-SELESTINA POV-
Napahawak ako sa aking batok na tumingala sa kalangitan. makulimlim ngayon nagbabadyang uulan, malakas akung napabuntong hininga dahil nadin sa bigat na nararamdaman ko ngayong araw. Inayus ko ang pagkakasakbit ng aking bag siyaka ko inilibot ang aking mga mata sa kabuan ng bahay na lilipatan namin, nakatayo ako mismo sa harapan.
" Maganda ba?" Napatingin ako sa ate kung nakatayo sa gilid ko, hindi kosiya napansin na lumapit sa akin. siguro naaliw lang ako kakatitig sa bagong bahay namin.
"Panigurado akong magugustuhan mong tumira tayo dito." Ngiting sambit niya sa akin, binigyan kosiya ng simpleng ngiti kung saan pampabawas kaba sa aking nararamdaman.
nakasabayan kopang pumasok sa loob ang nakababatang kapatid namin ni ate na si nadine, masaya siyang tumakbo palapit sa parents naming nag-aayus ng gamit.
inikot ko ang kabuuan ng bahay. hindi ko makakailang maganda din ang isang to, maayus naman. ramdam kodin ang tahimik na kapaligiran.
Dahan-dahan akung umakyat sa hagdan, habang iniikot ang paningin sa buong sulok ng bahay. ibang iba siya sa dati naming bahay hindi naman ganon kalakihan, sakto na para sa amin.
Malayo layo ito sa city kaya naman napakatahimik, wala din akung kahit na anong mga batang nakitang naglalaro sa labas noong dumaan kami sa kalsada papunta dito.
pumili lang ako ng kwarto, pinili koyung kwartong nasa dulo, pagbukas ko palang sa pintuan bumungad sa akin ang magandang kulay ng pader, may aparador sa gilid habang malaki ang bed, may study table din sa bandang gilid malapit sa bintana.
Inilapag koyung bag ko sa malambot na kama, dahan-dahan akung humiga. malambot din ang kama para makatulog ako ng mahimbing.
"ayus kana ba dito?" Napatingin ako sa pintuan ng bago kung kwarto, nakatayo doon si mama. ngumiti naman ako sa kaniya pabalik.
"umm oo naman, maganda ang kwartong to keysa sa dati kung kwarto." tumango siya sa aking sinabi, lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.
"Wag kang mahihiyang magsabi sakin, ginawa ko ito para sayo, alam kung mahirap mag disisyon pero.... Kailangan anak." huminga ako ng malalim bago tumingin sa kisame.
May sakit ako, ang sabi ng doctor kailangan kodaw ng sariwang hangin, tahimik na paligid kung saan makakatulong yon sa paggaling ko.
"Gusto ko napong mapagisa, pakisarado nalang yung pintuan kapag lalabas ka." bumangon ako sa pagkakahiga siyaka lumapit sa study table.
"paki-abot naman nung bag ko." tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko siyaka niya inabot sa akin ang bag ko, inilabas kodun yung diary ko.
"bumaba ka mamaya kapag dinner na." bahagya akung tumango sa sinabi niya siyaka ko pinagtuunan ng pansin ang diary ko. mahilig akung magsulat kaya naman ginusto kung magkaroon ng diary.
rinig nang pagsarado ng pinto ang umingay, senyales na lumabas na si mama, napahinga ako ng maluwag bago sinirado ang diary ko. wala ako sa mood para magsulat, iginilid kulang ang diary ko bago tumayo sa kinauupuan ko.
"Hoy, gusto mong magikot-ikot." Ngunot noo akung humarap sa kakapasok palang na kapatid ko.
"Lumabas kanga ng kwarto ko! si ate ang kulitin mo, wag ako!." Inis na bulyaw ko sa kaniya, nagdabog siyang ngumuso sa akin bago umiling- iling.
napaka kulit talaga ng batang to!
"No, kanina may nakita akung malaking puno malapit dito kaya please, puntahan na natin." May pagmamakaawa na sabi niya. plumatak akung bumuntong hininga bago tumango.
YOU ARE READING
Wake up Selestina
RandomSa sakit na meron si selestina madrigal, hindi niya inaasahan ang magiging kapalaran niya, sa kanilang paglipat sa bagong tahanan may pagbabagong mangyayari dahil sa kaniyang sakit, siya'y mapupunta sa Isang mundo na kung saan ay maaring habang buha...