43- MAIKLI. NAGUD LANG DAHIL NAKAKAHIYA NA. XD

2.8K 46 21
                                    

Nandito ko sa main gate ngayon ng school. Medyo masama ang gising ko pero pinilit ko paring bumangon para kay Jacob. Para magkita naman kami kahit sandali. Hindi na kasi sya tulad ng dati, ibang-iba na yung Jacob na kilala ko noon. Nasan na nga ba yun?

Hindi ko ugali ang maghintay sakanya pero wala eh. May nagtutulak sakin na gawin 'to, Kung tatanungin nyo kung sino.. Syempre yung puso ko.

Kelangan ko si Jacob. Sanay akong sakin lang sya at sya lang ang mahal ko. Di ko kayang mawala sya sakin kaya ginagawa ko 'to. Buo ako kung sya ang nasa tabi ko kaya kahit nasasaktan nako minsan, mas pinipili ko paring maging mahinahon. Mas pinipili ko paring intindihin sya. Mas pinipili ko paring maging binggi at bulag para lang di sya mawala.

Galit pa nga sya sakin ngayon eh, tinanong ko kasi ulit yung Angel kagabi, at ang resulta? Away nanaman. Kaya eto. Magsosorry nanaman ako.

Palagi nalang akong nagbababa ng pride. Teka nga! Pwede bang may magsabi sakin kung ano na talagang lagay ng relasyon namin?

..Pakiusap, wag nyo nalang sagutin kung di lang din naman maganda ang isasagot mo. :(

.

.

"Oy, ba't di ka pa pumapasok?" napatingin ako sa mukha ng kumakausap sakin.

Ngumiti ako sakanya. "Iniintay kasi kita." lalo pakong ngumiti. "GoodMorning!"

Inirapan nya ko at tiningnan yung daan. "Pumasok na tayo." simpleng sabi nya at saka nauna ng maglakad. Napawi yung ngiti ko sa ginawa nya. Sumunod nalang ako sakanya.

Di nalang ako umimik dahil nakatingin na samin yung ibang tao. Malamang iniisip nila na naghahabol nanaman ako kay Jacob. Bwisit! KAMI PA NI JACOB. KAMI PA AT DI NYA KO IIWAN!

When Badboy meets Suplada [Jhabea]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon