Meridas
Paglabas ko ng CR. Pak! Supermodel ang lakad ko. Pero teka bat nakahandusay pa din tong lalakeng to?? Baka akala niya, kwarto niya tong mall. Pero dinedma ko na lang. Tuloy pa din ako sa paglalakad.
Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. Feeling ko na naman tuloy, super pretty ko today. (Akala mo lang)
Pinuntahan ko na din ang bestfriend ko sa arcade section. Pero wala na siya dun, pati yung gwapong guy na naglalaro ng tekken.
Umikot ako sa Quamtumi. Grabe naman makatingin ngayon mga tao. Lumalaki ang mata. Baka naman omover ako sa ganda.
"Bakla andito ka lang pala!" Sigaw ko ng bonggang bongga sa kanya, nasa videokehan na siya.
Pagtingin niya sakin. "Ay putanginang mukha!!!"
"Bakit?"
"Bat ganyan ang mukha mo? Para kang sinapian ng kapre gaga!"
"Tse! Ang pretty pretty ko nga. Asan na si koya? Nagretouch pa naman ako para sa kanya."
"Umalis na gaga. Di ko na nga nakausap eh. Kinamayan lang si watter. Todo kilig tuloy akis. Bute na lang di ka niya nakita, tatakutin mo pa yung tao! Ikaw malandi ka talaga. Manang mana si watter sayo day!"
"Baklang to. Dapat pinigilan mo muna eee. Umalis na ang papa ko tuloy." Sayang lang ang pagpapaganda ko. (Pagpapapanget kamo) "Gora na bading, kakanta na lang akis."
Sayang naman magpapacute sana ako sa guy na yun. Chaarrr! "Teka nga anong name niya?"
"Ivan sister."
Ivan? Sounds smelly but yummy. Charot. (Ivantot)
After that, gumora na nga kami sa gilid ng stage. So pipili muna ako ng kanta.
"Sister kantahin mo yung wrecking ball! Tas panty mo lang itira mong suot sa stage."
"Bakla naka T-BACK ako. Wag kang ano!"
"Ang taray! Ang baho niyan! Ipit na ipit!"
Tawanan na naman kami habang pumipili ng kanta.
"At tska gaga! Edi nakita nila kaseksihan ko. Choz!"
"Kasiksikan mo hndi kaseksihan. Baboy ka!"
"Powtaenamo!!"
So nakapili na nga ako ng kanta. Kakantahin ko yung Wrecking Ball nga ni Miley.
"Gandahan mo sister ha!"
Bago pa man ako pumanik sa stage ay nagsalita muna ang bestfriend ko sa mic. Ang bakla inunahan agad ako sa MIC. "Ladies ang gentlemen. Please welcoooome oon stage! Ang babaeng kinoronahan at nagdonate ng maraming kandila para sa mga patay. Ang Binibining Undas Magpakailanman! Walang iba kundi si Meridas!"
Ay gaga talaga to! Inokray pa ako sa madaming tao. Pero keri lang, tawanan naman sila. Ang dami ding humihiyaw. Nako. Sikat na sikat tlaga ako.
"Bakla akina na mic! Kakanta na ko!"
Pero nagsalita pa din si Albert. "Palakpakan naman diyan! Itodo niyo! Itodo nyo. Uhm!"
Daming pumalakpak. Mga uto uto. Chaar.
This is it. Dito ko na lang lahat ibubuhos ang sama ng loob ko sa Wrecking ball.
Start na ng song.
Dinadamdam ko yung kanta. Para bang ako lang ang tao sa lugar, napapahawak ako sa dibdib ko. With my luha luha ng kaunte.
BINABASA MO ANG
Meridas: Ang Babaeng Pangit
HumorAng babaing walang GANDA? Paano nga ba siya gaganda? Halina't tunghayan natin nakakalokang kwento niya. Ay, kwento ko pala to. Haha. Paalala: Eto po ay on-going story po kaya wait lang po sa mga update!