Chapter 5: Nakakahiya

7 1 0
                                    

Acceptance na ng school sa saturday.
Sa kinamasmalasan na pagkakataon, napasali pa ako sa presentation ng course namin. You're wondering why? Ang magaling na Gab sinabi na isali ako sa co-dancer nya na choreographer pala nang course namin. Epal! ComArts student ba sya? Makapagsuggest ang loko. Yung choreographer naman gullible sumunod sa Gavinito na yun! Nakakasura! I know how to dance but you'll never make me dance. Dancing is not my style anymore. I enrolled in a ballet dance workshop way back in nursery and grade school. One time, nagpeperform ako nun sa stage when suddenly na out of balance ako kasi hindi ko napansin yung marbles na nakakalat sa sahig. Bumagsak ako at nagkasprain, napahiya pa ako sa lahat ng nanonood. Sa pagkakatanda ko, nakita ko pa yung classmate ko sa dance workshop na yun na nagpipigil ng tawa sa backstage. Annie ata name nun. I forgot na since grade 4 pa naman ako that time and also she's not that important to remember. Simula no'n natakot na akong magsayaw sa harap ng maraming tao baka kasi maulit yung nangyari. Pero pagmag-isa lang ako or I'm with my close friends and family mapagsasayaw nyo ko.

"1 and 2 3 4 5 6 7 8! 1 2 3 and luhod!"

Waaaah! Bakit kasi ako napasama dito? Imbis na nagbabasa na lang ako ng books e napunta pa ako dito sa malupitang dance step na ito e.

"Good! Break muna for 10 minutes! Babalik kayo ha, subukan nyong umuwi, sumbong namin kayo kay Dean!" sigaw ni Anda- yung choreo.

"Salamat naman at naisipan nyong mag break time..." bulong ko. Tumayo na ako at pinagpag yung tuhod ko. Puro luhod ang steps dito e, baka magkapasa na ako nito sa tuhod or worse mangitim. Yikes! Yari ako nito kay Mama.

"Hil, akala ko ba ayaw mo sumayaw? Hahaha! Napilitan ka rin lang siguro?" Tanong sa akin ni Jermie, classmate ko sa isang subject.

Napangiti na lang ako ng pilit sa tanong nya. Napilitan ba tawag d'on? Bigla na lang kasi ako pinatawag sa ComArts Department Office nung monday at sinabing kasali ako sa presentation. Hindi na ako pwede tumanggi kasi naipasa na yung name ko sa Dean, nakanganga lang ako buong magdamag na kausap ako nung department officers. After ng mahabang paliwanag nila I asked how come na napasali ako ng hindi ko namamalayan. Tumawa si Anda na naandun pala "Yung boyfriend mo, isinali ka, pinakita pa yung video mo na nagbaballet ka nung bata ka pa. Nakita ko naman na magaling ka kaya pumayag ako." paliwanag nya, boyfriend? May boyfriend pala ako, 'ba naman buti pa sila alam nila ako hindi. I looked at them with a questioning look. "Si Gab Vicencio, jowawers mo yun diba?" tanong nung baklang officer. I got it, that moron!

Hindi ko nga namalayan na palabas na pala ako ng office at nasa labas pala si Gab na nakangiting lagpas tenga. Tinanong pa ako kung ayos daw yung ginawa nya? The hell with him. Sinabunutan ko sya at pinaghahampas. Pagkatapos ng pangbubugbog ko sa kanya ay iniwan ko syang kapit yung braso nyang ilang beses kong pinaghahampas.

"Napilitan ka nga kita sa mukha mo e. Hahaha! Goodluck sa muscle pain." Natatawang tinapik nya balikat ko.

"Pagsinabi bang required pero hindi pinipilit, ano ibig sabihin? Yan ang sinabi nila sa akin after kong tanggihan." Tinignan ko sya. She shrug at inayos yung buhok nyang gulo na sa kasasayaw. Nalaglag tuloy ilang hibla ng buhok nya sa mukha nya.

"Wow! Ang ganda mo pala pagnakalugay Jermie. Maglugay ka nga minsan laging nakamessy bun yung buhok mo e." Pagpuri ko sa kanya at uminom ng tubig.

Boyish kasi itong si Jermie, ngayon ko nga lang nakita yang nakalugay. Laging nakamessy bun yung buhok o di kaya nakapigtail kaso nakasuot ng cap. Maganda naman sya, ang puti at kutis ng balat, pero sa pormahan lagi lang yan nakapants or tokong, medyo loose shirt at sneakers. Never mong makitang nakadress or short shorts yan, schooluniform nga lang ang nakita kong suot nyang skirt. Classmate ko yan nung highschool kaya alam ko. But hindi sya yung typical boyish na barkada ay boys, her friends are girls. Different type of girls to be exact.

Forever do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon