Chapter 15

7 0 0
                                    

Closed

It's fourth of July‚ and yes‚ I'm finally leaving. Walang tao sa mansyon noong umalis ako‚ nasa Bordeaux ata sila. I can finally close the painful doors‚ even my bleeding heart. My wounds in my palms are still rough‚ even my scars on my innocent heart.

I don't want to comeback‚ ayaw ko nang balikan ang masasayang alaala namin ni Marceau kahit hindi naman talaga ito masaya. I begged him to stay‚ but he chose to left. So‚ I'll just leave‚ ano pang silbi ko dito?

This mansyon is one of my nightmares with Marceau‚ puro sakit at pighati lang ata ang nabuong alaala namin ni Marceau dito.

Naalala ko pa din ang pangako ni Cezilion.

Sana nga ay hanapin at balikan nya ako.

Nag-iimpake na ako ngayon‚ dala-dala ko lahat ng gamit ko maliban sa mga libro. Iiwan ko na ang mga yun dito‚ hindi ko din naman mararanasan ang mga happy ending na katulad ng nasa libro.

I knew that I'll never experience the true love‚ kasi parang hindi naman talaga yun totoo.

Kung may true love‚ bakit halos lahat ng tao nasasaktan sa pag-ibig? Kasi sa pagkaka-alam ko ang pag-ibig hindi nakakasakit‚ kaya nga pagmamahalan. Walang mabubuong sakit dito‚ pagmamahalan lang ngunit tila ba ay pinagkakait ito saakin ng mundo.

Andamot-damot ng mundo pagdating saakin‚ gusto ko lang naman magkaroon ng buhay na parang nasa libro lang ako.

Umiiyak na naman ako habang hinahanda ang mga gamit ko dito‚ dahan-dahan ko 'tong pinapahid. Dapat hindi na muli nila akong makitang mahina‚ akala ko ba malakas at matapang ako? Ano ng nangyari saakin?

Where's is the strong and brave Zerafina Gutierrez that I knew?

Parang Isa na din ako sa mga kababaihan na talunan sa pag-ibig.

Inayos ko na lahat at hinila na ang gamit papunta sa sala‚ siguro ay mage-enroll nalang ako sa pilipinas pero home school.

Malapit na din naman akong makatapos ng kolehiyo‚ 3years nalang at matatapos na ako sa kurong 'to at ipagpapatuloy ko ang pangangarap.

Paglabas ko ay dahan-dahan kong sinaraduhan ang pintuan‚ parang labag sa kalooban ko ngunit kailangan ko naman itong gawin.

Nasa harapan na ako ngayon ng mansyon.

Tinitigan ko muna 'to‚ anlaki-laki ng bahay na 'to ngunit kahit Isa ay walang naidulot saakin na maganda.

Ang puro lang ata naranasan ko dito ay ang masaktan‚ hindi na muli ako babalik sa impiyernong bahay na 'to. Puro kamalasan lang ang naramdaman ko dito‚ pati yung may-ari malas.

Hindi ko napigilang kumaway sa mansyong minsan ding naging parte ng buhay ko. "Paalam... paalam‚ Ma-Marceau." mahina kong saad sabay tulo ng luha.

Naglakad na ako papunta kay Miel‚ naki-usal ako sakanya na ihatid ako sa airport. Aalis na ako sa bansang 'to‚ babalik ako sa Pilipinas‚ tutal may bahay naman dun si mom.

Kahit na may bahay din si mom dito ay mas pinili kong manirahan muli sa Pilipinas‚ para mawala din ang sakit ng nararamdaman ko ngayon sa tuwing naalala ko ang mga pinag-gagagawa saakin ni Marceau.

Nasa back-seat ako ngayon‚ naka-harap sa bintana habang yakap-yakap ang bagpack at katabi ang maleta. Nakasandal lang ako sa bintana habang nagpapatugtog gamit ang headphone ko na binili last year.

"And I'm sorry I left‚
but it was for the best ~"

Iniwan ako‚ edi iiwan ko din para fair.

Yearning For Your False Allures (#1)Where stories live. Discover now