"Gising ka na pala, kuya. Gigisingin pa lang sana kita,"
Napatingin ako sa kapatid kong kakapasok lang ng kwarto ko. Sakto ring kakagising ko lang at nakangiwi pa akong napahawak sa batok ko.
Maya-maya ay natigilan ako. May narealize ako habang nakahawak sa batok ko. Kung masakit 'to ngayon, ibig sabihin... Hindi ako nananaginip?
Totoong nakakita ako ng pinatay na tao kagabi? Nangilabot ako ng maalala ang nangyari. 'Yung itsura ni kuya ay bumalik lahat sa alaala ko.
Tama kaya ako? Si Pearl nga ba talaga ang taong may gawa nito sa 'kin at sa pumatay sa lalaki? Iniisip ko pa lang na siya nga ay hindi ko na maiwasang matakot.
Nagpapasok lang naman ako sa bahay namin ng masamang tao kung totoo ngang siya 'yon. Para malaman ko ang totoo ay binalingan ko ng tingin ang kapatid ko para magtanong.
"Hazey, anong nangyari sa 'kin kagabi? Paanong nandito ako ngayon sa bahay?" tanong ko sa kaniya pero kinunutan niya lang ako ng noo.
"Huh? Anong pinagsasabi mo, kuya? May nangyari ba? Tulog na kasi ako bago ka pa umuwi." takang sabi niya.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Ibig sabihin, hindi siya nagpakita sa kapatid ko? Pero paano niya akong nahatid dito sa bahay? Paano siyang nakapasok? Baka 'yung susi ko. Baka nakita niya 'yon sa 'kin kaya nagawa niyang pumasok dito.
Parang tama nga ang kutob ko na si Pearl ang taong 'yon dahil siya lang naman ang alam kong nakarating na rito sa bahay.
Hayst, nakakabaliw.
"Ang weird mo, kuya. May problema ba?" tanong ulit ng kapatid ko.
"Wala, wala. H'wag mo na lang pansinin ang tanong ko." sabi ko na lang na ikinakunot lalo ng noo niya.
"Ewan ko sa 'yo, kuya. Tara na nga, kain na tayo." sabi niya.
Tumango na lang ako sa kaniya at sinabing susunod ako. Tapos no'n ay lumabas na siya ng kwarto ko habang ako ay napatulala na lang.
Iniisip ko pa rin 'yung nangyari kagabi. Unang beses kong naranasan 'yon at kitang-kita ko mismo kung anong nangyari kaya hindi ko maiwasang matakot.
Nakakatrauma 'yung kagabi. Kung talaga ngang siya 'yon ay dapat ko siyang iwasan. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Iniisip ko kung dapat ba akong tumawag ng pulis para sabihin 'yung nangyari kagabi.
Pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko kapag ginawa ko 'yon, lalo na at hindi ko naman nakita ang mukha ng taong pumatay.
Maya-maya ay naisip ko na baka maging chismis 'yon kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay para alamin kung may nagchichismisan man tungkol do'n.
Pero gano'n na lang ang pagtataka ko ng makitang tahimik ang labas ng bahay. May mga tao pa rin namang nasa labas pero hindi ko naririnig na pinag-uusapan 'yon.
Paanong nangyari 'yon? Malapit lang 'yon dito sa 'min kaya dapat pinag-uusapan na 'yon. Anong nangyari? Parang wala lang naman. Totoo ba talaga 'yung nakita ko kagabi o guni-guni ko lang? Parang mababaliw ako. May mali dito, eh.
"Oh, Bhen? Ayos ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapakali?" nagising ako sa malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang boses ni ate Mildred.
Tiningnan ko naman siya para tanungin. Baka makakuha ako ng balita.
"Ate Mildred, may nabalitaan ka po ba na may..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil parang nagdalawang isip ako bigla.
![](https://img.wattpad.com/cover/289198143-288-k685378.jpg)
BINABASA MO ANG
LA FIERRA SERIES 1: Pearl Jay Samoa
Подростковая литератураSTOLEN HEART Pearl is a thief who grew up in a life of crime. With no family to care for, she continues her secretive and dangerous job. Meanwhile, Bhen is a humble street food vendor, selling to sustain their daily living. When Bhen meets Pearl and...