"Hoy Burol!"
Oh siopao! Bakit ba nandito sya?
"Ano ba Zeke? Ang kulit ha."
Tumawa lang sya, at deretso ng nagdrive. Ihahatid nya na ako sa bahay at doon na rin sya tutulog kahit yung bahay nya ay yung katabing bahay nina Aila. Makikipagbonding daw sya samin.
"Sa CU ka rin nagtransfer?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya at tumango. Transferee kasi nagstart na sya ng class sa school nya sa Palawan.
After naming magkitang muli sa McDo kanina, inaaya nya akong manood ng sine. He also told me the whole story ng pagbalik nya dito galing Palawan, may business daw kasi si Tita Lei, mommy nya here kaya sya yung pinasama. He's been here for almost 2weeks, inayos nya muna papers nya sa pagtransfer bago pumasok, he's taking Business Administration.
Yung kotseng sumusunod pala sa akin, sya lang pala. Loko din 'tong pinsan ko e. Tinatakot pala ako, nung unang beses kong makita yung kotse nya makikipagkita na daw sana sya kaso nga lang may kasama daw ako. Nahalata daw pati nyang mukhang natakot ako sa kanya kaya pinagpatuloy nya paging mysterious. Tinatawanan na lang daw nya ako sa tuwing nakikita reaction ko.
Zeke Castañeda is my cousin sa mother side. Since bata pa lang kami sobrang close na namin sa isa't isa. Yung tipong hindi mapaghiwalay pero kadalasan magkaaway. Pikunin kasi ako sinamahan pa nya na sobrang lakas mang-asar. He use to call me BUROL because of my nickname Hil. Dahil maganda pangalan nya wala ako magamit na pang-asar sa kanya. Well, I have a pretty name tho, pinapapangit lang nya. Until Grade School we're classmates but after graduation he needs to move in their ancestral house in Palawan. Five years ago pa huling pagkikita namin, kaya ganun na lang nanlaki mata ko kanina. Bihira na silang pumunta dito simula noon, kadalasan pa wala ako sa bahay o di kaya busy sa school at minsan ganun din si Zeke pagnagkakaroon ng family gathering ang Castañeda Family. Kaya ngayon lang ulit kami nagkita. Muntik ko pa ngang hindi makilala, ang tangkad na kasi. Nung bata pa kasi kami, matangkad ako sa kanya ng mga 2inches. Ay ngayon sya na ang matangkad sa akin.
-
"Oh" inabot nya sa akin yung Piatos na malaki.
Nasa veranda na kami ng kwarto ko, binalak muna namin magstar gazing at magkwentuhan bago matulog. Nagulat nga si Mama na kasama ko sya. Ayun sila ang nagkwentuhan buong dinner. Ngayon lang ulit kami mag-uusap.
Tinitigan ko sya. Tumangkad, ang gwapo, lalong pumuti, bakit may biceps na 'to? E ang payat payat naman. Lumapit ako sa kanya at tinaas ang shirt nya.
O_O
"Whoa! I never know that you're interested in this kind of things now, let me say na nag nanasa ka pala sa abs. Hahaha! Cous, that's incest, sorry di tayo talo." he said after pulling his shirt down. Umupo na sya sa isang upuan sa tabi ko.
"Paano ka nagkapandesal? Tokneneng na yan e ang payat payat mo!" I confusely said.
Bumunisngis lang sya. Binato ko sya ng isang piraso ng paitos. "Hoy! Para kang bakla dyan."
"Ano ba 'teh? Don't make bunyag nga. Am I that too halata ba? Mamamiya! I should push my acting pa pala para hindi so obvious." he said in gay tone.
"Umayos ka nga! Pantimang lang Zeke" uminom ako nang coke in can.
"I'm seryoso here girl. I AM GAY! kafederation ko si Bb Gandang hari and Vice Ganda."
Nabuga ko yung iniinom ko, swerte nya't wala sya sa harap ko. Bading?! E bakit may abs and biceps sya?!
"That's eeww Hil. You make ayos nga, you're so lamogels."
"WHAT THE FVCK?!" I shouted hysterically.
BINABASA MO ANG
Forever do Exist
Teen FictionA girl who believes forever exist. A hopeless romantic girl searching for her forever. After she met those failed guys, she still believe in forever. She'll meet a number of boys, at isa doon ang kanyang forever. Meet Hilary Cortes ang taong magpapa...