Chapter 2: Ang Lihim ni jairo

1 0 0
                                    

Hindi maipaliwanag ni jairo kung kailan nagbago ang nararamdaman niya para kay Mia. Siguro noong tumulong ito sa kanya noong nasiraan siya ng loob sa isang exam. O siguro noong isang beses na magkasama silang nanood ng ulan at nakita niyang ngumiti ito sa kanya na parang siya lang ang tanging tao sa mundo.

“Bakit parang iba na ‘to?” tanong niya minsan sa sarili habang pinapanood si Mia na abala sa pagsusulat ng notes.
Pero paano niya aaminin iyon? Lalo pa’t palaging iniisip ni Mia na isa lang siyang “baks”—isang taong walang interes sa romantikong relasyon, lalo na sa babae?

Hindi! Kailangang malaman ni Mia ang totoo. Kaya’t nag-isip si jairo ng paraan para gumanti sa paulit-ulit na pang-aasar ni Mia.

A sweet revenge Where stories live. Discover now