CHAPTER 6

8 1 0
                                    

Dwight's POV
*krrriiinggg krrriiinggg*

Argh!!Ano ba to?Ang ingay!!

Kinapa ko yung alarm clock ko tapos binato ko,ewan kung saan na punta?

Hmmm...Matutulog pa ako

*zzzzzzzzzzz*

-
"Ayh!!Jusmiyo kang bata ka!!Bakit hindi kapa bumangon diyan?Malelate ka na talaga!!"

Naramdaman kong may yumuyugyog sa'kin.Hmm??Ano ba!

"Naku po!Iho,bumangon kana!Nauna na sa iyo ang mama mo!!"

"Nanay Tessy,5 more minutes"-Dwight

"7:13 na anak!!Naku,naku!Lagot ka sa mama mo!"ang ingay naman nitong si nanay Tessy

*zzzzz-

Wait,7:13 na!Nakng!Lagot ako nito!!Ayokong malate,kasi for sure malala ang punish nito.

Ay,ano ba yan.'Wag na nating pag-usapan yang punish-punish na yan.

Maliligo na nga ako

-
Hmmm.Ang bango ko,anong oras na ba?

7:21,ang dali ko naligo.Makaalis na nga

"Iho,kain ka muna"alok ni nanay Tessy sa'kin.Siya yung parang taga-alaga sa'min 'pag wala si mama.At tagabantay na din sa bahay.Naging parte na din siya ng pamilya namin.

"Naku nay,'wag na po.Dun nalang po ako sa school kakain.Malelate na po ako eh"sabi ko sa kanya sabay signal ng kamay ko na 'no'

"Oh siya ito oh *sabay bigay ng sandwich*Alam kong malelate ka kaya ginawan na kita"tumango nalang ako tsaka nagbless kay nanay at umalis.

-
"Bro,late ka.'Di ka na naka attend sa flag ceremony"sabi ni Shieen,kaibigan ko.

"Alam ko Shieen,'wag mo na akong sabihan.Kasi alam ko"sabi ko sa kanya siya naman napailing nalang.Tch

"Mr.Salazar,why are you late?"-sir Mendoza

"Because i do like this?"sabay act na natutulog,tsaka nagtawanan ang buong klase.Sanay na yan si sir sa'kin.Close na kaya kami simula 2nd year pa ako.Tsaka nasasabayan niya naman ang mga dumb actions ko.

"Wha-"

"Good morning sir,sorry im late"

Napatingin ako sa pintuan,at nakakita ako ng isang dyosa.

Jowk lang.Siyempre nakakita ako ng manananggal.Jowk lang.

Siyempre nakita ko ang babaeng kontrabida ng buhay ko.

"Both of you have punishment you'll going to answer this"sabay sulat ni sir ng kung anu-ano.Math si sir kaya numbers yung sinusulat niya.

Tinignan ko si Zin,kilala ko na siya.Siyempre nakinig ako nung nag introduce siya.

Parang wala siyang problema sa sinusulat ni sir.Baka tinatago niya lang.Pero deep inside,kinakabahan siya dahil hindi niya alam ang sagot.

Bwahahaha.Im Dwight the Great.The 'Undefeated'

"Better answer it within 3 minutes"sabi ni sir.Tinignan ko yung mga kaklase ko.Nagkakasalubong ang mga kilay nila dahil sa hirap na pinapasagot ni sir sa'min.

Pwes,kaya ko 'to!Hindi pwedeng matalo si Dwight!Bwahahaha

"Last 2 minutes"ayh hindi pa ako nakasagot pati na rin si Zin.>:)

Unti-unti ko ng makuha yung formula.May kaunti akong sinulat sa black board,kaunti lang kasi medyo mahirap eh.

"Last 1 minute"nakng!Amputa!Ang dali naman siguro ng oras.

"Last 30 sec-"

"Done sir"

O.o

No way!!

Hindi maaari!Naunahan ako.

Oo,hindi ako yun!Dahil si Zin yun!!Pers tym!!

Hindi 'to pwede!

Diba Undefeated ako?

Nooo!!

Mukhang ina-analyze ni sir yung sagot.May chance pa akong manalo dito.

"Mr.Salazar"

Baka hindi tama yung sagot niya.

Baka ipatuloy ni sir yung pagsasagot ko.

"Ms.Montabuella is CORRECT"

At pagkatapos nun nanlumo ako.

"Ms.Montabuella explain your answer please"sabi ni sir kay Zin

"The answer is 5.765.Its because of the square root of the blah blah blah~"

Hindi 'to maaari.Hindi!!Hindi!!Hindi!!

Zin's POV
Grabe,yun pala ang punishment kapag nalate ka?Pero okey lang,atleast alam ko yun.

Nabasa ko yun sa libro namin nung nasa Yongdan pa ako.

Bakit ba kasi palagi akong late?

"Zin,grabe ka.Na-answer mo yun?Eh ang hirap nga eh.Mismo na si Dwight na undefeated eh,natalo mo?Apir nga!"sabi ni Ivan.Close na kami.Hehehe.

At undefeated daw?*smirk*Ako ang tatalo sa kanya.

"Hi Zin,im Britney Renee Aspriñan.Nice meeting you.Sorry kung hindi ako nagpakilala sayo kahapon.I was just busy"sulpot nung babaeng maganda pero sa mukha mataray but deep inside mabait.

"Aah.Okey lang.Siguro busy kayo kahapon"teka,pano sila mabibusy kung kakasimula palang ng klase?

"Ah,oo busy talaga.4th year na kami eh.At tsaka most of our classmate are SSG's and im one of them"sabi niya.Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang SSG

"Anong SSG?"tanong ko sa kanya.Siya naman nanlaki ang mata.Problema nito?

"You dont know what SSG stands for?It stands for Supreme Student Government.Panong hindi mo yun alam,kung highschool ka na?"oh,so para pala yung Student Council kung sa private school.

"Aah,yun ba yun?Sa private kasi ako galing eh.Since i was nursery"sabi ko sa kanya.Siya naman,still shocked.

"Weh?Yaman mo te!"sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.Diyan pa naman kiliti ko,

"Pero how come you transferred?Naubos ang pera?"tanong niya sakin.

"Parang ganun na nga"sabi ko sa kanya.Ayoko namang sabihin na mayaman ako.Baka layuan nila ako.They'll treat me like their queen,ayoko ng ganun.Tsaka baka may mga plastic din dito.

"Tsa-"

"Guys,sabi ni sir pasok daw.May iaannounce daw siya"sabi nung si Blaire i think?

"Lika na"alok ni Ivan.Nandito kasi kami sa lobby and supposedly its our recess.

Ano kayang announcement ni sir?

**************************************************
Thanks readers!!

Please vote and comment

In-Denial Love(On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon