Katerina's POV
"Bakit— para saan? Bakit mo ko..." Hindi ko makumpleto and sasabihin ko. Ibinalik nya yung litrato ng babae sa maliit na cabinet.
"Why I want you to act as her?" Tanong nya. Di ako nakasagot o makatango manlang. "There's a new project for her. All model want this project, this is her dream before she died."
"Bakit ba hindi nyo nalang Sabihin na wala na sya? Bakit ba sya namatay?" Tanong ko na ikinakunot ng noo nya.
"I cannot just tell you the reason of her death. It's confidential." Bumuntong hininga sya at lumapit pa sakin. "Ms. Katerina... Help her achieve her dream, for her history before everyone know about her death."
Matalim ko syang tinignan. Lumapit pa sya sakin and inabot ang kamay na tila nag mamakaawa. "Ms. Katerina... Help her to make a legacy and I will help you, financially. Please."
Bumuntong hininga ako at ibinaba ang tingin ko sa kamay nya na hawak ang akin. "Mahirap ang pinapagawa mo. Ayoko manloko ng tao."
Binitawan nya ang kamay ko saka ako tinapik sa balikat. "Kaya mo yun. With this face..." Iginapang nya ang kamay nya sa pisngi ko na agad namang namula, mukhang napansin nya yun kaya agad syang bumitaw. "Please katerina."
"Eh kasi naman... Di ko alam." Kinagat ko ang pangibabang labi ko, naguguluhan at di malaman ang pwede kong isagot sa kanya.
Ayokong manloko, ayoko nga sa niloloko ako, sino ba naman kasing gustong lokohin? Pero patuloy kong naririnig ang boses nya na nag sasabi na tutulungan nya ko sa pang ospital ni mama tapos sa pag aaral ni Gelo. Ang hirap... Kailangan ko ng tulong nya pero ayokong manloko.
"Pwede bang... Bigyan mo ko ng panahon para pag isipan yun?" Tumingin ako sa kanya. Nginitian nya ko. "Yes. Yes but... I have to know your decision until Friday." Sabi nya. Napalingon ako sa kanya. "Tatlong araw nalang..."
"I really have to."
Tumango ako.
"By the way... Im sorry, i 'kidnapped' you, kailangan lang talaga kitang makausap and this is the only way to do that."
"Nagtatagalog ka pala?"
"Ofcourse."
<3
Nasa bus ako papunta sa ospital kung saan dinala si mama pero walang tigil ang utak ko kakaisip ng inaalok ni Vien. Mahirap yung trabaho na inaalok na, ayoko din manloko, di rin ako sigurado kung kaya kong gawin yung trabaho na yun pero yung kapalit talaga eh!
Alam ko sa sarili ko na malaking tulong yun, kay mama saka Kay Gelo. Wala na akong mahahanap pa ma ganong opportunity kaya napaka hirap din sakin na tangihan lalo na ngayon na sobra akong nangangailangan.
Nagising ako mula sa malalim na pag iisip ng him into ang bus sa harap ng ospital. Tumayo ako at kinuha ang bag na daladala ko saka lumabas ng bus. Agad kong pinuntahan ang kuwarto ni mama, mas desente yung kuwarto na ito kesa sa kuwarto nya sa probinsya kaya lang ay halatang mas malaki ang hospital bill sa sitwasyon na to.
Mauupo na sana ako nang bigla kong narinig si mama na tinawag and pangalan ko. "Katre..." Pabulong nya, halatang hirap huminga.
"Ma? Kamusta ka po?" Agad kong tanong na hinawakan ang malamig nyang kamay.
"Ang sabi sakin kanina ay dadalhin ako sa ospital sa manila, nasa manila na ba tayo?"
Bahagya akong ngumiti sa kanya. "opo."
"Bakit!?" Pasigaw nya at bigla naman syang napaubo. "Napaka kulit mo. Hindi mo naman kayang bayaran yung magiging utang natin dito."
"Ma naman, kaya kong gawan ng paraan yun saka mas mabuti dito kasi ang sabi ni doktora sa probinsya eh wala na doon magagawa." Pag papaliwanag ko. Napabuntong hininga sya. "Anak... Pasensya na talaga." Umubo sya kaya agad akong kumalas para pagsalun sya ng tubig pero nang bumaling ako mula sa kanya ay nakita ko ang dugo sa kamay, big at ilong nya. "Ma!" Tawag ko. Agad kong pinindot ang pantawag sa mga nurse for emergency. Ilang Segundo lang ay pumasok ang dalawang nurse na agad chineck si mama.
"Anong nangyari kay mama? Okay lang ba sya?" Tanong ko na hindi nila sinagot. Narinig ko ang malaking boses ng doktor sa likod ko, lumingon ako. "Doc? Okay lang ba si mama?" Pag aalala kong tanong.
"Sa kondisyon nya ay kailangan nya na ng operasyon, mas lalala yung kondisyon nya kung hindi sya agad maooperahan."
Napalunok ako. Halos parang dinudurog ang puso ko sa naririnig ko. Ilang pag subok pa ba ang pagdadaanan ko? Gusto ko lang naman gumaling si mama kasi pag nangyari yun maayos na ang lahat pero bakit parang ayaw akong pagbigyan? Iaasa ko nalang ba to sa tadhana?eh paano kung di ako paboran?
Ilang minuto na ang nakakalipas nang kumalma ang lahat. Umalis na ang doktor at mga nurse, naupo ako hawak hawak ng mahigpit ang kamay ni mama. "Mama wag mo kong iiwan." Di ko alam pero yun lang ang kaya kong Sabihin sa ngayon. "Di ko kaya na wala ka mama, wag mo kong iiwan." Iyak ko.
Narandaman ko ang sakit ng tiyan mula sa hindi pa pagkain ng hapunan. Tumayo ako ang kinuha ang baunan na may kanin at ulam. Hinubad ko ang jacket ko at umupo, makaramdam ako ng matigas mula sa bulsa ko, dinukot ko ito at nakita ang card ni Vien. "Call me if you already decided but I'm expecting you to... Agree."
Di ko alam pero yung boses nya naririnig ko ay parang kakaiba sa pandinig ko.
BINABASA MO ANG
Modelo
RomanceIn a quaint, overlooked province, Katerina shoulders the weight of her family's survival, her mother's leukemia diagnosis exacerbating their plight. Will desperation drive her into the arms of exploitation, disguised as opportunity?Vien, former mana...