapartner. Ewan ko ba sa mga yan kung bakit may ganun-ganun pa. Ibig sabihin, silang dalawa yung kailangan magteam-work para manalo dun sa pageant. Ginaya lang ata yan sa St. Agatha Academy. Balita ko nga ang premyo daw dun eh boracay trip. Shemms.” (Sa hoy! Akin kana! Yan :P Promote-promote din pag may time :D )

“Ano namang gagawin nila Jacob dun?”

“Hmm, tulad din ng ibang pageant, kaso dito, magkasama sila. Pareho silang contestant.”

Bakit hindi ko alam ‘to?

“Err, eh magkaiba sila ng section diba?”

“Yup, pwede yun. Mas lalong makikita ang teamwork pag ganun nga ang nangyare. Dalawang section kasi sila at makikita yung pagtutulungan.”

“Aaah.” Napayuko nalang ako.

Hindi sinabi ni Jacob sakin yan.

“Hindi mo ba alam? Hindi nagpaalam sayo?”

“N-nagpaalam. Si..si Jacob pa.”

“Eh bakit mo pinayagan? Masakit masyado sa mata yun, lalo na’t ex ni Jacob si Julie.”

Parang may bumara sa lalamunan ko. Nab-blangko yung utak ko. Pilit kong pinagtatakpan yung ginawang yun ni Jacob para naman magmukhang maayos parin yung relasyon namin.

“K-kasi may tiwala naman ako sakanya.”

“Sa bagay, pero teka! Nasan na bayun? Ilang araw ko ng hindi nakik— aaah! Baka magkasama sila ni Julie, nagpapractice.”

Ngumiti lang ako kahit na sobrang bagal na ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na nagtataka. Wala na kong masabi.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase, tinext ko na si Jacob na makipagkita sakin. Akala ko tatanggihan nya ko pero hindi, pumunta sya.

“Babes.” Nakangiting sabi nya saka ako hinalikan. “Musta?” dagdag nya.

“Kasali ka pala sa pageant.” Medyo nawala yung ngiti sa labi nya.

“Aah, Oo.”

“bakit hindi mo sinabi?”

“M-medyo matagal na kasi naming napag-usapan ‘to ni Julie.”

“Aaah, at wala akong karapatang malaman yon?”

“Babes, hindi naman sa ganun. Ginawa ko lang ‘to dahil ayokong guluhi—“

“Dahil ikaw si Jacob Javier.” Pagpapatuloy ko sa sinasabi nya. “Sus, Okay lang. Sana lang kasi sinabi mo sakin.” ngumiti ako pero hindi ako masaya. Hinding-hindi.

“Thanks, babes.” Niyakap nya ko.

Ha, hindi manlang nya naramdamang binabaligtad ko lang yung nararamdaman ko. Hindi manlang nya inisip yung naiisip at nararamdaman ko ngayon.

Ganyan na ba talaga kalaki ang pinagbago nya?

“Sige, may practice pa kasi kami ni Julie. Ingat ka sa pag-uwi ha.” Ginulo nya yung buhok ko saka umalis.

Yan ang boyfriend ko.

Ni hindi manlang ako naisipang ihatid.

Ayos yan.

Sarap nga sa feeling eh.

Habang lumilipas ang araw lalo ko ng hindi nararamdaman yung presensya ni Jacob. Naiintindihan ko naman dahil nga malapit na yung pageant. Sarap lang manuod nun na nakikita yung boyfriend mong kasama yung ex nya.

Kung magtext sya, paisa-isa. Pag tinawagan mo, hindi sinasagot. Minsan nakapatay pa.

Nauubos na yung pasensya ko pero pinipilit ko paring intindihin sya.

“Beatrice, hindi kaba manunuod?” tanong ni Joy.

“Masakit ulo ko eh.” Palusot ko. Ngayon kasi yung pageant sa school, tinext ako ni Jacob na manuod ako pero ayoko. Para ano? Para sumabog ako sa sobrang selos?

“Pero.”

“Sige na, ayoko nga. At wala ka ng magagawa, Joy.”

“Hindi mo manlang ba pa—“

“Bingge kaba?! Sabi ko ayoko.” Masungit na sabi ko. OO, ako ng nagseselos. Aaminin ko. Yung oras kasi nung boyfriend ko, nasa ibang tao na.

Bahala na sila sa buhay nila.

Kahit mukhang may sasabihin pa si Joy. Umalis na sya, nagulat ata sa pagmomoodswing ko. -__- Err.

Buong araw akong nasa bahay. Tumatawag sila pero hindi ko sinasagot. Para san ba’t pinapapunta pa nila ko dun? Para pagalitin? Wag na. di na kailangan dahil nandito palang ako, galit nagalit na ko.

At sa sobrang galit ko, hindi ko na mapigilang maiyak.

Pano nalang kung mahulog nalang yung loob nila ulit sa isa’t-isa? De ako ang maiiwan.

Natatakot ako kasiwala naman akong binatbat kay Julie. Wala naman akong binatbat dahil sampung beses ang ganda sakin nun.

Natatakot ako na baka mamaya marealize ni Jacob na sobrang dami na nyang ginawang hirap sakin pero si Julie naman pala talaga yung gusto nya.

Ayokong iwan ako ni Jacob.

Ayokong maiwanan.

Please naman, wag mo naman akong iwan.

~*~*~

Maikli? Sorry na. : (

Hindi ko na kasi maasikaso dahil may writer’s block aketching. Muhahaha! Saka gumagawa ako nung Cover’s—na nakasarado na ngayon kaya makakapag-UD na ulit ako. Yipieeh!

Basahin nyo yung story ni Cute na makulet ko. :) Hihi, JhabeaIsMyWorld. Cute nung story nya! Kaya ikaw Ram, mag-update ka na! Hihihi.

Basahin nyo rin yung story daw ni TineII :)

When Badboy meets Suplada [Jhabea]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon