chapter 5: Ang awkward na turingan

1 0 0
                                    

Matapos ang gabing iyon, naging awkward ang lahat. Si Mia, biglang umiiwas kay jairo. Sa klase, palagi siyang kunwaring abala sa notes. Kapag magkikita sila sa canteen, lagi siyang nagmamadaling umalis. Si jairo naman, hindi mapigilan ang sarili na kulitin si Mia.

“Mia, ba’t parang weird ka lately?” tanong ni jairo isang araw habang naglalakad sila palabas ng campus.
“Ha? Weird? Ikaw ang weird, no! Tigilan mo ako,” sagot ni Mia, halatang naiilang pa rin.
“Eh kung hindi kita tigilan, anong gagawin mo?” tanong ni jairo, sabay tingin nang diretso sa mga mata ni Mia.

Hindi na nakapagpigil si Mia. “Seryoso ka ba sa sinabi mo noon? O pang-asar mo lang talaga iyon?” tanong niya, iniwas ang tingin.
“Seryoso ako,” sagot ni jairo, walang alinlangan. “Pero ikaw, seryoso ka ba sa pagsasabing ayaw mo sa akin?”

Hindi na alam ni Mia kung paano sasagot. Kaya tumahimik siya at naglakad nang mabilis, pero sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang hindi niya kayang lokohin si jairo.

A sweet revenge Where stories live. Discover now