That Voice

11 0 0
                                    

Masyado ata akong na-paranoid kagabi at nahimatay ako. Kapag kasi nagsisimula nang sumakit yung ulo ko, susunod na diyan yung mga nakikita kong pangyayari na lahat about sa aksidente at paghihirap. Sabi ni Mommy may mga nangyari daw kasi sakin dati na di ko makalimutan kaya kailangan kong uminom ng mga gamot ko para maiwasan na maalala yung mga yun. Mahirap rin kasi kapag sumasakit na yung ulo ko e. Yun bang parang pinupokpok ng martilyo yung ulo ko? Yun bang parang may turnilyong binabaon sa utak ko? Ganun siya kasakit.

Pinagsabihan ako ni Kuya na wag ko na raw ulitin yung ginawa ko at salamat kasi hindi siya masyadong nagalit. Hehehe. Alam niya kasing makakasama yun sakin e. Dahil sa may pasok kami ngayon, nagdala nalang ako ng extra medicines. Baka kasi umatake na naman yung baliw kong sakit. -.-

Sa isang subject lang kami magkaklase ngayon ni Venus at yun yung subject na ginawan namin ng project kahapon. Di ko na rin pinaalam sa kanya kung ano yung nangyari sakin. Baka mag-alala pa yun e. Tsaka yung kuya niya? Tsk. Nevermind ko nalang yun. Makakastress lang yun sa buhok ko sa kili kili XD

"Miss Tyler. Your turn." Napatigil ako sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko nang tawagin ako ni Maam Velasquez. Haysh. Yan na naman -.- Nakakainis talaga to si Maam.

Tumayo ako at huminga muna ng malalim.

Isa lang naman yung kailangan kong sabihin e. Yun ay kung sino ako at paano ako naiiba. Haysh. Yun lang naman kasi. Kaya nga nabobore ako sa teacher na to e.

"Ya'll know who I am. I'm Psyche Tyler. I believe in Forever." Sabi ko tapos umupo na kaagad. Yun lang naman kasi yung dapat na sasabihin e. Di na kailangang pahabain pa.


Nang natapos yung session namin ay naglakad ako patungo sa SSG Headquarters para puntahan si Venus. Officer kasi si Bakla e. Pero bago pako makarating doon ay napadaan ako sa Bulletin Board.

New issue na naman. -.-

Cupid has done it again!

Yan yung nakalagay sa Front Board. Kumbaga yan yung pinaka-main na issue. Haysh. Hindi ko naman hilig magbasa dito e. Kaya nga wala akong kaalam alam about sa mga latest na nangyayari sa school nami . Sadyang naintriga lang akong lumapit ngayon. Haysh.

Dumeritso ako papunta sa SSG Head na para bang hindi lang ako dumaan sa Bulletin Board namin. Wala naman akong ideya about dun e. Sigurado akong mga studyante lang na mahilig magbasa sa BB yung makakaintindi nun.

"Hey Everyone! I'm back and I'm gonna sing another love song for everyone again. Have a great morning and please do share love!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na nagsasalita sa announcer ng school namin. Since when pa may kumanta sa school namin gamit yung announcer? Pumayag ba yung Principal namin at SSG? Weird. And to tell you, familiar talaga sobra yung boses niya. Waaaa!! -.-

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero di ko na napigilan ang sarili kong makinig nang magsimula nang tumugtog ang nasa announcer. Kung sino man siya, nakakaabala siya ah -.- ARGHHH!

Cupid (Lloyd Cover)

♬When you're inlove, everything feels like it goes your way
And when you're inlove, everyday feels like a perfect day
And I hope that I feel this way forever
Hope that its me and you together
And I don't wanna waste another moment
It's me and you girl and Cupid has done it again..
Got my head spinnin' around and round and around
And again..
Got my head spinnin' around and round and around..

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Para bang nagsisimulang tumambol yung puso ko?

Dug Dug
Dug Dug
Dug Dug
Dug Dug

Ano bang nangyayari sakin?!

Napahawak ako sa dibdib ko para malaman kung paano na to nagwawala. Sobra natong nagwawala at nagiingay. Fairy God Mamamana, inlove na ba ako? Sign na ba to? Inlove ako sa isang boses? Pwede ba yun? -.-

I don't know where I would be if it wasn't for you
But one thing's for sure
I'm so glad that I don't have to be without you, you, you..
And I hope that I feel this way forever
Hope that its me and you together

"Urghhhhh." Napaungol ako nang magsimula na namang kumirot yung ulo ko. Ayan na naman siya.

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Baka mabilis lang to. Di pa naman siya gaanong sumasakit e.

Dumaan si Aphrodite kaya nahawakan ko siya. Feel ko kasi yung boses yung nagiging dahilan ng pagsakit ng ulo ko e. Takte. Ang sakit na.

"Oh Psyche? Anong problema? Okay ka lang ba?!" Tanong niya. Tumango lang ako bilang pag-oo. Nanghihina na kasi yung katawan ko dahil sa sakit ng ulo ko.

"Sino ba yung kumakanta? Since when may sumubok na kumanta sa announcer ng school natin?" Tanong ko sa kanya kahit na hirap na hirap na akong magsalita. Natutuyuan na kasi ako ng laway. Diko alam pero as long as naririnig ko yung kanta, mas sumasakit yung ulo ko. Wag lang sanang dumating ang pag-alala ko sa mga nangyari dati. Mas lalo akong maghihirap.

"Huh? Ang gulo mo. Si Culand yung kumakanta. Ano kaba? Since when? Since he got here diba? Lagi lagi kaya." Sagot niya na para bang naguguluhan na sakin. Pero mas naguguluhan ako sa kanya. Sino si Culand? Tsaka bakit wala akong matandaan na may kumakanta na sa announcer namin simula dati?! Tsk.

Binitawan ko siya nang mas maramdamang mas lumalalim na yung kirot sa ulo ko.

Agad akong tumakbo sa kung saan para hindi marinig yung boses. Ang sakit na. Sobra. Habang tumatakbo ako ay pinilit kong hanapin yung mga gamot ko pero diko mahanap.

Sa bawat sulok ng school ay naririnig ko pa rin yung boses nung Culand. Aarghhhh.

Ahhhhh!

Bogshhhh!!

Psychee!!

Listen, he doesn't love you anymore!!

Sinaktan ka niya Psyche!!

Aaahhhhh!

And I don't wanna waste another moment
It's just me and you girl
And Cupid has done it again..♬

Napaluhod ako nang nakatakip sa tenga ko. Habang naririnig ko ang boses ng kumakanta ngayon ay naririnig ko ri ang mga boses na yun. Boses na puno ng sigawan at sakit. Boses ng isang taong sinaktan ako. Boses ko..

"Tama na.." pagsusumamo ko. Ayoko na..

"Tumigil kana please.."

Kung nasaan man ako ngayon ay hindi ko na alam. Wala na akong paki. Basta lang mawala ang mga boses na ito. Masakit. Ayoko nang maalala lahat!!

"You don't have to remember me. Just feel me."

Natapos ang pagkanta at nang marinig ko ang mga salitang iyon ay parang gumuho ang mundo ko. Ano bang mali?! Ano bang nangyayari?!

Gusto kong tanungin ang lahat. Parang may kulang sakin. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko habang naririnig ko ang boses ng lalaking iyon. Sino ka ba?!













Please, be Good to me CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon