Prologue: Ang simula ng lahat

8 0 0
                                    

SWEET REVENGE

Sa isang tahimik na baryo kung saan lahat ng tao ay magkakakilala, doon nagsimula ang kwento nina jairo at Mia. Magkababata sila—mula sa pagkahulog sa puno ng mangga hanggang sa sabay na pagpupuslit ng taho sa tindahan ni Aling Merly, magkasama sila sa halos lahat ng kalokohan. Kung may partner-in-crime, si jairo iyon kay Mia. Kung may pambansang taga-tanggol, si Mia iyon kay jairo

Noong mga bata pa sila, laging pinagtatawanan ni Mia si jairo dahil sa kanyang hilig sa mga bagay na "hindi raw pang-lalaki."
“jairo, bakit Barbie ang gusto mong laruin? Hindi ba dapat mga robot ang laruan mo?” tanong ni Mia habang nakataas ang kilay.
“Eh kasi masaya, may bahay at mga damit! Ayoko sa robot, boring,” sagot naman ni jairo, walang pakialam sa iniisip ng iba.

Mula noon, binansagan na ni Mia si jairo bilang “baks.” Sa una, natatawa lang si jairo. Bata pa sila noon, kaya wala siyang pakialam. Pero habang tumatanda sila, nagbago ang tingin ni jairo sa asaran nila.

Dumaan ang panahon, nagbinata si jairo at dalaga na si Mia. Mas naging kumplikado ang samahan nila, pero hindi nawala ang tawanan at asaran. Sa bawat “baks” na tawag ni Mia, pilit na iniinda ni jairo ang nararamdamang inis—at ang unti-unting lumalalim na damdamin para sa kaibigan.

Ang hindi alam ni Mia, si jairo, na dati niyang katuwang sa lahat ng laro at kalokohan, ay may lihim na iniingatan. At sa isang simpleng tawag na “baks,” magbabago ang lahat sa pagitan nila.

Ito ang kwento ng kanilang sweet revenge—isang kwento ng asaran, pagkakaibigan, at pagmamahal na hindi inaasahan.

A sweet revenge Where stories live. Discover now