Meridas
"Pasensya na pero ayoko, sa PANGIT."
Huh?
Ano?
Pangit?
Pangit?
Pangit?
Ako pangit??
Bwisit. Bat ba umiikot sa ulo ko ang mga sinabi niya? Bwisit yun ha. Ganun na ba talaga ako kapanget?
"Ridas! Nagiilusyon ka na naman diyan!" Sabunot sa akin ng bestfriend kong bading.
"Aray ko bakla ka!"
"Iniisip mo na naman si Lando. Eh ano bang nakain mo at patay na patay ka dun sa mukang ipis na yun?" Si Albert, kaklase ko since high school. Kung hindi ko pa nakita 'tong nakasuot ng bra sigurado ako 100% na hanggang ngayon, di pa din to aamin. Feeling may suso ang bakla e.
Buti nga ngayon, ang bakla, ay lalo pang naging bakla. Jusko. Bakla na naging sobrang bakla pa.
"Gaano ba ako kapangit bakla?"
"Siguro sa isang daang porsyento, mga 101%!"
"Leche! Ano nga? Pangit ba talaga ako?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na. Kaibigan mo ko kaya hindi ko kayang sabihan ka ng ganun? Basta lagi mo lang tatandaan. M-m-aganda k-ka." Sabay ang tapik sa likod ko.
"Pag dating sa word na maganda. Nauutal utal?!!"
"Ay eh.. Parang angangati kasi dila ko. Basta bessy! MABAIT KA!!!" Dagdag niya pa.
Baklang to!Okay lang naman sa aking kung sasabihan niya ko ng pangit, pero parang masakit ata pakinggan yun lalo na at bestfriend ko pa tong baklang to.
Bat ganun? Kunwari tatanungin ko kung gwapo ba yang boyfriend mo. Pag hindi nakasagot sasabihin, mabait. Pero ang totoo pangit. Minsan naman pag umover naman sa pangit akala naman ng ibang tao holdaper o kung anumang masamang engkanto.
Maraming din naman klase ng panget diba? Panget na mukha pa lang, nakakatawa na. Meron din, pangit na nga. Todo make up pa. Ano ba yun? Akala nila sa make up, miracles?
Kagaya ko pala-make up din ako, kasi feeling ko gumaganda ako kapag may palamuti ang feslak ko. So it's a miracle nga. Char!
Tapos may mga hipon. Parang ako. Sugpo. Chos. Masyado akong mataba para maging sugpo. Seksing mataba kumbaga. At basta many more!
Oo na pangit nga ako. Tanggap ko na naman yun matagal na. Ang di ko lang talaga matanggap ang mga pag amin ko sa mga taong minamahal ko. Bat ba kasi napaka easy ko mafall in love? Katulad kay Lando. Tas sasabihan lang ako ng PANGIT?
Heler?
Pangit din naman din siya. Kaya akala ko naman soulmate na kame. Pero hindi pala. Jusko. Bat ba kasi ako nagkagusto dun? Ginayuma ata ako ng pangit na yun.
Totoo ha. Minsan hindi ko malaman kung nasaan ba talaga yung ulo niya, minsan nasa baba minsan nasa taas. Chariz! Huwag kang green-minded te!
(Bitter agad te? Bitter agad?)
"Ang tanga tanga ko." Sabi ko sa isip ko.
Bat ba kasi nuong nagpaulan ng ganda sa mundo, hindi man lamang ako tinamaan. Eh bat ba kasi ulan lang? Hindi ba pwedeng sana bumagyo na lang ng ganda, para lahat ng tao kasing ganda ko.
"Bakla! Tara na sa Quantumi, ikakanta ko na lang ang pagka broken-hearted ko." Pagyaya ko kay Alberta.
Yeshh. Kumakanta po ako. Singer po ako sa banyo namin everyday. Ginagawa ko ng ngang recording studio ang banyo namin.
BINABASA MO ANG
Meridas: Ang Babaeng Pangit
HumorAng babaing walang GANDA? Paano nga ba siya gaganda? Halina't tunghayan natin nakakalokang kwento niya. Ay, kwento ko pala to. Haha. Paalala: Eto po ay on-going story po kaya wait lang po sa mga update!