Warning: Cliche, maraming mura, loop holes, grammatically incorrect so if hindi niyo bet you can try another story na tsak na magugustuhan niyo.
Not edited.
----
Ang gago, ano iyong kahapon? Hindi ko expected na magiging ganoon reaction ko, parang hindi ako iyon ah.
"Tangina, ang boring naman ng life" biglang sambit ni shannon.
Kanina pa iyan ganyan, nag paparinig sa akin gawa ng gusto niya kaming pumunta ng bar. Ewan ko ba sa rip nito kung bakit gusto niya, kasi nung nakaraan naman sabi niya graduate na siya sa ganoon.
Pero now gusto niya raw mag inom, actually pwede naman kami mag inuman dito sa bahay nila pero mas gusto raw niya doon, kasi may sisilipin din siya pero hindi niya sinabi kung sino. Nung tinanong ko tiningnan ako ng masama ng gago.
Feeling ko big deal iyong taong iyon sa kaniya kaya hindi niya masabi, bahala na nga siya sa buhay niya, wala naman akong pake.
Ang gago naman kasi minor pa ako, siya naman 18 na kaya pwede na at pwede na makulong. Pero sabi niya siya bahala sa akin, porke may backer.
"Sige na nga, basta libre mo ah" at tumingin sa kaniya.
"Oo na, buraot ka talaga. Kuripot!" g na g si gago parang hindi na nasanay.
"Huwag na nga tangina mo, pumunta ka mag isa mo." pananakot ko rito.
Sinuntok ako at sinabing. "Biro lang, ito talaga seryoso palagi."
----
"Bakit ba kasi tayo nandito, ang usok pre. Alam mong ayaw ko nun." kumuha ako ng panyo at tinakpan ang ilong.
Hindi niya ako pinansin at umupo sa counter at umorder. "Isa ngang tequilla" masama pa ang tingin niya sa lalaki, doon sa bartener.
Ang gago nang hahamon pa nga ata nang away. Sumunod nalang ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. "May tubig ba kayo rito?" pagtatanong ko.
"Of course, wait for a second" may kinuha siya saglit at bumalik sa pwesto namin. Binigay niya ang ni request ko.
Mga ilang oras pa lamang at nakarami na ng na i-inom si shannon. Ang gago talaga nito, alam nang mahina at mababa lang alcohol tolerance uminom pa nang marami, ngayon wasted na.
Biglang tumingin sa pwesto namin iyong bartener at ang sama ng tingin kay shannon. Lumapit siya sa amin at kinuha siya. ''Kunin ko na ito, don't worry alam ko kung saan ang place niya at wala akong gagawing masama rito sa kaibigan mo.'' tumango nalang ako.
Binuhat niya na ng pa bridesmaid style si gago. Nagulat ako gawa ng ngayon ko lang nalaman na may iba pa siyang tropa bukod sa amin. Parang ang hirap ngang paniwalaan na mag tropa sila dahil ang layo ng vibe nila sa isat isa.
Pero baka naman talaga mag tropa sila masyado lang siguro akong judgemental maka uwi na nga. Hindi naman ako mahilig mag bar.
---
"Boy paturo naman oh, ang hirap namHan kasi ng chemistry"
Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Ano ba, pagtinuturuan naman kita hindi ka nakikinig. Tsaka sabi ko naman sa iyo mag advanced learning ka kapag alam mong mahirap ang lesson."
Lumapit siya at bumulong. "Pupunta raw dito sa building natin sila Alejandro. Puta ngayon lang nila na isip gawa ng hindi na sila busy. Mang lilibre raw si Silas."
Pag talaga kami nahuli baka sabihin nag kokopyahan edi patay pa kami. "Geh, anong oras ba?''
Nilapit niya upuan niya sa akin. "Mamaya raw 12 pagkatapos nito"
"Okay." tipid na sabi ko dahil pag pinahaba ko pa baka hindi na kami makapag focus sa discussion ni maam Bella.
Pagkatapos mag discuss ay umalis agad si maam. Inayos ko na ang mga gamit ko at na una na si shannon sa cafeteria.
Nakita ko si kairo na pa alis na kaya kinulbit ko na. "Uy pre, Kamusta?" hindi niya ako pinansin at nag derederetsiyo lang.
Aba, akala ko mag-kaibigan na kami. Bumalik na naman siya sa pagiging maldito.
Susubukan ko pa sanang kulbitin baka kako hindi niya ako narinig at naramdaman pero hindi ko nalang ginawa kasi para saan pa. Baka lumabas pang nagpapapansin ako sa kaniya.
----
''Si Alejandro may pino-pormahan diyan sa abm building kaya hindi na nakakapag bonding sa atin. Lagi na kayong busy, kawawa naman kami ni Jaxon" tonong nagtatampo pa si gago.
"Oo nga, nagsasawa na nga ako diyan sa gagong iyan. Pero sino muna iyang pinopormahan mo, bago na naman ba?" natatawang saad ko ay si silas ay tahimik lang sa gedli at nakikinig.
Sumabat si isagani. "Walang iba kundi iyong cutie boy na president ng sslg"
Tangina? "Tama ba pagkakarinig ko, cutie boy? lalaki? bakla ka, Ali?" sa pabago bago ng babae iyan tapos lalaki na ang gusto?
Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Ano naman kung gaanon, bakit may problema ba sa pagiging bading?"
"Wala naman, nagulat lang talaga ako diba nung nakaraang buwan lang pabago bago ka ng babae tapos ngayon sa lalaki na pala ang bagsak mo. Siguro karma mo na iyan."
Umirap lang siya sa akin. "Baka nga ikaw din, sa lalaki ang bagsak mo," paninigurado niya.
Umaktong parang na aasiwa ako hindi dahil sa homophobic ako kundi parang ang imposible namang mangyari iyon. "Straight ako pre, sa ebab lang ito." siya naman ay nagkibit balikat lang.
Usap usap lang kami habang si Shannon lang iyong ang daming sinasabi tapos si silas kanina pa hindi kumikibo pero sanay na kami sa kanya, ganyan talaga sya.
Nag buraot ako ng pagkain kay silas dahil hindi naman ito madamot at wala ring magagawa sa akin dahil nakuha ko na.
"Ito talaga ang buraot mo, porke hindi nagsasalita si silas gaganyanin mo. Finger down nga pre kung inaabuso kana nito." saad ni shannon pero ang ginawa ni silas ay nag bad finger lang sakaniya.
"Ikaw na nga tinutulungan, tangina niyo talaga magsama kayoi." tumawa lang kaming dalawa si nonchlanat ngumingisi lang.
Pag lingon ko sa likod ko nakita ko si kairo may kasamang apat na lalaki, mas matangkad pa sa kaniya. Pero masasabi mong mas maskulado siya compare doon sa apat.
Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya at tinaasan niya ako ng kilay, umiwas nalang ako ng tingin.
Umorder na sila at umupo sa katabi naming lamesa. Ang conversation nila ay umiikot lang sa mga subjects particularly sa basic calculus at science, potek nagsama sama ang mga nerd.
Ang ingay nung isa parang parrot katulad ni shannon. Pinapanood ko lang sila sa ginagawa nila at nakikinig sa pinag uusapan nila. Nakita kong si Alejandro ay napatulala at hindi tinitigilan ng tingin iyong lalaking naka eye glasses na singkit na moreno.
----
Helo, sana nagustuhan niyo. Suggest kayo ng susunod na scene or pwedeng mangyari kay kai at jax. XOXO
BINABASA MO ANG
Midnight Rain (Moon Struck #1)
RomansaBL STORY 🍰 I was the midnight rain when I chose myself, even though he was willing to lose everything - Jax