Nakatutuwa naman yung mga kaibigan ko na may account dito sa wattpad, they texted me pa about my story at guest what...
Nilait-lait ako!!!
Kung ano-anong mga kabaliwan daw ang pumasok sa isip ko at gumawa pa ako ng story dito sa wattpad...
I just smiled and said, "Kasalanan ko ba na libre ang paglikha ng storya sa wattpad?"
-----
Bata pa lang ako mahilig na ako magsulat. Mga story katulad ng sa Pinoccio at Sleeping Beauty, ginagawan ko ng sarili kong version. Masyado kasi malawak ang imagination ko kaya minsan kapag nagbabasa ako eh ginagawan ko na ng ending o kaya ay iniiba ko yung ibang pangyayari.Masaya magsulat. Lalo na kapag ikaw ay mahilig mag-daydream.
Elementary ako noon, kalagitnaan ng History subject namin, (ayaw na ayaw ko ng History kaya kung ano-ano ang ginagawa ko) napag-isipan ko na gumawa ng story mula sa kay Ryoma Echizen Prince of Tennis at Ren ng Eremental Gerad (Nakalimutan ko na mga spelling sorry).
So here's the story...
Isang umaga habang naglalakad si Ryoma papunta sa gubat upang makapag-practice ng tennis ay may nakita siyang isang napakagandang babae, walang iba kung hindi si Ren.
Naglalaro sila ng tennis nang may dumating mga alien, "Ren sumama ka na sa amin" sabi nung leader ng mga alien.
"Teka bakit niyo siya kukunin sa akin?" sabi ni Ryoma.
"Sa iyo??" Alien and Ren in unison
"Ren dito ka nalang!!! Wag mo ako iwan, please please please!" -Ryoma
"Okay! Sabi mo eh" -Ren
"Talaga!?" - Ryoma
"Oo nga! Ayaw mo pa ata eh" - Ren
"Okay bye na!" -Alien
*END OF THE STORY*
---
Ano diba napakapambata nun?
Noong mabasa yun ng mama ko pinagalitan niya ako. Sayang naman daw yung papel puro walang kwenta yung sinusulat ko.
Pero syempre walang epekto sakin yun kasi mahilig nga ako magsulat. Kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng notebook! Alam niyo yung writing notebook na may blue-red-blue pa na linya? Ayun ang binili ko XD
Nahinto sandali ang pagsulat ko noong tumuntong ako ng high school. Siguro dahil nagbago din ang hilig ko, pero gumagawa padin naman ako ng mga tula dahil yun ang libangan ko.
Yung school ko noong high school ay may school papers (Puro school? Wait ayusin ko). Gumagawa ng Journal yung school namin, yung parang dyaryo kung saan ilalagay ang mga kaganapang nangyari sa school sa loob ng isang taon. Pinangarap kong maging kaisa noon, pero hindi naging matagumpay dahil nagkasakit ako sa bato... I mean BATUGAN! Oo dinali ako ng katamaran. Mas ninais kong magpakasaya at enjoyin ang High School life ko na walang masyadong papel at pagsulat na involved.
Pero ngayon, muling nanumbalik ang hilig ko sa pagsulat at sakto naman na natuklasan ko itong wattpad ay magkakaroon ako ng pagkakataon na maibahagi sa inyo ang mga kwento sa loob ng aking imahinasyon.
---
Naranasan mo na ba na habang kumakanta ka ay biglang kumulimlim ang langit at 'di katagalan ay bumuhos ang ulan na ubod ng lakas?
Ako, OO!
Madalas mangyari yan! Hindi ko alam kung sinasadya ng pagkakataon o talagang uulan lang ng mga oras na iyon.
Isa akong frustrated singer. Sabi ng ilan ay magaling naman daw ako kumanta, pero ewan ko ba, parang jino-joketime lang nila ako noon.
---
Takot ako sa palaka, ipis, gagamba na malaki, dugo, kidlat, kulog, at marami pang iba.
Ikaw ba kapag may ipis na humahabol sayo 'di ka tatakbo? Yung ipis kasi dito sa bahay namin sinusundan ata ako eh XD
--
Ayy syeteng kinalamay! May gagawin pa pala ako HAHAHA! Ayusin ko po ito next time ^_^
BINABASA MO ANG
KWENTO KO SA PAGONG
HumorWag mo sabihing siraulo ang mga nakikipag-usap sa sarili. Nasasaktan ako. Bakit ni-minsan ba sa buhay mo hindi mo kina-usap ang sarili mo? Bahala ka sa buhay mo. Ito ay mga titik, letra, salita, at pangungusap na pinagsama-sama upang makabuo ng kwen...