Isang gabi, nagdesisyon si jairo na samahan si Mia pauwi mula sa klase nila. Perfect ang timing, dahil walang masyadong tao sa daan, at tiyak niyang makukuha niya ang atensyon ng kaibigan niya.
Habang naglalakad sila, panay pa rin ang kwento ni Mia tungkol sa bagong K-drama na pinapanood niya.
“Tapos, jairo, grabe! Ang gwapo nung bida! Para siyang ikaw, pero mas macho.”
“Uy, wow! So, hindi ako macho?” sagot ni jairo, kunwaring galit.
“Eh, hindi naman. Ikaw kasi… cute! Pang bestfriend vibes lang,” biro ni Mia.Napangiti si jairo. Perfect na ang pagkakataon.
“Kung pang bestfriend vibes lang ako, bakit parang natutuwa ka kapag kasama mo ako? Baka naman may gusto ka sa akin?” sabay kindat ni jairo,
Biglang natigilan si Mia. “Ano daw? Uy, jairo, baka may lagnat ka?” sagot niya, pero halata sa mukha niya ang pamumula.Ngumiti si jairo, mas maloko kaysa dati. “Sabi ko, kung baks ako, crush kita.”
---
YOU ARE READING
A sweet revenge
RomansaThis is my first story and I hope you'll like it!! Readers should be above 13+ years old wasn't expecting that the girl who teasing me and calling me "baks" before will be my lover, she's so beautiful, kind, respectful, smart, responsible, she posse...