PRE-CAL

17 0 0
                                    

"di pa binuksan room madam?" 

Tanong sakin ni claire sabay lapag ng dala dala nyang bag. Nandito ako sa tapat ng room, nakaupo at nanonood lang ng tiktok habang naghihintay. Halos kakarating ko lang din at kasabay ko si elaisa dahil may service kami. Minsan ko lang maabutan na hindi pa bukas ung room kasi hindi naman palaging maaga ang alis namin dahil mabagal ako kumilos. 

"hindi pa, aga pa eh" sagot ko naman.

"gagi be gumawa ka gizmo para sa pre cal?" tanong naman ni angel.

"tanga magagawan ba yun sa gizmo eh puro numbers yon" agad namang sabi ni claire. wala atang araw na hindi nag babarahan tong dalawa. 

"ay, sorry" sabi naman ni angel sabay tawa.
"pero nag review kayo?" tanong nya naman saamin. 

"mag rereview pa eh babagsak din naman" sagot ko. 

"true tol" sabay apir saakin ni claire.

Sa lahat kasi ng subject namin, pre calculus ang pinaka mahirap. Madali syang intindihin kung makikinig ka pero pag triny mo nang gawin ng walang kahit anong guide, sobrang hirap at nakakalito! 

I mean.. calculus yun kaya di talaga maiiwasan na malito at mahirapan. Parte naman ng buhay yun lalo na kung STEM strand ang kinuha mo. Sabi nga diba failure is the best teacher.

"parabola at elipse daw coverage ng summative natin mamaya, tinanong namin si sir kahapon" ani ni marydel. 

"amput- sabi elipse lang?" agad na pag bago ng mukha ko.

kasama na nga sa first summative sinama pa ulit ngayong second! dagdag reviewhin nanaman mamaya hay nako..

"okay lang yan madam! madali naman na reviewhin yung parabola since last quarter pa yun" 
pag kukumbinsi nya sakin. 

"sabagay di naman mahaba method nun, gegege kaya yan!" kinuha ko ang phone ko para tignan kung nag chat na ung gf ko. dumaan pa silang mcdo para bumili ng baon nya, sinabi ko naman na mag ingat pati ung balita about sa summative sa pre cal. 

Maya maya dumating na si kuya guard para buksan ung pinto. Anong oras na rin kasi at andami nang estudyante sa hallway na nag aantay.

Pag bukas ng pinto amoy na amoy naman agad ang hindi mawaring amoy sa room.

"Amoy bodega talaga!" pag rreklamo ko naman.

agad naman nilang binuksan ung aircon para lumamig na ung room. sobrang swerte namin sa rechab dahil kahit buong araw pa nakabukas ung aircon okay lang, tapos wala pa kaming binabayaran.

Mabilis ang pag takbo ng oras, mag aalas otso na at nagdadatingan na rin ang mga kaklase ko. Kanya kanya sila ng review para sa summative pero kami sa likod walang ginawa kundi manood lang ng tiktok at mag laro. May breaktime pa naman kasi! at pwede namang sa lunch nalang kumain. 

"nasa hospital daw si sir, walang pre cal mamaya" agad na pag anunsyo ni althea saamin. 

THE BITE - ApocalypseWhere stories live. Discover now