Acceptance day
Katatapos lang ng maikling seminar about rules and policies ng department namin, at ang pagpapakilala ng mga department officers.
Binigyan kami ng 2hrs para magpreprepare para sa presentation namin. Inayusan na kami ng buhok at mukha ng ibang higher year. Kalaban namin ang ibang course, kaya todo push samin si Anda na kailangan daw naming galingan and everything, blablabla.
"Tungunu. Ang daming sinasabi ng chimpmunk na yan e. Tapalan ko bibig nan, makita nya." Rinig kong bulong ni Jermie na katabi ko. Natawa na lang ako ng mahina at siniko sya.
Tinawag na lahat ng participants, naunang nagperform yung course nina Aila. Ngangels na lang kami ni Jermie. Ang ganda nung kanila, spotlight pa si Aila. Habang nagsasayaw si Aila kapartner yung isang lalaki, bumulong sa akin si Jermie.
"Hoy Cortes, yan yung may gusto sa bestfriend mo diba?"
"Ha? Sino?" Nagtataka kong tanong. Sino ba tinutukoy nya? Ang dami kaya may gusto sa babaeng yan. Paymuth e.
"Yung kasayaw nya, tanga!" Sigaw nya sa akin.
"Aish don't shout and I'm not stupid. Oh e ano naman?" Tinignan ko sya ng salubong ang kilay.
"Wala lang. Hahahahahaha!" Humagalpak sya sa tawa. Inirapan ko na lang sya, minsan talaga naiisip ko kung takas mental itong si Jermie e. Tumingin na ako kay Aila na nasa gitna na nangungunang nagsasayaw. Napatingin naman ako sa right side, nakita ko si Glerc na nakatitig sa nagsasayaw na si Aila pero nakaakbay kay Xela na abala sa phone nya. Hay naku! Ang gulo ng Glerc na 'to. Sarap kutusan. Di malaman kung ano o sino ba talaga ang gusto.
"Baby" sabay sundot sa tagiliran ko. Kaya napaigtad ako. Nilingon ko si Gab na nakangiting malaki sa likod ko.
"Galingan mo ha, para ganahan din akong magsayaw. Sunod na kayo. Anyway, you're so gorgeous specially without your glasses" Kinindatan nya ako. Naku Gab, don't be like that. Wala nga akong gamit na eyeglass ngayon kasi baka masira habang nagsasayaw, nakacontact ako ngayon.
"Che! Lumayas ka na. Kadiri kindat mo." Umalis syang nagflafying kiss pa.
Tapos na yung presentation nina Aila, sunod na kami. Nagsign of the cross ako at lumapit na sa unahan. Nagformation na kami. Tumugtog na yung music, sinimiulan ni Anda yung sayaw hanggang sa unti unti ng nagsayaw yung mga kasama nya sa part na yun. Then sabay enter namin exit naman nila. Todo hataw kami sa pag-indak, ginalingan namin hanggang matapos yung sayaw. Nagbow kami after.
"That's a mind blowing presentation from ComArts Department, let's give them around of applause. Thank you Bachelor of Science in Communication Arts." Sabi ng MC. Nagpalakpakan naman mga tao sa paligid. Sumunod na yung apat pang department na nagperform.
"Awat na muna sa presentation. Mag intermission number muna tayo from CUD! (Pronounciation: CAD)" Announce nung MC.
Pumasok na ang dancers ng school. Nagformation na sila, nagflying kiss pa sa akin si Gab bago pumewesto. Tumugtog na yung remix song nila. Sumayaw na sila, si Gab at yung isang babae yung nasa unahan. Sila ata pinaka magaling gumiling kaya sila ang nilagay do'n.
"Kung di umalis si Britanny sya yung nasa unahan hindi si Ericka." Rinig kong imik nung katabi ko.
Si Britanny kasi daw ang laging spotlight everytime na magperform ang group. Ang kaso umalis si Britanny, di ko nga lang alam kung saan pumunta, hindi naman kasi kami close.
Natapos sumayaw ang CUD. Lumapit agad sa akin si Gab para mangulit. Tanong ng tanong kung maganda ba daw yung performance nila. Kahit anong sagot ko ng OO paulit-ulit pa ring tinatanong. Pilit pang binibigay sa akin yung mini towel nya para punasan pawis nya. May kamay naman sya diba? Ba't di nya gawin. Naoverdose ba ng enervon 'tong taong 'to. Ang hyper e, sobra!

BINABASA MO ANG
Forever do Exist
Teen FictionA girl who believes forever exist. A hopeless romantic girl searching for her forever. After she met those failed guys, she still believe in forever. She'll meet a number of boys, at isa doon ang kanyang forever. Meet Hilary Cortes ang taong magpapa...