Chapter 31

4K 67 23
                                    

Beatrice’s POV

 Tulad nga ng sinabi ni Daniel, sinundo nya ko dito samin. Nagulat nga si Joy dahil kilala ko daw pala yung isa sa mga favorite na banda ng kapatid nya.

Hindi pa kasi nya nakikita si Daniel.

“Joy, aalis na kami ah? Nakakahiya naman dito sa gwapong ‘to.” Tinuro ko si Daniel.

“Ay ang landi lang?” natatawang sabi ni Joy. “O sige, wag mo lang pababayaan yang bestfriend mo kung ayaw mong..” umakto si Joy na tinatagpos yung leeg nya.

Ngumisi lang si Daniel. “Yes boss! Hindi ko naman hahayaang mawala sa paningin ko ‘tong iyakin na ‘to.” Natatawang sabi nya.

Kanina ko pa nakikitang ang sama ng tingin sakin ni Joy eh, pero binabalewala ko lang. Sigurado pagkauwi ko, tatadtarin nanaman ako ng tanong neto.

“Alis na kami.” Paalam ko kay Joy. Hinatid nya kami hanggang sa gate.

Binigay sakin ni Daniel yung helmet nya. “Suot mo. Tara na!” nakangiting sabi nya. Ang bango-bango nya talaga kahit kelan. Sumakay ako sa likod at inistart na nya yung motor nya.

“Humawak ka.” Sabi nya.

“Nakahawak na po.” Dun ako sa likod nakahawak.

Narinig ko yung bugtong-hininga nya. Tiningnan nya ko. Kinuha nya yung kamay ko na nakahawak dun sa likod. Nilagay nya yun paikot sa waist nya. Bale nakayakap na yata ako sakanya, nararamdaman ko na rin yung abs nya.

“Better.” Saka kami umandar.

Ayoko na! Gusto ko ng bumaba. Bakit ganito?

Nakarating kami sa bar na sinasabi nya. Ang dami-daming tao. Pagpasok palang namin nakapukaw na kami ng atensyon. Parang huminto rin yung iba sa pagsasayaw nung Makita kami.

Napakagat nalang ako ng labi sa mga tingin nila. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguradong double dead nako.

Nakipag-appear si Daniel dun sa mga lalaking tropa nya yata? O eto yung mga kabandmates nya? Bale apat sila kasama na si Daniel dun.

“Pre, sino ‘tong kasama mong chix?” banat nung isa.

“Aba, perstaym ah! Kala ko bading ka ‘tol! Hahaha.”

“Gago ka ba? Pano ko magiging bading?!” naiinis na sabi ni Daniel. Natawa ko sa reaksyon nya.

Napatingin ulit sila sakin. “O-oy, hindi ako bading Beatrice ah! Wag kang maniniwala sa ugok na ‘to.” Parang natatakot sya sa reaksyon ko, sa iniisip ko.

“Hoooo! E bakit wala kang nililigawan sa dami ng babaeng nagkakandarapa sayo? Baka naman akong type mo.” Panunukso nung isa.

Hoy, Enrique! Paduguin ko kayang nguso mo?” banta ni Daniel. “Alam nyo namang may hinahanap ako.Tch!” siguro kung ako yun sinuntok ko nang magsasabing bading ako. Takte, ang gwapo-gwapo ni Daniel, magiging bading? Yuck. Ipagdadasal kong wag na wag mangyayare yun.

“Nga pala, si Beatrice.” Pagpapakilala ni Daniel sakin.

“Beatrice? Teka.. parang..parang narinig ko nayun ah!” narinig kong sabi nung isa. “Ako nga pala si Albie.” Aabutin sana nya yung kamay ko pero biglang may bumato sakanya mula sa likod.

“Aray! Puta, sino yun ha?” galit na sabi nya dun sa mga tao sa likod.

“Ikaw yung pinuntahan ni Daniel nung nagkaklase kami, ikaw rin yung nakita nya sa mall kaya nalate sya ng dating sa practice naming. Ikaw rin yung iniistalk nya sa---Ummmpp.” Tinakpan ni Daniel yung bibig nya. “Ahaha, wag kang makinig dito, may ano kasi ‘to.” Inikot nya yung daliri nya sa may bandang kaliwang tenga nya, inaakto nyang may sira ang ulo nito. “Eto nga pala si Khalil.”

When Badboy meets Suplada [Jhabea]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon