Napabangon ako sa kama ko na sapo sapo ang noo. Maaga akung nagising para sana ayusin ang mga gamit ko ang kaso ilang saglit lang akung humiga sa kama nakaramdam nako na parang masama ang aking pakiramdam.
Hanggang ngayon ay hindi padin tumitila ang ulan, buong magdamag sigurong umulan. Napabuga ako ng hininga bago tumayo sa pagkakaupo ko sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko, naisipan kung maghanap ng signal dahil kahit dito ay mahina pala. Inayus ko lang ng bahagya ang aking buhok bago bumaba. Nakasalubong kopa si ate na paakyat, may bit-bit siyang box.
"Saan ka na naman pupunta?" Agarang tanong niya sa akin, napabaling ako ng tingin sa kaniya.
"Doon lang sa labas, maghahanap ng pwesto para makasagap ng signal." Aniya ko.
"Naulan sa labas, sa kusina baka may signal don. Wag na wag kang lalabas ng bahay. " Saglit akung nakipagtitigan sa kaniya bago nagkibit balikat nalamang akung lumabas ng bahay. Kinuha kulang yung payong sa gilid.
Hindi naman gaano kalakas ang ulan, katamtaman lang. Nang mabuksan ko ang payong ay agad nakung sumulong sa ulan. Siniksik kulang sa bulsa ko ang cellphone ko para hindi mabasa.
Akmang bubuksan kona sana ang gate nang may tumawag sa akin at walang iba kundi si nadine.
"Ate!" Napatingin agad ako sa kaniya. Mukhang kagigising niya lang "Saan ka pupunta?Sama ako!" Napaawang ang labi kung umiling-iling.
"D'yan lang ako, wag kanang sumama. Maghahanap lang ako ng signal." Sigaw ko bago dali daling tumakbo paalis.
"Isusumbong kita kay mama!" Rinig kopang sigaw ni nadine pero pinagsawalang bahala ko na lamang. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
Hindi ako pupunta ngayon sa pinuntahan namin kagahapon ni nadine, tutal may nadaanan kaming tindahan kagahapon habang nasa kotse kami ay doon ko sana balak pumunta. Hindi naman kalayuan yun dito, kaya hindi ako mahihirapang puntahan yun. Napakamot pako sa buhok ko na may naalala.
Nakalimutan kung magsuot ng jacket, unti-unti nakung nilalamig. Inayus ko ang pagkakahawak sa payong. Binagalan ko nalang din ang pagtakbo ko dahil baka madulas pako ng wala sa oras.
"Miss! Miss!" Sigaw ng kung sino. Napaitlag ako sa gulat nang biglang may nakisilong sa payong ko.
"What--- who are you?!" Sigaw ko sa kaniya, napatigil kami parehas sa pagtakbo. Bahagya siyang napangiti sa akin.
"Saan ka pupunta, miss? Baka doon din ang punta ko. Makikisabay na sana?"
Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya siyaka ko pinasadahan siya mula ulo hanggang paa. Hindi na bago sakin ang mga lalaking katulad netong nasa harapan ko. Simple lang ang suot niya or should i say nakapantulog padin.
"Sa tindahan bakit..." Sambit ko.
"Ohh--doon din ako pupunta e, may bibilhin kase ako."
" Bakit ba wala kang dalang payong? Sa akin ka pa talaga nakisilong, aba naman kuya nang-aabuso ka yata." Agad siyang umiling sa sinabi ko.
"Aba hindi, ah. Talagang makikisilong lang ako hanggang makarating tayo dun sa tindahan, wala ng iba." Inis kung binigay sa kaniya ang payong ko na ikinagulat niya.
" Bahala ka, kung gusto mo sayo nalang yang payong ko. Maiwan na kita." Dali-dali akung tumakbo at iniwan siyang nakatunganga. Narinig kopa siyang sumigaw pero pinagsawalang bahala ko nalang.
Agad akung nabasa ng ulan, inayus ko ang pagkakatago ng cellphone ko. Hindi konadin ininda ang ulan.
Nang makarating ako sa tapat ng tindahan ay may naabutan pakong mga nakatambay. Lumapit agad ako.
YOU ARE READING
Wake up Selestina
RandomSa sakit na meron si selestina madrigal, hindi niya inaasahan ang magiging kapalaran niya, sa kanilang paglipat sa bagong tahanan may pagbabagong mangyayari dahil sa kaniyang sakit, siya'y mapupunta sa Isang mundo na kung saan ay maaring habang buha...