Naranasan mo na ba madapa o matapilok sa isang mataong lugar?
Ang mabunggo sa posteng nakaharang sa daan?
Ang businahan ng kotse dahil naka-GO na at babagal-bagal ka padin tumawid?
Ang makasagi ng mga nakakasalubong?
Kung oo ang sagot mo sa lahat ng 'yan... CONGRATS!!! Isa kang certified tatanga-tanga! Pero huwag kang mag-alala, award ko rin naman 'yan. Oo na ako na aminadong tanga ako XD
Minsan naiinis tayo sa mga tanga. Wait let me rephrase, minsan naiinis tayo sa mga kagaya natin. Ang tanga kasi! Nakalimutan i-charge ang utak! USO BA MASYADO AT NAKIKIGAYA KA?
Pero ikaw ba? Sa anong panahon ka natatanga?
Kung ako ang tatanungin niyo tatlo ang masasagot ko...
Kapag marami akong iniisip
Kapag inaantok ako (which means palage)
at KAPAG GUTOM AKO!!!
Ang hirap kaya mag-concentrate kapag gutom -_______- well balon... Magpo-pokus ako sa unang nabanggit... KAPAG MARAMING INIISIP
INIISIP??? Nag-iisip pala ako? O_______O
Keme! Haha Madami akong iniisip. Kung paano kumikindat ang goldfish ng kapitbahay namin, kung bakit hindi nagrereply si Santa Claus sa mga e-mails na pinapadala ko sa kanya, kung anong energy drink ang iniinom ni Dora at kung saan-saan siya pumupunta. Mga ganoong bagay.
Hanggang sa naikwento ko ang ilan sa mga iniisip ko sa seatmate ko noong mga panahong nakikipaglaban kami sa antok habang nagdidiscuss ang professor namin sa harap. Ang sagot niya sa akin? "KWENTO MO SA PAGONG"
Hindi ito isang istorya. Ito ay mga titik, letra, salita, at pangungusap na pinagsama-sama upang makabuo ng kwentong walang kwenta at marapat na ikwento na lamang sa pagong na nakalilipad na tinatapakan at binabaril ni Mario at Luigi.
Basahin mo bahala ka. Hindi kita pinipilit. Magbigay ka ng kumento, wala akong paki-alam. Hindi kita pinipigilan. Iboto niyo kung gusto niyo, wala akong plataporma at mga pangakong inilalahad. Ang akin lamang ay hinahayaan ko kayong pumasok sa aking mundo, PANG-UNAWA at RESPETO.
BINABASA MO ANG
KWENTO KO SA PAGONG
HumorWag mo sabihing siraulo ang mga nakikipag-usap sa sarili. Nasasaktan ako. Bakit ni-minsan ba sa buhay mo hindi mo kina-usap ang sarili mo? Bahala ka sa buhay mo. Ito ay mga titik, letra, salita, at pangungusap na pinagsama-sama upang makabuo ng kwen...