Chapter 2

0 0 0
                                    

naglalakad si katerina sa mahabang daan na patungo sa bahay nya, hindi sya mapakali dahil kanina pa nya nararamdaman na may mali, ramdam nya na parang may nanonood sa bawat galaw nya. nag linga linga na sya sa gilid at likod nya pero wala syang makita. napatalon nalang sya sa gulat nang makarinig sya ng malakas na busina ng kotse na mabilis na nilagpasan sya. bumugtong hininga nalang sya at binilisan ang paglalakad hangang sa makarating sya sa kanyang bahay kung saan nag hihintay ang nakababata nyang kapatid.

lumapit sya dito at inianot ang plastic ng ulam mula sa pinagtatrabahuhan nyang sisigan. "madaming natira kanina kaya hiningi ko nalang yung iba pang ulam ngayon." usal nya habang naglalakad papasok ng kuwarto nya.

hindi kalakihan ang bahay nila, mayroong dalawang kuwarto, isang maliit na sala at sa labasan naman ang kusina at banyo. ordinaryong bahay lang para sa hindi mayamang pamilya ng tagong sitio ng kanilang bayan. masasabing tago ang kanilang kabayanan dahil nasa gitna ito ng gubat kaya naman hindi uso sa kanila ang internet o kahit telebisyon man kaya wala silang alam sa teknolohiya na kinaadikan at ginagamit ng mga tao na hindi nakatira sa bayan nila.

kinabukasan, maagang nag handa si katerina para sa panibagong araw na kakayanin nyang lagpasan. pagkalabas nya ng bahay ay nakita nya agad ang matanda nyang kapitbahay na nag wawalis ng harapan.

"oy kathre. kamusta na ang mama mo?"

nginitian ni katre ang matanda, tuwa niya dahil inaalala din ng kanyang kapitbahay ang may sakit nyang ina. "magiging okay na po sya. ililipat ko na po sya sa ospital sa manila para gumaling na sya ng tuluyan."

"ah mabuti naman, sabihan mo lang ako pag may kailangan ka para naman makatulong ako sa inyong magkapatid at sa mama mo... ano nga ba ulit sakit ng mama mo?"

mahinang tumawa si katerina dahil sa mahinang alaala ng matanda. "leukemia po."

"ahhh... eh ano ba yun?"

"cancer po, sa dugo."

lumapit ito kay katerina at tinapik ng bahagya sa balikat. "maaayos din ang lahat katre, may awa ang diyos. hayaan mo at ipag dadasal ko sya mamaya sa simbahan."

"salamat po talaga nanay Ina."

"wala yun." bumalik ito sa pag wawalis. "nga pala, kilala mo ba yung lalaking nakabantay sa bahay nyo kagabi?"

"lalaki po?" nangilabot bigla si katerina sa narinig mula sa matanda. tama kaya ang hinala nya na parang may nanonood sa kanya mula kagabi pa? nag kamot nalang sya ng ulo. "hindi po eh. nakakatakot naman yun nanay."

"ay hesus ko! mag iingat ka ha? naku katerina!"

bumuntong hininga si katerina ng hindi na mabilang na beses sa umaga palang na iyon. nangpapatawid na sya sa pedestrian line ay muli syang bumuntong hininga ng muntik na syang mahagip ng isang mabilis na motorsiklo, ito na ang huli nyang buntong hininga ng bigla syang mahimatay sa kalsada dahil sa mabahong amoy na naamoy nya nalang bigla.

ModeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon