Natapos kami bandang alas-3 ng hapon. Oh diba? Ang bait bait ko talagang kapatid. Bahala na sila Kuya. Dito ako hanggang gabi bwhahaha. Atleast nasa isang safe na lugar ako diba? Magtetext naman sila Kuya kung namimiss na nila ako e.Dito kami nagtanghalian sa bahay ni Venus. Medyo nakakastress din kasi yung project namin kaya umabot kami ng alas tres ng hapon plus yung pakikipaglandian pa ng dalawa sa kuya ni Venus. Oo nakikipaglandian na yung dalawa. Ano pa bang aasahan niyo sa dalawang yun? And to tell you pa na yung iniistalk pala nilang lalaki kanina e yung kuya pala ni Venus. Small world diba?
Umuwi na sila Hera at Athena pero nanatili ako dito. Nanlambing kasi si Venus na dito raw muna ako. Ayaw niya raw kasing makasama yung kuya niya na laging nagsusungit. May PMS ata? -.- gusto rin daw kasi ng kuya niya na manood ng palabas sa TV nila. Eh bakit ako kasama? Syempre, love story daw kasi. Hahaha xD ganun? Nanunuod yung kuya niya nun? :3 nakanang naman!
Nasa kwarto ako ngayon ng kuya niya. Dito raw kasi kami manunuod. Ang kapal na nga ng mukha ko diba? Pumapasok sa kwarto ng lalaki? XD Hahah. Tsaka malinis naman yung kwarto ng kuya niya e. Ang galing nga kasi ang ayos-ayos at hindi makalat. Nagtaka nga ako eh kanina lang, iniwan niya lang yung kalat niya dun sa sala.
May kukuhanin daw kasi si Venus sa ibaba kaya naghintay ako. Yung kuya niya naman e nasa labas. May bibilhin din daw sabi ni Venus. Kaya ako dito, nakaupo lang habang pinagmamasdan yung kwarto nung kuya ni Venus. Puro ako kuya noh? Diko pa kasi sila natatanong kung anong pangalan nun XD Mahilig nga pala talaga siyang maglaro ng Basketball at Soccer. Umabot na rin siya sa International Games. Dagdag points XD Hahah.
Napansin ko naman yung keychain na nakasabit sa dingding niya. Keychain na Fresh Milk. Favorite niya ba talaga yung Fresh Milk?
Lumapit ako para tingnan yung keychain. Halatang galing sa ibang bansa. Kinuha ko ito sa pagkakasabit at pinagmasdan.
San niya kaya nabili to? Hindi pa naman ako nakakainom ng Fresh Milk pero bakit parang ang sarap uminom ulit? Ang gulo noh? E hindi pa nga ako nakakainom? Haysh. Minsan natatanong ko na talaga sarili ko kung bakit ganito ako magisip e. Ang shunga shunga.
Tiningnan ko ang bandang likuran ng keychain at may nakita akong nakaukit na mga letters. Hindi na siya gaanong malinaw pero kapag kinapa mo ay mararamdaman mo.
P
Kinapa ko pa siya para mas malaman kung ano yung nakalagay.
S
Y
Di ko alam pero bakit parang kinutuban ako? Para bang lumakas yung tibok ng dibdib ko? Bakit ba ako kinakabahan? -.-
"Hindi porke bestfriend ka ng kapatid ko, manggagalaw ka na ng mga gamit na hindi sayo." Napalingon ako sa nagsalita.
Uh-oh. Napakapakialamera ko talaga.
"Sorry." Agad ko namang sinauli yung keychain. Mas lumakas pa tuloy yung pag-iingay ng dibdib ko. Yun bang akala niyo may ninakaw ako kahit wala naman talaga.
Tumango naman ito at kaagad na nilagay yung mga supot ng plastik na dala dala niya.
"Sino ka nga? She haven't told me about you yet. Ayokong nagdadala siya ng kung sino-sino sa bahay ko." Sabi nito na ngayo'y nakaupo na sa upuan. Malaki yung espasyo ng kwarto nito.
Maka-ko si Kuya wagas e. Di pwedeng nila? Bahay nila? Haysh. Mayabang din e. Tsaka hindi ako kung sino sino lang! Anong akala niya? Magnanakaw ako? Sus hindi noh! Sabagay, kung ikaw kaya maabutan na hawak hawak yung isa sa mga gamit niya, di ka ba pagiisipan na magnanakaw? Utak ko talaga. -.-
"Psyche Tyler. Tsaka wag kang mag-alala. Hindi naman ako kung sino sino lang. Hindi ako magiging bestfriend ng kapatid mo kung isa lang akong somebody." Sabi ko. Iba na kasi yung tono ng pananalita niya e.
BINABASA MO ANG
Please, be Good to me Cupid
Short StoryWe dreamt of having eternal love. This is the least thing we can do.