Bakit kaya may mga estudyanteng inaantok sa klase?

320 1 3
                                    

Tulog

Tulog

TULOOOOOOOOG~!

Kapag nasa school ako, walang araw na hindi ako naidlip. Antukin kasi ako.

Lagi kong sinasabi, "Kapag dating ko sa bahay matutulog ako!"

 Eh pag uwi ko sa bahay?

Harap sa computer

Basa sa wattpad

Status sa Facebook

Post sa Twitter

Gawa ng assignments

Text dito, text doon

Kaen dito, kaen doon

Hanggang sa 'di ko namalayan... Umaga na! Ayy jusmeng bata 'di natutulog sa tamang oras XD

NANINIWALA BA KAYO NA ANG PAGKATUTO NG ISANG MAG-AARAL AY NAKABASE SA NAGTUTURO?

Ako hindi. Oh wait wag mag-react tapos na ba? Hindi pa! Wag excited!

Hindi ang sagot ko dahil hindi naman totally nakabase ang pagkatuto sa nagtuturo. Marahil parte ito, o isang malaking FACTOR sa estudyante kung yung nagtututo sa kanya eh parang nakalunok ng lullaby sa galing magpatulog at walang ginawa kundi ikwento ang buhay ng kapatid ng kinakasamang kuto ng aso na may kalandiang pusa na walang ginawa kundi mag-gwiyomi na itinadhana naman para magharlem shake and itsura ng kabit ng kapitbahay nila! Naku! Siguradong gaganahan kang antukin sa klase. Na 'di kalaunan eh pipikit pikit na ang beautiful eyes with matching paling kaliwa't kanan ng ulo. Na 'di nagtagal ay bumigay din sa pagkakahimbing.

Mahirap magpigil ng antok ano?

Bigyan niyo nga ako ng payo kung paano hindi makakatulog sa klase ang dami ko na kasing ginawang paraan...

Umupo sa harap ng Professor

Tumabi sa pinakamaingay na classmate

Magdala ng pagkaen

Magcellphone

Makinig sa nobela ng prof

Pakinggan ang mga hinaing ng classmate kong namatayan ng ipis

Mag-drawing at babuyin ang notebook ng katabi

Ubusin ang ink ng pen sa pagpirma

Gumawa ng essay tungkol sa paghanap sa dragon balls

Pagtatanong sa classmate ko kung sino si Yuna

Pagkwento sa katabi ko ng mga kwento sa wattpad

LAHAT NA NG PARAAN NA HINDI NAGAGAMBALA ANG PROF!!!

Ewan ko ba. Tanungin ko nalang ang pagong.

KWENTO KO SA PAGONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon