Group Project Nga Ba?

34 0 0
                                    


*Gaga! May message ka!*

Napabangon ako dahil sa tunog ng cp ko. Takte naman! Baliw talaga yung bestfriend kong 'yun! Recorded voice nya kasi 'yung ginawa niyang ringtone ng cellphone ko. Galing talaga. Para daw magising ako kaagad o marinig ko kaagad. Pambihira, ginawa ba namang Alarm Tone yung boses niya? -.-

From: Bakla

Uy bakla! Gising na jan! Gagawa na tayo ng Group Project! Bilis!

Ay oo nga pala. May Group Project nga pala kami ngayong gagawin. Agad akong tumayo para tingnan sa ibaba kung may tao pa ba. Kapag ganito kasing Weekdays, nagsisialisan yung mga tao sa bahay namin nang maaga. Ewan ko nga kung bakit e. Sila Mommy tsaka Daddy, busy naman yun lagi dahil sa Work. Yung si Kuya naman, busy din yun sa studies niya. Si Ate kaya? Ewan. Baka magdedate sila nung boyfriend niya. Kaya ako lang lagi yung naiiwan sa bahay kasama sila Ate Mishang. Except nalang kung may lakad ako tulad ngayon.

At tama nga ako. Wala nang tao sa ibaba. Wala na nga akong naaamoy na pagkain e. Oh see? Ang tahimik na ng bahay. Alas-7 palang ng umaga wala ng mga tao.

To: Bakla

Oo na! Pupunta ako jan! Wala nang tao sa bahay. Huhuhu.

Ganito kami e. Nagsusumbong sa isa't-isa. Hehe XD

*Gaga! May message ka!*

From: Bakla

Alam ko! Dumaan na dito sa bahay sila Kuya mo! Alam ata nilang may group project tayo e! Sabi daw wag ka daw magtagal. Chura nila Kuya mo ah! Di man lang nagsabi ng Good Morning sakin! Bilisan mo na. Para matapos na 'to. Papunta na raw kasi 'yung mga kasama natin.

Hayy naku. Eto talaga sila Kuya. Bakit ba ayaw nilang magtagal ako sa bahay ni Venus? Alam kasi nila kuya na Bestfriend ko si Venus. Pinapayagan naman nila ako ni Ate na sumama kay Venus e kaso ayaw lang talaga nilang magtagal ako sa bahay ni Venus. Weird noh?

Simula kasi nung lumipat kami dito, si Venus lang yung naging kaibigan ko sa village nato. Ang tahimik kasi e. Si Venus na natural na madaldal e naging close ko kaagad. Buti nga may madaldal pa sa village nato e.

Di na ako nagreply kay Venus at kaagad nang naligo. Mamaya na yung daldalan. Heheh XD Actually, yung sabi ni Venus na iba naming kasama ay sila Hera at Athena. Mababait din yung mga yun. Kaso puro nga lang pogi ang nasa utak. Ang bilis makahanap ng mamanyakin e. Hahaha yacks!

Pagkatapos kong maligo ay nagpaalam na ako kaagad kay Ate Mishang na may pupuntahan ako at kinuha yung bike ko. Nasa iisang village nga lang kasi kami ni Venus diba? So malapit lang. Siguro mga apat na bahay yung agwat namin.

Habang nagba-bike ako ay may isang malaking bahay akong napansin. Hindi ko nga alam kung bakit ako napatigil sa harapan nito e. Walang tao sa loob tsaka masasabi kong walang nakatira dito dahil sa wala namang mga bagay sa loob. Di rin naman siya madumi o ano. Parang lagi siyang nililinisan e.

"Bakit walang nakatira dito? Ang ganda kaya ng pagkakagawa ng bahay." Bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto ko pa 'tong tinitigan. Ewan ko ba! Parang namamaligno ako sa bahay na 'to!

*Gaga! May message ka!*

Jusko. Nakakagulat naman tong boses ni Venus. Walangya.

From: Bakla

Hoy babae! Asan ka na ba? Andito na sila!

Di na ako nagreply at nagbike na ulit. Naku tong babaeng to! Ang bilis makamiss sakin e.

Nilingon ko ulit yung bahay nang may makita akong lalaking nakatingin dito. Bakit siya anjan? Nakatingala lang siya sa malaking bahay. Diko makita yung mukha niya. Jan ba siya nakatira? Andami niya kasing dalang bag e.

Please, be Good to me CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon