Hikbi lang ni katarina ang maririnig sa malaking kuwarto ng ospital kung saan mahimbing na natutulog ang may sakit nya ina.
Habang hawak hawak nya ang kamay ng kanyang ina ay patuloy na bumabagsak ang luha nya sa puting kumot na nakapatong sa matanda.
Agad nyang pinunasan ang kanyang mata ng marinig nya ang pinto na bumukas at pumasok ang doktora kasama ang dalawang nurse na agad naman chineck ang matandang naka higa sa hospital bed.
Lumapit kay Katarina ang doktor na halatang hindi maganda ang ibabalita.
"Doc, kamusta na po si mama ko?" Agad na tanong ni Katarina.
Bumugtong hininga ang doktor bago tumingin sa dalagang namumula ang mata sa kakaiyak.
"Katre..." Tawag nito kay Katarina. "Hindi na ako pwedeng mag sabi ng bagay lang para mapalakas ang loob mo. Lumalala ang kondisyon ng mama mo. Kung mag papatuloy to, delikado. Maliit lang ang ospital na to at kulang kami sa kuwarto at gamit, wala na kaming magagawa lahit ibigay pa namin ang best namin. Kailangan mo na syang ilipat sa mas malaking ospital dahil kung ipipirmi mo sya dito ay lalaki lang ng lalaki ang bayarin mo. Bill, medicine. Katre... Bata ka pa at di ko alam kung paano mo kinakaya tong kondisyon mo ngayon."
Tahimik lang na napaupo si katerina sa upuan, halatang paiyak na.
"Doc, di ko po alam kung paano. Wala naman po akong hawak na malaking pera para sa pag lipat kay mama." Mahinang sabi ng dalaga.
Lumapit ang doktor sa kanya at hinawakan nya si katerina sa likod at bahagyang tinapik.
"Pasensya na talaga katre, lalaki at lalaki lang talaga ang bayarin mo kung istay mo pa dito ang mama mo, wala namang nangyayari." Bumuntong hininga ito. "Kung may itutulong man ako sayo, iyon ay ang pag papautang lang sayo, ako muna ang mag babayad sa hospital bill ng mama mo at magpapahiram din ako sayo ng konting pera para sa paglipat nya. Pasensya na at ganun lang ang kaya ko, di parin naman kasi nakakaluwag luwag sa buhay."
"Maraming salamat po doc. Kapag po nakaluwag luwag ako uunti untiin ko po pag babayad sayo. Di ko po kayang tangihan yung alok nyo, sobrang nangangailangan po talaga ako."
"Di ko rin naman gusto na tangihan mo." Ngumiti ang doktora sa kanya. "Nga pala, mag tatanghalian na, ikaw ba'y kumain na?"
"Ah di pa po. Mamayang gabi nalang po ako kakain, may trabaho po ako sa sisigan mamaya, dun nalang po ako kakain."
"Hindi tama yung pagpapalipas ng gutom katerina." Dumukot ang doktor dalawang isang daang buo sa bulsa nya at ibinigay kay katerina. "Heto pera, bumili ka ng pagkain mo, isabay mo narin ako"
Ngumiti si katerina habang nakatingin sa pera. "Salamat po talaga. Ano po ba ang gusto mo?"
"Kahit ano, ikaw bahala." Sagot ng doktora.
Lumabas ng kuwarto si katerina at nag lakad sa hallway ng ospital. Habang nag lalakad ay may isang matangkad na lalaki ang bumanga sa kanya dahilan ng pagka hulog ng pera sa kamay ni katerina. "Huy, yung pera." Usal nya habang nakatingin sa baba para hanapin ang nahulog na pera.
"Freen?" Bulong ng lalaki, napalingon naman sa kanya si katerina.
"Huh?"
"Ah..." Natahimik ang lalaki. "Pasensya na." Sabi nito pagtapos ng ilang segundo.
BINABASA MO ANG
Modelo
RomanceIn a quaint, overlooked province, Katerina shoulders the weight of her family's survival, her mother's leukemia diagnosis exacerbating their plight. Will desperation drive her into the arms of exploitation, disguised as opportunity?Vien, former mana...