CHAPTER FOUR

14 0 0
                                    

Meridas

Pagpasok ko pa lang ng library. Yung librarian nawindang ata sa ganda ko. Dilat na dilat! Kulang nalang iluwa na niya ang mga mata niya at gawin niyang fishball. Char! Gaano ba talaga ako kaganda today?

*hawi ng hair*

"Excuse me.. Are you okay miss?" Tanong ko. But wele telege syeng emek. Emerged. Saan ako magfifill-up?

Leshee! Dederetso na nga lang ako sa loob. Sakto naman nakita ko agad si bakla na serious sa pagbabasa ng libro.

Sipag ni bading! Magulat nga ._.

Agad na din ako lumapit sa likod niya. Huminga ako ng malalim then..

"Wag kang tatalikod, papatayin kita."

Napatalikod naman siya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh! DYABLO!!" Then sinampal niya ako.

"Bruha ka masakit!!"

"Letse ka! Akala ko Dyablo na! Namoka! Bat ngayon ka lang? At bat ba ganyan itsura mo. Ano na namang eksena yen?"

"Nagluluksa ako."

"Leshee dami mong alam aswang!"

"Sympre I am smart!!!!"

Tapos tawanan na kami. Pero hindi pa ako nakamove-on sa sampal. Nako talaga tong bakla na 'to. Mapanakit!

"May kwento pala ko sayo.. Pero later na after nito."

"Gora sis!"

Kumuha na din ako ng libro sa harapan niya at nagstart na magbasa. Hindi ako makaconcentrate. Naiimberna talaga ko sa mga pusit na yun.

Matapos kong masulat lahat ng important detail sa report namin ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

(Nganga na te)

"Bakla.. Hindi ka pa ba tapos?" Tanong ko kay Albert.

"Konti na lang sister, then gora na tayo."

"Sige lang bakla.."

Ano kayang magandang gawin for now? Nako. Libot nga muna ako ditey. Maghahanap na din ng mga books. Para maging advance na din ang utak ko.

"Baklita libot lang si watter saglit ha." Tumango naman si Albert halatang busy talaga sa ginagawa niya.

Nag lakad-lakad na din ako sa mga sulok sulok pero after 10 minutes, ay pagod na ko. Leshee! Dami kasing libro. Hindi ko malaman kung anong kukunin ko.

Makabalik na nga kay bakla..

Pero bago pa man ako dumeretso kay bakla, ay may napansin akong librong lumang luma na.

Mas luma pa ata sa school na ito. Medyo nakakakilabot pero

Parang kinukuha din nun yung atensyon ko. Ewan ko kung bakit.

Baka makalumang dictionary lang. Mmm. Nacucurious ako.

Agad ko din naman nilapitan ito. Tinignan ko muna yung gilid bago ko hawakan.

10 PARAAN PARA SA TUNAY NA KAGANDAHAN

Huh? Mga way para gumanda?

Naloka ako! May ganitey pala dito.

Pero parang ineechoz lang ako nung libro. Wala man lang nakalagay kasi kung sinong Author.

Ramdam ko naman ding echoz lang to. Pero naiinganyo akong kunin siya.

Baka naman kasi magkatotoo na gumanda pa ako lalo. Char!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meridas: Ang Babaeng PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon