CHAPTER 4

16 2 0
                                    

Warning: Cliche, maraming mura, loop holes, grammatically incorrect so if hindi niyo bet you can try another story na magugustuhan niyo. 🥹🩷

Not edited.

--------

Project

Hindi pa rin ako maka move on doon sa ginawa ni Kairo. Why did he sketch me? For what reason? Gwapo ba ako masyado para gawin niya iyon?

Kidding aside, I'm still thinking bakit biglang parang naging mabait siya sa akin. At that time, hindi ko alam anong mararamdaman ko. He didn’t judge me based on what I said. Dapat nga tawanan niya ako pero iba ang ginawa niya.

Na awa ba siya? hindi ko kailangan ng  awa niya o ng kahit sino man. Ayaw ko 'yung pakiramdam na kaya ka tinutulungan ay dahil sa awa na nararamdaman nila, na tipong obligasyon nilang tulungan ka. Ang gusto ko iyong kusang ginagawa, para sa iyo at hindi nakakaramdam na kinakailangang gawin iyan para sa akin.

Habang nagpapaliwanag siya parang bigla akong napatulala, kasi bakit ganoon siya? ang hirap ipaliwanag nang naramdaman ko nung oras na iyon.

Late akong nagising dahil puyat ako kakaisip sa ginawa niya. Magaling pala siya sa art? Partida sketch pa lang 'yung ginawa niya sa akin pero ang angas na.

Para akong zombie na papasok sa school. Lantang lanta, walang ka buhay buhay. Hindi ko nga alam kung anong oras ako naka tulog dahil sa kakaisip sa kaniya at sa mga binitawan niyang mga salita.

Sumilip ako kung kung nandiyan na si ma'am na nagtuturo pero walang  teacher, kaya pumasok akong hindi nagtatago. Safe, hindi ako maghahabol ng activities at lessons. Sumalubong sa akin si shannon, walang nang iba pa.

"May nagturo ba kanina? Tangina late ako" ngayon sinisisi ko na si kairo, siya ang dahilan bakit na late ako nang gising.

"Wala pre, may meeting daw ngayon 'yung mga teacher. Babalik daw mga 10 am" tiningnan ko ang relo ko, 9 am pa lang. Tingin ko, na sa ’kin ang swerte ngayon, nakakagulat na pumapanig si tadhana ngayon.

"Okay, thanks pre!" inilapag ko na sa upuan ko ang bag ko atr inayos ang mga gamit ko.

Si shannon hindi na bumalik sa upuan niya. May pino-pormahan ata si karylle. Hindi bagay parang gago. Napansin ko namang masama ang tingin ni Ibanez kay shannon. Ano, na late ba ako sa balita? nagkainitan ba sila?, ang sama ng mukha ni ibanez kay tanga. Bahala sila.

Maya't maya ay dumating na si ma'am, pagpasok niya ay may dala-dala siyang isang folder. "I am sorry class, if hindi ko kayo napasukan. We have meeting kanina and wala na akong oras para magturo, so ang mangyayari 'yung present ngayon paki bigyan sa akin. Iyan ang mag se-serve as activity niyo. Mag sesend ako ng pdf kopyahin at ipasa sa akin bukas'' umupo muna siya at nilapag ang gamit.

Uminom muna siya bago magsalitang muli. "Class, listen up. We will have one month group project. 2 pairs only, random ang magiging ka-partner niyo at ito ang magiging peta niyo which is 45% ng grade niyo this quarter so kinakailangan na mag seryoso kayo. And also, need niyo ma present iyan, send the manuscript kapag tapos na kayo. No manuscript no grade, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, ma'am." gagi sana maayos ang ka-partner ko, sapak sa akin pag hindi, tututol ako. Ayaw ko ng pabigat, ayaw ko makinabang ang walang ambag sa paghihirap ako, unfair iyon. At parang bumagsak ang mundo namin, by pair na naman? napaka hassle. Nakakapagod kaya iyan.

Habang nagbabasa si Ma'am ng mga pangalan ng partners, ako ito, na kanina pa tahimik sa upuan ko, napatingin  nalang sa bintana.

"Okay, next pair... Jax at Kairo."

Para kaming tinamaan ng kidlat. Napatingin agad ako kay gatas. Siya naman napangiti ng konti na parang may ipinapahiwatig. Iyan na naman siya, ang sarap sunyukin ng mukha.

He looked at me. Parang nang aasar pa, ang sarap sikmuraan at patuguin iyung labi niya gamit ang kamao ko dahil sa ngisi niya. "Mukhang tayo talaga, no choice ayaw ko rin naman ka partner ka" saad niya at umirap pa.

Minsan talaga hindi ko maintindihann ugali nito, may mabait, ma attitude, may mapang asar na side.

"Putik na 'yan," bulong ko sa aking sarili. Ayaw kong ipahalata, pero ang iyung biglaang pagpaparinig ni kairo nagpa init ng ulo ko.

Hindi pa ko pa alam  kung good news o bad news na siya ang ka partner ko. Matalino at maayos naman siya pero bad news dahil ka away ko siya. Baka hindi kami magkaintindihan, baka sa magkaiba kaming ideas magrambulan pa kami.

---------

Pagkatapos ng klase, naupo kami sa library para magplano ng project. Si Kairo, kalmado lang, hawak ang isang sketchpad at nagdo-doodle habang ako,  pilit na iniisip kung paano tatapusin agad ang discussion para maka uwi dahil na aalibadbaran na ako.

"Okay," simula ko. "Ano ba? Anong topic ang gusto mo?" pagtatanong ko.

"Science and technology," sagot ni Kairo agad, sabay ngiti.

"Science and technology? Hindi ako interesado doon. Contemporary issues nalang kaya? Magandang pag-usapan, madaling i-explain, at nakaka hook. Magandang topic ang mga ganyan, Kairo."

"Tinanong mo pa ako kung ayaw mo lang din. Maganda rin naman pag usapan at gawan ng topic ang science and technology," kontra niya at  tumigil sa pagdo-doodle. "We're Stem students, magandang i-present iyong sakop ng field natin. And also makakagawa tayo ng innovation. We are in the modern world where in kailangan natin ma adapt ang pagbabago. Pwede nating maging topic is iyong mga Ai tools, iyong mga makakatulong sa technology, sa mas pagpapaganda at pagdagdag ng mga use."

"Eh sa ayaw ko nga, maganda rin naman ang contemporary issues. Bakit ba ayaw mo?" tanong ko, halatang naiirita na. "Mas maraming makaka relate kung sa mga problema na nararanasan natin ang gagawan natin."

"Mas kailangan ng tao ngayon ang sa technology and science," sagot ni Kairo, tumingin ng diretso sa akin. "Mas maganda talaga na gawan ang sa science and technology, I swear. Magandang gawan ng innovation, while sa mga societal issues marami na diyan pero hindi pa rin na so-solusyonan or may solution pero mahirap ma agapan.”

"Hindi naman kasi ako agree sa topic mo," pagsagot ko. Tumayo ako at inangat ang notebook niya, halatang mas gusto niyang  siya ang masunod. "Please, trust me societal issues nalang." pakikiusap ko rito.

"Ang kulit mo, because of science and technology napapadali buhay nating lahat. May phone ka, before wala, pero dahil sa mga na invent and innovation meron na," sagot niyang pabalik, kunwari hindi naiirita pero halatang pinipigilan mag-react. "Because of science and technology it allows us to develop new technologies, solve practical problems, and also, It helps us live a better life – While science has made significant contributions in health by providing treatment for various chronic diseases,." gago, ng daming sinasabi, para tuloy ako ritong tanga.

"Drama mo, pre," saad ko, sabay yuko para sulatan ang notebook niya. "Kung ayaw mo ng idea ko, sabihin mo na lang kay ma'am na palitan tayo ng partner."

"Bakit ako magpapalit?" sagot ni Kairo, ngumiti pa ng kaunti. "Mas gusto ko ngang ikaw ang partner ko."

Natigilan ako, Ano raw? parang nagpantig tenga ko. Minsan nagugulat nalang ako sa mga lumalabas sa bibig nito. May pa sabi sabi pang guysto akong ka partnere pero nagtalo pa kami, ang dami niya pang sinabi.

"Ano iyong akin nalang ba?" paghahamon ko rito.

Nilagay niya ang kamay sa batok at sinabing. ''Oo, ayaw mong magpatalo eh"

"Akin na ang facebook mo, doon nalang tayo mag usap tungkol dito" binigay ko ang phone ko at nag type na siya roon.

Pagkatapos niya umalis na ao at iniwan siya roon, wala pa ata siyang balak na umuwi.

Midnight Rain (Moon Struck #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon