Pinikit-bukas ko yung mata ko para malaman kung nasaan ako. Tanging ilaw lang sa itaas nakikita ko.
Sinubukan kong iikot yung paningin ko pero medyo malabo pa ito.
"Ssshh. Wag mong pilitin. Di mo pa kaya. Just close your eyes and relax. I'm here." Napanatag ang loob ko ng marinig ang boses niya. He's always there.
Pinikit ko ulit ang mata ko at dumaan ang ilang minuto ay binuksan ko na ang mga ito. Akala ko ba matagal pa siya bago umuwi? Ang gulo niya talaga. Haysh. Guardian Angel in disguise ko talaga tong taong tinitingnan ko ngayon.
Nginitian ko siya at dahan-dahan namang umupo. Inalalayan niya naman ako ng buong pag-iingat. Nasa clinic ako ngayon at salamat andito siya. Kundi baka gumabre pa yung kalagayan ko.
"Silly Psyche. Ano na naman bang naalala mo ha?" Tanong niya sakin. Kabisadong-kabisado na talaga ako ng taong to.
"Wala. Di ko na maalala e." Maikli kong sagot tapos tinitigan siya ng masama. Bakit di siya nagpasabi na uuwi na siya?
"Ano?" Tanong niya na medyo natatawa na sa titig ko sa kanya.
"Ikaw Eros Cydric Oldron! Bakit di ka nagtext o tumawag man lang na uuwi ka na ha?!" Sabi ko na may halong pagkainis.
"Ikaw Psyche Tyler! Isusurprise nga po sana kita e! Kaso ang naabutan ko ay yung scenery mo doon sa may Building 143. Sa dinami dami ng pagbabagsakan mo sa madaming tao pa talaga. Hayyss." Tapos may kinuha siya sa bag niya.
Yayks! Sa Building 143 pa ba talaga ako bumagsak?! Doon sa Building ng mga Third Year?! Ayyy. Nakakahiyaaaa!! -.- bakit doon pa?! -.-
Tapos may nilabas siya na kung anong bagay. Ano naman yan?
"Sorry ha?! Di ko kasi alam na andun na pala ako. Maski ako nahihiyang lumabas dahil sa nangyari kanina e. Hayyysh." Tapos naglabas ako ng malalim na paghinga.
"Hahaha. Okay lang yan. Inexplain ko na lahat. Okay na lahat. Sus, ako pa? Naayos ko na yun. Magde-date pa nga tayo e tapos di ka lalabas? Ayy, eto oh." Tapos inabot niya sakin ang isang boteng may gatas? Huh? Aanhin ko ang gatas?
"Eh? Ano to?" Naguguluhang tanong ko. Bagama't kinuha ko na sa kanya yung gatas, nagtataka pa rin ako. Ang gulo. Kelan ba ako uminom ng gatas o Fresh Milk? Nag-iba rin yung reaksyon ng mukha niya. Bakit niya ba ako binibigyan ng Fresh Milk? -.-
Nagulat ako nang bigla niya agawin sakin yung bote tapos binuksan at ininom ng diretso. Luh? Bakit niya ininom yun?!
"Oyy! Ano ka ba! Binigay mo sakin tapos babawiin mo! Inubos mo pa talaga!" Grabe. PG sa gatas Eros?! -.-
Hingal na hingal siya habang hawak hawak yung boteng lalagyan ng gatas na ngayon ay ubos na dahil ininom niya. Hala siya?!
"Di pala para sayo yun. Inuhaw ako bigla e. Sensya ka na ha?" Tanong niya sakin na parang nahihiya. Sus. Nahiya pa siya :3
"Okay lang. Di ka naman nagsabi. May tubig naman dito sa clin---" napahawak ako sa damit ko nang maramdaman kong sumasakit na naman yung sentido ko.
"Gusto ko niyan! Bilhan mo ko niyan!" /tinuro ng babae yung Fresh Milk na nakadisplay/
"Princess, di nga pwede! Wala akong perang dala! Hali kana. Uuwi na tayo."
"Tse! Princess mo mukha mo! Hindi ako aalis hangga't hindi ko nabibili ang Fresh Milk na yan!"
May mga naririnig na naman ako at nakikita. Arghhh. Ni hindi ko malaman kung sino yung mga nagsasalita. Sumasakit lalo ang sentido ko kapag naririnig ang mga usapan na katulad nito. Akala ko ba nakakatakot ang nangyari sa akin dati? Bakit parang ang mga 'to ay puro kasayahan at puno ng pagmamahalan?
BINABASA MO ANG
Please, be Good to me Cupid
Short StoryWe dreamt of having eternal love. This is the least thing we can do.