"Hoy Hil! Ano na naman yan?"
Napatigil ako sa panonood sa youtube. Tumingin ako sa kaibigan kong feel na feel ang pagkakahiga sa kama ko.
"Yung mag-asawang nagtitinda ng puto na nag viral sa internet na nafeature sa KMJS."
"Oh? Bakit interesado ka dyan? Gusto mo magtinda ng puto?!" Umupo sya at hysterical na nagtanong. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Syempre hindi! Nakakatuwa lang kasi kahit na sa edad nilang yun they still together. Naaamaze ako, mapapatunayan nilang may forever." nginitian ko sya, humarap na ulit ako sa laptop ko.Nagulat ako nang biglang sumulpot yung ulo nya sa tabi ko. Tinitigan yung pinapanood ko. Maya maya rin lang humagalpak na ito sa tawa. I stare at her, grabe itong babaeng ito halimaw tumawa. Pulang pula na ng mukha at tainga. Tumigil na sya katatawa at humarap sa akin.
"Bes hindi porket umabot ng ganyan katagal forever na." huminga sya ng malalim "Mauuna rin ang isa sa kanila" nagsign of the cross pa sya after saying those words.
I got shock on what she said. "Aila! Grabe ka sa kanila!" Nilakihan ko sya ng mata. "Malay mo sabay sila, yun talaga ang forever" Dyos ko po, ano ba itong pinagsasabi ko. Nagsign of the cross din ako. Napatingin ako kay Aila ng hilahin nito ng mahina ang buhok ko.
"Hilary! 'Wag ka nga magsalita ng ganyan! Mga words mo! Gumalang ka nga." Nanlalaki ang matang sermon nya sa akin.
Okay. Ako ang bad? Sorry na, ginaya ko lang naman sya e. Sarap nya sabunutan lasang hot'n spicy.
"Sorry na. Akala mo'y ang bait na tao, sya naman nagsimula" Inirapan ko sya, pumikt ako at pinagdikit ang palad "Sorry Lord, it will never happen again"
Tumingin na ako kay Aila, natawa ako ng mahina. Ginaya pala ako, nagsosorry din kay Lord."Hoy Aila, tama na. Baka magmadre ka na nan. Basta ang sinasabi ko sayo may forever at sina lolo't lola yun."
"Walang Forever!" bigla nyang sigaw. Kita mo 'tong babaeng ito.
"Wala ka lang lovelife!" balik sigaw ko sa kanya.
"Psh." She rolled her eyes at pabagsak na dumapa sa kama.Yang kasing si Aila, walang lovelife kaya sinasabing walang forever. Kakabrebreak lang nila nung boyfriend nya last week. Glerc "The Jerk" Vicencio is the name. Glerc's reason is he need time and space, yan ang kwento ni Aila sa akin and the rest is history.
Tumabi ako sa kanya, umayos na sya ng pagkakahiga at nakuha pang magselfie.
"Aila Bermudez, why so bitter? Mahahanap mo rin yang forever mo, don't worry. Magtiwala ka lang"
"Naku Hilary Cortes, tumigil ka walang forever!" Sabay ngiti sa phone. Dyos ko po, selfie lord ang babaeng ito.
"Okay dyan ka naniniwala e. Hala sige ika'y umaayo na." Tinulak ko sya kaya na laglag sya."Aray ha! Makatulak wagas! Ang sweet sweet mo bes!" Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis.
"Parang hindi ka pa sanay" binato ko naman sya ng unan. Sapol ang ulo.
"Langya 'tong bruhang 'to." binato nya pabalik yung unan kaso nga lang nasalo ko. Tumayo na sya at inayos ang sarili.
"Tss. Ika'y lumisan na iha, malayo pa ang iyong lalakbayin upang matungo ang iyong tinutuluyan. May klase pa tayo kinabukasan."She look at me in disbelief.
"Wow Hil! Nahiya naman yung dalwang bahay na pagitan nung bahay natin."
Nagpeace sign lang ako sa kanya. Tinulak ko na sya papunta sa pinto.
"Sa susunod na araw na lang tayong muli magkita."
Tumigil sya at tinitigan ako.
"Bes okay ka lang? What's with your words? Tagalog pa more?""Gagamitin ko kasi sa Fil-1 ko so I'm just using it on you. Dali na, umalis ka na, gagawa pa ako ng assignment e."
"Fine fine. I'm going, ciao!" Inirapan nya muna ako bago umalis. Sarap dukutin ng mata e.-
"Bes una na ako. May quiz nga pala kami." nagmamabilis na syang tumakbo papunta sa department building nya.
"Haha! Goodluck bes!" pahabol sigaw ko. Tinaas nya kamay nya at nagthumbs up.

BINABASA MO ANG
Forever do Exist
Teen FictionA girl who believes forever exist. A hopeless romantic girl searching for her forever. After she met those failed guys, she still believe in forever. She'll meet a number of boys, at isa doon ang kanyang forever. Meet Hilary Cortes ang taong magpapa...