Chapter27

3.9K 71 22
                                    

                Beatrice’s POV

“Beatrice, kumain ka naman kahit konti. Kahit konti lang talaga! Ang payat mo na oh.” Sabi ni Joy.

“Ayos lang ako, wag kang mag-alala.” Malamig na sabi ko. Lumabas nako ng bahay para pumasok na sa school.

Tulad nga ng sinabi ko sa sarili ko, bumalik ako sa pagkamailap sa lalaki. Doble pa ngayon dahil naranasan ko na yung kinatatakutan ko.

Nasampal ko narin si Rick at Kris dahil hindi manlang nila sinabi saking pinaglalaruan lang pala ako. Tinuring ko silang kaibigan pero, hindi manlang nila ako inisip. Mga wala silang kwenta.

Si Jacob? Ala nakong pakialam sakanya.

Paglalapit sya, aalis na kagad ako.Wala nakong oras para Makita yang itsura nya.

Ang alam ko, bumalik nanaman sya sa pagkababaero nya. Maganda yon, para lalo syang karmahin.

Sa totoo lang, masakit parin sakin yung pagkawala ni Jacob, palagi ko parin syang naiisip pero.. pilit ko na syang kinakalimutan. Minsan nga hinahanap-hanap ko pa sya.

Teka, wag na nating pag-usapan yong lalaking yon.

Galit nalang ang nararamdaman ko sa taong yun ngayon.

Pagpasok ko sa school, sa room kagad ang bagsak ko. Nangangausap naman ako ng mga kaibigan kong babae kaya nalilibang rin ako.

“Beatrice, may gusto raw kumausap sayo.” Sabi ng isa sa mga kaklase ko, Napatingin ako sa may pinto.

“Pakisabi, may ginagawa ako.” Ngumiti ako sakanya bago gawing busy yung sarili ko.

Si Rick, si Kris at si Jacob lang naman.

Sus, mga pakitang tao lang yan. Siguradong pinagtatawanan lang nila ko ngayon.

Simula nung isang linggo, ganyan na kami. Nilalayuan ko sila. Bakit? May magagawa pa ba sila para makuha yung tiwala ko? Lalaki sila, pero dahil AKALA ko hindi sila ganun kasama, nagbago ako. Nabago ang tingin ko sa mga lalaki, tapos ngayong nagtitiwala ako sakanila, bigla ko  nalang malalaman na pinaglalaruan lang pala nila ko? Aba, hindi na! Mahirap makuha tiwala ko.

Nung lunch, kasama ko si Joy sa pagbili ng pagkain ko. Palagi nya kasi kong pinipilit kumain.

“Pumayag ka rin, jusko, feeling ko tuloy ngayon.. ang baboy ko na. Pagpinagtabi kasi tayo, ang payat-payat mo talaga.” T__T

“Edi magdiet ka.”

“Wow, wala manlang kangiti-ngiti? Kahit konti.”

“Wala namang nakakatawa eh.” Sagot ko.

At lalong walang nakakatawa sa nakikita ko ngayon.

Yung lalaking malandi lang naman, ayun! Katabi yung prinsesa ng school. Si Julie, nababalitaan ko ngang nagkabalikan na yata sila.

“Joy, ayokong kumain. Hindi ako gutom.” Umalis nalang ako sa lugar nayon bago ko batuhin ng kung ano yang Jacob nayan.

Pucha.

Tumakbo nalang ako hanggang wala nakong nakikitang ibang tao. Naiiyak ako dahil.. ganun nalang ba ‘yon? Ang dali naman nya kong makalimutan. Grabe, hinawakan ko nalang yung dibdib ko. Naaalala ko yung mga oras na magkasama kami. Oras-oras, minu-minuto sinasabihan nya kong mahal nya ko.. Pero, bakit ganito?

Oo nga pala. Pinagkatuwaan lang nila ko.

Laruan lang naman nila ko diba? Tang-ina nila!

Hindi ko na napigilan yung sarili kong umiyak. Buti nalang walang nakakakita dahil pinaka-ayoko sa lahat..yung nakikita yung kahinaan ko.

When Badboy meets Suplada [Jhabea]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon